bruhilda

pollution

Posted in buhay kalsada, jologs, mga buhay-buhay by bruhilda on Marso 6, 2012

maaga akong nakalabas kanina sa opisina xempre tuwang tuwa naman ako. dahil sa naglakad kami mula opisina hanggang sakayan mga 20 minuto din yun napagod ako at nagutom pero hindi pa din ako kumain.. pagkababa ko sa bus nagkita kami ng jowa ko para sabay na kaming umuwi ng bahay ng nakamotor..
aba naman alam kong gutom ako pero naman.. hindi naman ako kumakain ng usok na galing sa tricycle at jeep.. ewan ko ba naman di ba pagniriregistro ang sasakyan merong smoke emmision testing pano nakapasa tong mga smoke belcher na sasakyan? eh kung bumuga ng usok daig pa ang dragon sa pag buga ng apoy. susmaryosep naman.. ang tanong lang uso pa ba ang testing testing na yan o wala lang may masabi lang na nag-test. ano ba ang kategorya para malaman na smoke belcher ang saakyan o hindi? wala naman yata eh. dapat ang mga ganyang sasakayan eh hinuhuli.. ang kaso lang pano naman may manghuhuli sa lugar namin eh bundok nga. mas maganda siguro kung gamitin sa pelikula yun bang pinasasabog. may pakinabang pa lumabas pa sa sine.. hmp..
malamang ang ilong ko at libag ko eh namumutiktik na naman sa dami. mega to the max kuskos na naman ako nito bago matulog. buset talaga..

Alay Lakad..

Posted in buhay kalsada, jologs, mga buhay-buhay, personal by bruhilda on Pebrero 29, 2012

kahapon maaga akong nakauwe infernes 1 oras lang akong nag-ot.. xempre naman tuwang-tuwa ang lola kasi nga maagang makakauwe. kasama ko ang mga prends ko kahapon sa paglalakad mula opisina hanggang sa sakayan. hindi naman sa sobrang nagitipid  kami pero exercise na din mga 20mins walking din kasi yun.

pagdating namin ng sakayan aba nangulat ang lola bat ang daming tao tapos walang masakyan.. sa may edsa.. mega tayo pa din ako kahit feeling ko eh mahihirapan akong sumakay.. nagtxt ako sa prend ko kung nakasakay na xa. kaso lang pang lima na xa sa pila. yayain ko sana xang kain muna bago umuwi.. pero bumalik pa din ako sa mall tinext ko isang prend namin.. at viola,buti naman nandun pa nga xa so bonggang window shopping muna.. napunta kami sa mga shades ng pambata at pang matanda, sa furniture (bukas dito bukas doon, upo sa bed) at napagod na kami sa kakaikot ng isang oras. so naghiwalay na kami para umuwi..

at pagdating ko sa sakayan linchak ang dami pa ding tao, pumunta pa ako sa terminal ng mga service nagbakasakali ako aba’t namputsa naman dinaig pa ang sawa sa haba ng pila. ending balik na naman ako sa hiway.. pucha parang may rally/ alay lakad sa dami ng tao.. at nakiisa na din  ako sa kanila sa paglalakad. di ko namamalayan ang layo na pala ng narating ko.. may nakita akong bus na byahe pasaamin sasakay sana ako kaya lang di na ako kakasya kahit isang step man lang sa hagdan. di na lang ako nagpumilit pa baka mahulog pa ako kaya bonggang lakad na lang ule. at may nakita akong bus na naman byaheng pa south.. so bongga ang takbo ko para akong hinahabl ng sampung kabayo sa bilis para makasakay lang ako.. at buti na lang nakaupo/higa ako.. kasi naman ang naupuan ko kusang humihinga ang sandalan alam yata ng sandalan na pagod na talaga ako. kahiya naman sa taong nasa likod ko.. hahaha… sori na lang kuya pagalitan mo ang sandalan ng upuan ko.. wala akong kasalanan.. sumasandal lang naman ako.. at buti na lang deadma si kuya.. ang napansin ko lang lahat yata ng sumakay ng bus na yun eh humihingal.. ibig sabihin lahat ng sumakay eh tumakbo ever.. at sa kamalas-malasan ko naputol ang linya ng telepono ko.. akalain mo yun nahirapan na nga akong sumakay di pa ako makapag text/tawag sa cp.. anak naman talaga ng teteng oh ang swerte ko talaga.. pag inaabot talaga sumasagad naman eh..

Busy Day..

