bruhilda

“Kapit-Bisig Day”

Posted in jologs, kakornihan, mall, pamilya by bruhilda on Oktubre 15, 2012

Nangako ako sa bagets ko last week na i-ti-treat ko nung saturday sa kadahilanang sinabihan daw sya ni titser na rank 8 daw sya. xempre natuwa naman ang mudra. kaya walang abog-abog na magti-treat sa jugets.

eto na habang lumalapit ang sabado biglang tumawad ang jugets ko at ang sabi na kung pwede na sa linggo na lang daw (yun ay kahapon nga) kami umalis para itreat xa. xempre ang mudrakels oo agad sabay tanong kung bakit, kasi daw nasa alabang daw si Sir Chief at Maya. Naloka naman ako sa suggestion kung suggestion nga bang matatawag yun. Feeling ko hindi, planado na nya  talaga yun.

Xempre sumapit ang pinakahihintay na linggo at sobrang excited ng bruha kong anak. tanong pa ako kung anong oras magsisimula yung show sa alabang sabe 5pm daw.. o xa 5 pm. yun pala passed 5pm na kami nakaalis ng bahay.. anak naman ng teteng oo pagdating sa mall kami na nga ang nakipagsiksikan na halos magkapalit-palit na ang mga mukha ng tao sa sobrang sisikan. na kahit hindi ka maglakad makakausad ka dahil itutulak ka na lang ng mga tao. di kami umubra sa ground floor daming tao talaga. sa 2nd floor ganun in short, akyat kami sa 3rd floor. pucha naman napakalayo ang hirap ng maaninag ng mga mukha ng mga artista. ganito kalayo..

pagmalabo-labo ang mata mo parang mga dwende na lang sila sa paningin mo.. sa buong buhay ko ngayon lang talaga ako nakiusi ng ganito. wala naman talaga akong pakialam kung may show man sa mall na napupuntahan ko o wala eto lang talaga. disappointed nga lang si bebe ko kasi nga di nia nakita ng malapitan ang mga artista. ang babagal kasi kumilos kaya yan ang napala namin. pinahirapan pa namin ang sarili namin  masilayan lang sila Sir Chief at Maya.. dahil sa sobrang nalungkot si jugets next time daw agahan namin.. meron pang next time??? windang ako dun ha.. saan kaya ang susunod nilang “Kapit-bisig Day”?? nang makapagpareserve na agad-agad.. hahaha…

 

 

pollution

Posted in buhay kalsada, jologs, mga buhay-buhay by bruhilda on Marso 6, 2012

maaga akong nakalabas kanina sa opisina xempre tuwang tuwa naman ako. dahil sa naglakad kami mula opisina hanggang sakayan mga 20 minuto din yun napagod ako at nagutom pero hindi pa din ako kumain.. pagkababa ko sa bus nagkita kami ng jowa ko para sabay na kaming umuwi ng bahay ng nakamotor..
aba naman alam kong gutom ako pero naman.. hindi naman ako kumakain ng usok na galing sa tricycle at jeep.. ewan ko ba naman di ba pagniriregistro ang sasakyan merong smoke emmision testing pano nakapasa tong mga smoke belcher na sasakyan? eh kung bumuga ng usok daig pa ang dragon sa pag buga ng apoy. susmaryosep naman.. ang tanong lang uso pa ba ang testing testing na yan o wala lang may masabi lang na nag-test. ano ba ang kategorya para malaman na smoke belcher ang saakyan o hindi? wala naman yata eh. dapat ang mga ganyang sasakayan eh hinuhuli.. ang kaso lang pano naman may manghuhuli sa lugar namin eh bundok nga. mas maganda siguro kung gamitin sa pelikula yun bang pinasasabog. may pakinabang pa lumabas pa sa sine.. hmp..
malamang ang ilong ko at libag ko eh namumutiktik na naman sa dami. mega to the max kuskos na naman ako nito bago matulog. buset talaga..

Alay Lakad..

Posted in buhay kalsada, jologs, mga buhay-buhay, personal by bruhilda on Pebrero 29, 2012

kahapon maaga akong nakauwe infernes 1 oras lang akong nag-ot.. xempre naman tuwang-tuwa ang lola kasi nga maagang makakauwe. kasama ko ang mga prends ko kahapon sa paglalakad mula opisina hanggang sa sakayan. hindi naman sa sobrang nagitipid  kami pero exercise na din mga 20mins walking din kasi yun.

pagdating namin ng sakayan aba nangulat ang lola bat ang daming tao tapos walang masakyan.. sa may edsa.. mega tayo pa din ako kahit feeling ko eh mahihirapan akong sumakay.. nagtxt ako sa prend ko kung nakasakay na xa. kaso lang pang lima na xa sa pila. yayain ko sana xang kain muna bago umuwi.. pero bumalik pa din ako sa mall tinext ko isang prend namin.. at viola,buti naman nandun pa nga xa so bonggang window shopping muna.. napunta kami sa mga shades ng pambata at pang matanda, sa furniture (bukas dito bukas doon, upo sa bed) at napagod na kami sa kakaikot ng isang oras. so naghiwalay na kami para umuwi..

