bruhilda

ngarag ako ngayon

Posted in mga buhay-buhay, opisina, wala lang by bruhilda on Disyembre 10, 2007

wala lang gusto ko lang mag-blog. sa katunayan wala naman talaga akong sasabihin kasi nangagarag ang beauty ko ngayon. isa kasi ako sa komite dito sa aming opisina. at lahat kami ay nangangarap para sa nalalapit naming x-mas party kasi naman po sa thursday na yun at bukod pa dun dami preparasyon na dapat ngawin sakto sa peak namin sa aming department. di ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko.

at eto pa ang nakakatawa meron kaming carolling naglilikom kaming mga komite ng pera para sa mga mentally retarded na bata para sa darating na pasko. magkakaroon kami ng outrich program para sa kanila. hirap talaga kumita ng pera. dito lang naman kami sa opisina nagka-carolling bawat department pinupuntahan namin at kinakantahan ng mga wait pamasko. isang kanta isang department pagtapos ng isang kanta lalabas ng opis para magpraktis ng isa uli saka papasok na naman. kahit kami natatawa sa pinaggagawa namin.Β  nakatapos kami ng tatlong department ngayong araw. buti naman noh. magkano? yun ang hindi ko alam…

hirap talagang maging ngarag lalo na sa mga susunod na araw malamang baka di ko mabisita ang aking munting tambayan. hirap magpakadakila. dami gagawin iniisip ko pa lang parang ayaw ko na tinatamad na ako. bukas maaga akong aalis para bumile ng wine para sa kapartihan na yan. hay naku ewan ko ba. tapos carolling uli sa hapon at para sa groceries dito para sa empleyado. gudlak sa kabisihan,

2 Tugon

Subscribe to comments with RSS.

  1. jojie said, on Disyembre 11, 2007 at 12:30 hapon

    gudlak kafatid. πŸ˜€ ako ay tapos na diyan…

    _________
    hirap nga eh. buti na lang ipi-null-out ako ngayon ng boss ko kasi peak kami ngayon. naawa… πŸ˜†

  2. kengkay said, on Disyembre 14, 2007 at 5:28 hapon

    gusto ko rin mag caroling dito kaso wala akong boses e πŸ˜€ tulong???