Posted in mga buhay-buhay, opisina, personal, trabaho by bruhilda on Pebrero 28, 2012

Ako na nga ang hindi busy ngayon.. sa dami ng tao dito sa ofis ngayon mukhang ako lang yata ang walang ginagawa,, este meron naman,, mag browse sa net ng kung ano ano, magbasa ng blog ng may blog, maghanap ng song para sa mtv ng aking friend, makipagchat, magtingin ng picture, ayusin tong blog ko na hindi ko alam kung pano ko aayusin.. akalain mo yun marami din naman pala akong nagawa sa isang buong araw.

pag ganitong pahanon dito sa opisina ang drama talaga ng trabaho ko eh mag-antay. mag-antay ng file o pag sinuswerte mag antay sa wala  na tipong aabutin ka ng gabing gabi kaantay at madaling araw ka na darating sa bahay dahil sa ikapitong bundok pa ang bahay ko..  at pag sinuwerte talaga dito ka matulog sa ofis kasi takot ng umuwi sa kalaliman ng gabi.. ewan ko ba naman sa mga boss kong ewan kung bakit mahilig silang mag-antay at magpaantay. hmp..

at pagganitong pahanon naghahanap talaga ako ng pagkakabisihan ko.. tipong busy-bisihan lang ang drama.. in short nagpapanggap na busy..

ang tanging hiling ko lang naman sa araw na ito ay hwag akong gabihin.. at dumating na ang pinakaaantay namin para matapos na tong kalokohan na to..

plane ticket issue..

Posted in mga buhay-buhay, opisina, personal by bruhilda on Pebrero 10, 2012

natuwa naman ako ngayong araw na to.. kabibigay lang ticket namin papuntang BORA company outing/kick-off/teambuilding.. daming gagawin sa 3 araw. walang panahon para magsaya yata ang drama namin dun.

kaya naman ako natuwa eh napasama ako sa first batch na magpa-flyt kasama ang friend ko/ofismeyt.. xempre pareho kaming natuwa in-short kaso lang yung isang friend namin eh nasa second batch pero ayus na yun magkikita naman kami dun..

ang hindi nakakatuwa eh may mga taong mahilig mag-side comment na kesyo kesyo… wag naman ganun ang importante eh pare-pareho tayong makakarating ng BORA.. makarating ng safe at mag-enjoy.. di yung magcomment ng special ang mga first batch.. bakit may ano ba sa first batch na wala sa second batch?? pareho lang naman ang airlines.. pinagkaiba lang eh flyt sked.. wag ng maging ampalaya.. kasi di naman na mapapalitan yang ticket mo it’s final.. tanggapin na lang ang katotohanang ganun talaga..

inilagay lang sa first batch ang mga echusera.. joke..hehehe…

wierd mo..

Posted in mga buhay-buhay, opisina, relasyon by bruhilda on Setyembre 7, 2011

kahapon pa kita napapansin bago mag uwian. bat parang may nagbago sayo? anong meron? dapat ka ba talagang umakto na parang wirdo ngayong mga panahon na to? kibuin dili ka. di ko alam kung may problema ka ba o ano.

parang nakikisama ka lang kasi parang wala ka ng ibang choice na samahan.

ano bang problema mo?

sino ba ang may problema sa atin ikaw ba o kami?

hirap maging manghuhula. grabe…

ang pagbabalik.

Posted in jologs, mga buhay-buhay, personal by bruhilda on Agosto 25, 2011

yun oh.. kulang 4 na taon ang binilang bago ako nakapag blog ulit. may pasko ng pagkabuhay? naging busy? o nagbusy-busyhan lang ng ilang taon??..  at sa aking pagbabalik, ako na nga ang nalito di ko alam kung anong iki-click ko..na bobo naman pala.. hmp.. kasi naman.. ano ba ang nangyari at tumigil ako sa pag ba-blog samantalang noon active na active ako tapos bigla na lang naglahong parang bula. at ngayon parang multong biglang nagparamdam. ganun talaga siguro ang buhay minsan.. sabi nga weder weder lang yan.. o xa ako na nga ang may weder. 😉 happy pa din ako ngayon kasi di nawala ang account ko dito.. salamat talaga pramis…hala naman ang tagal bago naipost.. di ko alam ang pipindutin ko.. windang na..

 

ang layf ko ngayon…

Posted in mga buhay-buhay, opisina, personal, wordpress life by bruhilda on Disyembre 18, 2007

sobrang busy ngayon kaya hindi ako gano makadalaw dito sa aking tambayan medyo napabayaan ko sya ng ilang araw. noong nakaraang linggo busy kami mag-ayos para sa x-mas party namin  at talagang nakakatoxic sya samahan pa ng sang katutak na trabaho. sabay-sabay talaga. nakaraos ang x-mas party namin na kahit may palpak eh di naman halata. maganda pa din ang kinalabasan kahit pano. at ang premyo ng mga nag-organize eh kape sa starbucks treat ng country manager namin. para sa mga paghihirap namin kuno. kahapon binigay kasi walang time last wik. ok na kahit late ang kape.

ngayon eto pa din  busy pa din sa trabaho. malapit na kasi ang sending namin kaya laging ot. gabing-gabi na ako nakakarating sa bahay hindi ko na din kayang mag-dinner pagdating. ang dinner ko isang basong tubig. maliligo, magbibihis saka matutulog. gising ng maaga para pumasok kinabukasan. hayyy kakapagod talaga. may choice ba ako? wala… kailangan eh. ganun parati ang gawain ko ngayon sa araw-araw. di gaano makapag-net kasi sobrang dapat trabaho muna. maraming dapat tapusin. masakit na din ang likod at mata ko sa kakatutok sa computer. pati mga kamay ko sumasakit na din para na akong maa-arthritis ang lamig pa naman.  para akong maiistrok dapat kong gumalaw-galaw. pero ilang minuto lang dapat ang break. sarap mag-inat, sarap magkape dahil nakakaantok. kahit sabado ot pa din kami.

buti na lang nakadalaw ako ng medyo matagal ngayon dito sa tambayan ko.  namimiss ko ng mag blog hopping kaya lang ilang blog lang ang nadadaan ko di pwede magtagal. sige sa susunod tayo uli magkita. aalis na muna ako dami pa gagawin.

sori po

Posted in mali-mali, mga buhay-buhay, pasko na naman, personal, tag, wordpress life by bruhilda on Disyembre 11, 2007

gusto ko lang pong humingi ng paumanhin kay miss jovi kasi po sa tagged nya sa akin na christmas tree parade 2007. ang kaso po wala po kaming x-mas tree sa bahay namin sa hindi malamang kadahilanan.

baka ito po na dahilan…

1. walang pambili ng x-mas tree? ( pwede!)

2. tamad magkabit at magtanggal ng x-mas tree (panalo!!!  totoo yan)

3. maliit po ang espasyo ng aming munting tahanan. (hindi ka pwedeng gumulong kasi tatama ka sa threadmill sa sobrang wala talagang space).

4. balak ko po next x-mas na lang kami magkakabit ng x-mas tree pag nasa sariling bahay na  namin kami nakatira. (mahirap maging hampas-lupa)

pasensya na po talaga. at eto po at magpapaliwanag ako. simula po kasi ng umalis ang aking mahal na magulang at dalawa na lang kaming magkapatid ang naiwan eh hindi na po nauso ang x-mas tree sa aming magkapatid.

meron pong isang maliit na x-mas tree sa table ko sa opisina at x-mas light. yun lang po ang meron ako. hindi ko po na-kodakan kasi po la time di bale sa susunod na lang hindi naman kasi maipagmamalaki yung x-mas tree. mukhang losyang at ginahasa ng sampung kabayo.

pasensya na po talaga…

ngarag ako ngayon

Posted in mga buhay-buhay, opisina, wala lang by bruhilda on Disyembre 10, 2007

wala lang gusto ko lang mag-blog. sa katunayan wala naman talaga akong sasabihin kasi nangagarag ang beauty ko ngayon. isa kasi ako sa komite dito sa aming opisina. at lahat kami ay nangangarap para sa nalalapit naming x-mas party kasi naman po sa thursday na yun at bukod pa dun dami preparasyon na dapat ngawin sakto sa peak namin sa aming department. di ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko.

at eto pa ang nakakatawa meron kaming carolling naglilikom kaming mga komite ng pera para sa mga mentally retarded na bata para sa darating na pasko. magkakaroon kami ng outrich program para sa kanila. hirap talaga kumita ng pera. dito lang naman kami sa opisina nagka-carolling bawat department pinupuntahan namin at kinakantahan ng mga wait pamasko. isang kanta isang department pagtapos ng isang kanta lalabas ng opis para magpraktis ng isa uli saka papasok na naman. kahit kami natatawa sa pinaggagawa namin.  nakatapos kami ng tatlong department ngayong araw. buti naman noh. magkano? yun ang hindi ko alam…

hirap talagang maging ngarag lalo na sa mga susunod na araw malamang baka di ko mabisita ang aking munting tambayan. hirap magpakadakila. dami gagawin iniisip ko pa lang parang ayaw ko na tinatamad na ako. bukas maaga akong aalis para bumile ng wine para sa kapartihan na yan. hay naku ewan ko ba. tapos carolling uli sa hapon at para sa groceries dito para sa empleyado. gudlak sa kabisihan,

papansin, papampam, KSP

Posted in mga buhay-buhay, opisina, personal by bruhilda on Disyembre 6, 2007

dito sa aming opisina araw-araw walang bago. nakasawa ang routine sa pang-araw-araw na gawain. minsan tahimik, minsan maingay, at minsan sobrang maingay na nakakabingi at nakakairita na parang palengke.