at pagdating ko sa sakayan linchak ang dami pa ding tao, pumunta pa ako sa terminal ng mga service nagbakasakali ako aba’t namputsa naman dinaig pa ang sawa sa haba ng pila. ending balik na naman ako sa hiway.. pucha parang may rally/ alay lakad sa dami ng tao.. at nakiisa na din  ako sa kanila sa paglalakad. di ko namamalayan ang layo na pala ng narating ko.. may nakita akong bus na byahe pasaamin sasakay sana ako kaya lang di na ako kakasya kahit isang step man lang sa hagdan. di na lang ako nagpumilit pa baka mahulog pa ako kaya bonggang lakad na lang ule. at may nakita akong bus na naman byaheng pa south.. so bongga ang takbo ko para akong hinahabl ng sampung kabayo sa bilis para makasakay lang ako.. at buti na lang nakaupo/higa ako.. kasi naman ang naupuan ko kusang humihinga ang sandalan alam yata ng sandalan na pagod na talaga ako. kahiya naman sa taong nasa likod ko.. hahaha… sori na lang kuya pagalitan mo ang sandalan ng upuan ko.. wala akong kasalanan.. sumasandal lang naman ako.. at buti na lang deadma si kuya.. ang napansin ko lang lahat yata ng sumakay ng bus na yun eh humihingal.. ibig sabihin lahat ng sumakay eh tumakbo ever.. at sa kamalas-malasan ko naputol ang linya ng telepono ko.. akalain mo yun nahirapan na nga akong sumakay di pa ako makapag text/tawag sa cp.. anak naman talaga ng teteng oh ang swerte ko talaga.. pag inaabot talaga sumasagad naman eh..

Busy Day..

Posted in mga buhay-buhay, opisina, personal, trabaho by bruhilda on Pebrero 28, 2012

Ako na nga ang hindi busy ngayon.. sa dami ng tao dito sa ofis ngayon mukhang ako lang yata ang walang ginagawa,, este meron naman,, mag browse sa net ng kung ano ano, magbasa ng blog ng may blog, maghanap ng song para sa mtv ng aking friend, makipagchat, magtingin ng picture, ayusin tong blog ko na hindi ko alam kung pano ko aayusin.. akalain mo yun marami din naman pala akong nagawa sa isang buong araw.

pag ganitong pahanon dito sa opisina ang drama talaga ng trabaho ko eh mag-antay. mag-antay ng file o pag sinuswerte mag antay sa wala  na tipong aabutin ka ng gabing gabi kaantay at madaling araw ka na darating sa bahay dahil sa ikapitong bundok pa ang bahay ko..  at pag sinuwerte talaga dito ka matulog sa ofis kasi takot ng umuwi sa kalaliman ng gabi.. ewan ko ba naman sa mga boss kong ewan kung bakit mahilig silang mag-antay at magpaantay. hmp..

at pagganitong pahanon naghahanap talaga ako ng pagkakabisihan ko.. tipong busy-bisihan lang ang drama.. in short nagpapanggap na busy..

ang tanging hiling ko lang naman sa araw na ito ay hwag akong gabihin.. at dumating na ang pinakaaantay namin para matapos na tong kalokohan na to..

Waiting for Nothing

Posted in Uncategorized by bruhilda on Pebrero 27, 2012

ang pinakamahirap gawin sa lahat ay maghintay. kahit saang aspeto pa yan, sa lablayf, sa trabaho, sa perosonal etc. basta mahirap maghintay nakakabagot lalo na pag wala ka naman ibang pwedeng pagkaabalahan kundi humarap sa pc mo at magpatay oras lang. ang kaso lang ang paghihintay minsan hindi mo alam kung may hinihintay ka ba talaga o wala, kung darating ba o hindi.

ilang beses na din naman nangyari to saken ang maghintay sa wala lalo na sa trabaho. katulad na lang nung biyernes.. aba at ako na nga ang nag-antay hanggang pasado alas 11 ng gabi pero wala din naman nangyari ginabi lang ako ng dating mali inumaga pala. dahil sa malayo ang bahay namin aakyat pa ako ng bundok ng tralala.. hay naku mukhang ngayon araw na to ay ganun na naman ang mangyayari  saken ngayon. asa pa ako na makauwe ng maaga..

kahit naiinis na ako wala naman akong magagawa kundi mag-antay pa din.. sana lang darating ang araw na wala ng pag aantay ng matagal..

tanong lang ang SHORTLY ba ay inaabot ng 2-3 oras? ganun na ba ang shortly ngayon.. OMG talaga..

plane ticket issue..