noong unang pasok ko at naging kapamilya/kapuso ako dito medyo mabait pa ako nun. wala pang tumutubong sungay sa akin, mala angel kung baga. parang hindi makabasag pinggan. ilang weeks pa lang ako dito noon na nagku-kwentuhan kami ng naging kaibigan ko sa may pwesto namin na pabulong ang usapan para di makaistorbo sa ibang tao sukat ba naman itong isang kaopisina namin eh biglang tumayo at sinabing ang ingay-ingay ko daw. mega tanong naman ako sa katabi namin kung maingay ba kami eh nagbubulungan lang kami. doon ko lang nalaman na maingay na pala ang bulungan. siguro di nya marinig kaya nag-react sya o kaya feeling nya sya ang pinag-uusapan namin. hindi ako kumibo noon. kinausap ako ng bisor ko na hayaan ko na lang. dahil talagang ganun ang ugali nya. nagpapakilala sa mga bago. ok fine hayaan! masunurin akong bata kaya hinayaan ko. paglipat namin ng opisina x-mas party namin noon at xempre kailangan ng mga costume ek-ek na yan. eh wala akong costume aktwali di lang naman ako marami kami. may pinagawa sa aking ang isang ka departamento namin di ko na maalala kong ano yun basta yun na yun. busy ako noon magsulat ng pinagagawa nya ng bigla nyang tinanong kung may extra costume pa daw yung bruha kasi wala akong costume ang sagot ba naman eh “hindi ko pahihiramin yan eh ang taray nyan” hello… hindi po ako nagtaray sa kanya. sya nga yung nagtaray sa akin noon eh pero di ko pinatulan. nagalit talaga ako pero pigil pa din kasi hindi pa ako regular noon. nagbait-baitan pa din ako. ilang buwan ang lumipas bigla akong pinansin. xempre nagulat ako. ok mabait naman ako di nakikipag-usap na ako kinalimutan ko yung mga pinag-gagawa nya noon sa akin.

noon may elektrikpan dito sa silong ng lamesa ko at palaging nakabukas yun regular na ako dito nun. at medyo may tumutubong sungay at kumukulot na nga. at marunong na akong mangatwiran at mambara lalo na at alam kong tama ako. nataon naman na nakabukas ang elektrikpan ko eh may sakit daw sya. sinabi nya sa katabi nya na sabihin sa akin. kasi nilalamig daw sya. sabi ko sa nagsabi sa akin sa akin nya sabihin. di sinabi nya na nilalamig daw sya ang kaso mo yung elektrikpan di naman nakatapat sa kanya dahil sa frend ko nakatapat yun. oo nasa likod ko sya pero yung ulo ng pan eh naka slant at walang nag ba-bounce ni katiting na hangin sa kanya. ang sabi ko ate hindi naman po nakatapat sa inyo yung pan. di wala syang kibo na badtrip siguro. nilagyan nya ng sang katerbang kahon sa likod ko. so!!! deadma akech nun kasi totoo naman eh. tanong ko sa opismeyt ko panong di sya lalamigin eh centralized kaya ang aircon. at nakatapat sa kanya yung labasan ng lamig. mula noon at magpahanggang ngayon di pa din kami in-good-terms.

aktwati, di ko talaga sya feel kasi masyadong maingay at pag dating ng opis eh buhay na nya ang ibinibida nya. ayaw ko sa ugali nya pag meron ka ok ka pero pag wala ka tae ka. magaling pag may kailangan. at kung pamilyar ka sa ugaling  sobrang kulang sa pansin eh ganun na ganun sya. gusto palaging bida.

naipost ko tuloy to sa sobrang pag nakikita ko sya eh naaasar ako. yung feeling mabigat, kumukulo ang dugo ko. naiirita ako sa boses nya. ewan kung maaari ayaw ko syang tignan at ayaw makita. di ako masamang tao. sa katunayan mabait naman ako  hindi ako mahirap pakisamahan close ko lahat ang tao dito maliban sa kanya. oo taklesa ako pero totoo ang sinasabi ko di ba nga turo sa atin ng matatanda masama magsinungaling at isa pa inilulugar ko ang pagsasalita ko. nagpapakatotoo lang ako. oo may pagkabruha din ako kaya nga yun ang inilagay kong pangalan ko dito eh pero inilulugar ko naman po.

ang swerte ng bruha nasama sya sa post ko. mabigat kasi sa pakiramdam kaya isinulat ko…