Posted in mga buhay-buhay, opisina, personal by bruhilda on Pebrero 10, 2012

natuwa naman ako ngayong araw na to.. kabibigay lang ticket namin papuntang BORA company outing/kick-off/teambuilding.. daming gagawin sa 3 araw. walang panahon para magsaya yata ang drama namin dun.

kaya naman ako natuwa eh napasama ako sa first batch na magpa-flyt kasama ang friend ko/ofismeyt.. xempre pareho kaming natuwa in-short kaso lang yung isang friend namin eh nasa second batch pero ayus na yun magkikita naman kami dun..

ang hindi nakakatuwa eh may mga taong mahilig mag-side comment na kesyo kesyo… wag naman ganun ang importante eh pare-pareho tayong makakarating ng BORA.. makarating ng safe at mag-enjoy.. di yung magcomment ng special ang mga first batch.. bakit may ano ba sa first batch na wala sa second batch?? pareho lang naman ang airlines.. pinagkaiba lang eh flyt sked.. wag ng maging ampalaya.. kasi di naman na mapapalitan yang ticket mo it’s final.. tanggapin na lang ang katotohanang ganun talaga..

inilagay lang sa first batch ang mga echusera.. joke..hehehe…

wierd mo..

Posted in mga buhay-buhay, opisina, relasyon by bruhilda on Setyembre 7, 2011

kahapon pa kita napapansin bago mag uwian. bat parang may nagbago sayo? anong meron? dapat ka ba talagang umakto na parang wirdo ngayong mga panahon na to? kibuin dili ka. di ko alam kung may problema ka ba o ano.

parang nakikisama ka lang kasi parang wala ka ng ibang choice na samahan.

ano bang problema mo?

sino ba ang may problema sa atin ikaw ba o kami?

hirap maging manghuhula. grabe…

ang pagbabalik.

Posted in jologs, mga buhay-buhay, personal by bruhilda on Agosto 25, 2011

yun oh.. kulang 4 na taon ang binilang bago ako nakapag blog ulit. may pasko ng pagkabuhay? naging busy? o nagbusy-busyhan lang ng ilang taon??..  at sa aking pagbabalik, ako na nga ang nalito di ko alam kung anong iki-click ko..na bobo naman pala.. hmp.. kasi naman.. ano ba ang nangyari at tumigil ako sa pag ba-blog samantalang noon active na active ako tapos bigla na lang naglahong parang bula. at ngayon parang multong biglang nagparamdam. ganun talaga siguro ang buhay minsan.. sabi nga weder weder lang yan.. o xa ako na nga ang may weder.😉 happy pa din ako ngayon kasi di nawala ang account ko dito.. salamat talaga pramis…hala naman ang tagal bago naipost.. di ko alam ang pipindutin ko.. windang na..

 

ang layf ko ngayon…

Posted in mga buhay-buhay, opisina, personal, wordpress life by bruhilda on Disyembre 18, 2007

sobrang busy ngayon kaya hindi ako gano makadalaw dito sa aking tambayan medyo napabayaan ko sya ng ilang araw. noong nakaraang linggo busy kami mag-ayos para sa x-mas party namin  at talagang nakakatoxic sya samahan pa ng sang katutak na trabaho. sabay-sabay talaga. nakaraos ang x-mas party namin na kahit may palpak eh di naman halata. maganda pa din ang kinalabasan kahit pano. at ang premyo ng mga nag-organize eh kape sa starbucks treat ng country manager namin. para sa mga paghihirap namin kuno. kahapon binigay kasi walang time last wik. ok na kahit late ang kape.

ngayon eto pa din  busy pa din sa trabaho. malapit na kasi ang sending namin kaya laging ot. gabing-gabi na ako nakakarating sa bahay hindi ko na din kayang mag-dinner pagdating. ang dinner ko isang basong tubig. maliligo, magbibihis saka matutulog. gising ng maaga para pumasok kinabukasan. hayyy kakapagod talaga. may choice ba ako? wala… kailangan eh. ganun parati ang gawain ko ngayon sa araw-araw. di gaano makapag-net kasi sobrang dapat trabaho muna. maraming dapat tapusin. masakit na din ang likod at mata ko sa kakatutok sa computer. pati mga kamay ko sumasakit na din para na akong maa-arthritis ang lamig pa naman.  para akong maiistrok dapat kong gumalaw-galaw. pero ilang minuto lang dapat ang break. sarap mag-inat, sarap magkape dahil nakakaantok. kahit sabado ot pa din kami.

buti na lang nakadalaw ako ng medyo matagal ngayon dito sa tambayan ko.  namimiss ko ng mag blog hopping kaya lang ilang blog lang ang nadadaan ko di pwede magtagal. sige sa susunod tayo uli magkita. aalis na muna ako dami pa gagawin.

SMS

Posted in kakornihan, sms, wala lang by bruhilda on Disyembre 17, 2007

there is a girl who argue with her bf coz she asked a ring for her birthday…

but her bf send a talking doll instead…

the girl refused to accept the doll the she throw it away…

the guy run as fast as he could to save the doll but an approaching car hit him then he died…

at the burial the girl was crying, she grab the doll then hold it tight, the  talking doll spoke saying ” will you marry me?Pls get the ring in the doll’s pocket. hope you like it…”

__________

the worst feeling is knowing how much you like someone

how much that person likes you back,

how perfect you are together….

but for million unknown reasons you can never be together… damn!

_________________

love is confusing isn’t it?

we can never tell when to give up and when to keep trying;

when to let go and when to hold on.

 the question is :

is it the love which is confusing?

or the person you’re loving?

Older Posts »
%d bloggers like this: