Imbak para sa Kategoriyang ‘tag’

sori po

gusto ko lang pong humingi ng paumanhin kay miss jovi kasi po sa tagged nya sa akin na christmas tree parade 2007. ang kaso po wala po kaming x-mas tree sa bahay namin sa hindi malamang kadahilanan.

baka ito po na dahilan…

1. walang pambili ng x-mas tree? ( pwede!)

2. tamad magkabit at magtanggal ng x-mas tree (panalo!!!  totoo yan)

3. maliit po ang espasyo ng aming munting tahanan. (hindi ka pwedeng gumulong kasi tatama ka sa threadmill sa sobrang wala talagang space).

4. balak ko po next x-mas na lang kami magkakabit ng x-mas tree pag nasa sariling bahay na  namin kami nakatira. (mahirap maging hampas-lupa)

pasensya na po talaga. at eto po at magpapaliwanag ako. simula po kasi ng umalis ang aking mahal na magulang at dalawa na lang kaming magkapatid ang naiwan eh hindi na po nauso ang x-mas tree sa aming magkapatid.

meron pong isang maliit na x-mas tree sa table ko sa opisina at x-mas light. yun lang po ang meron ako. hindi ko po na-kodakan kasi po la time di bale sa susunod na lang hindi naman kasi maipagmamalaki yung x-mas tree. mukhang losyang at ginahasa ng sampung kabayo.

pasensya na po talaga…

ang aking mga kinahuhumalingan

eto na naman po ang tag buti na lang hindi mahirap na mula kay cdy173. gusto yatang makita ang aking sulat kamay at ang aking mga kinahuhumalingan sa mga panahon ngayon.

 1. blog - xempre pa ito ang una. pagdating ko pa lang sa opisina ito na ang pinagkakaabalahan ko magbasa ng blog ng may blog bago magtrabaho. kung di ba naman kaadikan ang pinaggagawa ko. maghapon nakatambay sa WP san ka pa diba? para tuloy akong binabayaran ng kompanya para mag-blog. ok lang yun wag lang makikita ng mga nakatataas. hahaha…. ultimate pasaway eh. nung una ko pa lang dito medyo nahihiya akong magsulat kasi naman po hindi naman talaga ako magaling sumulat ng kung ano-ano wala ngang latoy kung baga. pero xempre dinaaan sa kakapalan ng mukha ito at nakakapagsulat na ako ng kahit pano. kahit trying hard. hahaha. bakit ba kanya-kanya noh. at ito nga naging adik na dito pano na lang pag wala na nito san na ako dadalhin at pupulutin meron bang rehab para sa mga adik sa WP? asa ka pa.

2. badminton - aktwali bago ko  pa lang tong kinahuhumalingan sa kagustuhan kong mabawasan ang mga kolestirol ko eh bimili ako ng set nyan para makapaglaro lang at mapawisan. kahit mainit ang panahon at tanghaling tapat go pa din lagi ko kinakaladkad ang aming kasambahay para lang meron akong kalaro o kaya naman yaya sa kapitbahay. tuwing gabi pag maaga akong nakakauwi ng bahay laro pa din.

3. pocketbook - ito ang aking libangan lalo na pag ayaw kong lumabas ng bahay at bago matulog ugali ko na talagang magbasa. pinagkakagastusan ko yan tagalog man o inglis wala akong pakialam basta pocketbook sya. sabihin mang jologs care ko eh ano naman lahat naman tayo may tinatagong kachipan sa katawan. pagnasimulan kong basahin ang isang pocketbook kailangan kong tapusin mapuyat man ako at ngarag pagpasok kinabukasan. minsan nga may baon pa ako nyan at magbabasa habang nasa sasakyan papasok o pauwe man.

wala na akong itatag pa kasi naman lahat yata ng nabasa ko meron na nito at ako na lang yata ang wala. hehehe

my best friend, my boyfriend, my partner

eto na po ang tag saken ni jojie. alam kong mahihirapan ako pero sige try ko pa din. at makakaladkad pa yata ang lab lyp ko dito. hindi ko tuloy alam kung anong isusulat ko eto na naman po at parang sasakit uli ang ulo ko dito. hindi ko tuloy alam kung puro papuri lang ang ilalagay ko dito o hindi.

 

Instruction:A blog post about your significant other (boyfriend/girlfriend, husband/wife, fiance). Just include the following in your blog post:

1. First name: if he doesn’t like his name plastered all over the internet, a pet name will do.
2. How and where did you meet?
3. Characteristics
4. Your plans 20 to 30 years from now

 

 

1. honey ang una naming tawagan. noong mga panahong nagsisimula pa lang at masipag pa kaming bangitin ang buong word na yun. noong medyo tumagal na kami naging hon na lang siguro tamad na ding banggitin ang buong salitang honey. pero pag galit na ako pangalan na nya ang tawag ko sa kanya. at alam na nya ang ibig sabihin nun.

 

2. six years ago ng magkakilala kami ng hon ko. mga estudyante pa kami noon. medyo nakakahiya tuloy ikwento kasi ng dahil sa katangahan ko yun dahil ako ay isang geographical idiot noong mga pahanon na yun. papunta ako sa QC para umattend sa birthday ng pinsan ko. sumakay ako ng fx papunta dun. sinabi ko kung saan ako bababa sa driver dahil hindi ko alam at kabisado ang lugar. hindi ko alam na kaibigan pala nya ang katabi ko. nang pababa na sila saka nila sinabi sa akin na lumagpas na pala ako sa bababaan ko. xempre nataranta ang beauty ko hindi ko alam pabalik.sinabi ng driver saken na pupunta muna daw ng fairvier saka nya ako ihahatid xempre natakot naman ako sa hitsura pa lang para hindi na ako pakakawalan ng buhay. parang goons ang dating. mas natakot naman ako at tumayo lahat ng bahahibo ko sa takot dahil ako na lang ang matitirang pasahero pag nagkataon.  at bago sial  bumaba nakita ko na kinuha ng kaibigan nya ang backpack ko  sabay sabi sa driver na “kami na lang maghahatid sa kanya” akala ko nga ay itatakbo na nila ang bag ko. hinablot ko uli pero malakas ang pagkakahawak. inisip ko na lang na medyo lumayo sa kanila para kung sakali makakatakbo pa ako kahit sa kanila na ang bag ko puro panty, bra, blouse at pants lang naman ang nakalagay dun buti kung maisuot nila. ang panghihinayangan ko lang naman dun kung sakali ay ang bag ko. sumakay kami ng jeep pabalik. habang nasa jeep hiningi nila ang cp # ko xempre nahiya naman ako binigay ko. inisip ko na lang na # lang naman walang mawawala hindi naman na kami magkikita. hinatid nila ako sa tagpuan ko at ng aking pinsang mali-mali magbigay ng instruction. na kung hindi dahil sa kanya hindi ako maliligaw. pero malayo pa rin ako sa kanila at takot talaga ako kahit nasa loob na kami ng mall. (aba malay ko ba kung holdaper pala ang mga yun at nagpapanggap lang na isang pilantropo. o kaya masamang elemento sa langsangan na nagkatawang tao) hanggang sa dumating ang pinsan ko. at take note alam ko pa po ang date kung kelan nangyari yun aug 31, 2001, friday

 

3. isa syang mabuting tao. madaling hingan ng tulong  parang hindi marunong humindi. minsan nagtatalo kami pag ganun. hindi naman masama ang maging mabuti pero inilulugar naman dahil hindi lahat ng bagay ay may maidudulot na mabuti kahit kabutihan ang ginagawa mo. sa sobrang pareho yata kaming bunso ay maraming bagay kaming pinagtatalunan. marami kaming incompatibilities pero natuto syang mag-adjust sa ugali ko. lalo na noong magkaroon kami ng junakis na napakaganda. estudyante pa sya noong time na yun at tatlong taon pa lang kaming magjowa nun pero nagsumikap sya na makapag bigay kahit pano sa anak nya. responsable syang tatay sa anak nya kahit ano basta para sa anak nya hindi sya magdadalawang salita.  sobrang spoiled sa kanya lahat ng hinihingi binibigay kahit na bawal pa. minsan naman madaling magalit sobra minsan nagkakasalubong kami at talagang giyera talaga. pero sya din ang unang susuko. at pag kasalanan yan marunong pang manuhol. 

 

sabi ng marami pag ang lalaki daw umiiyak bakla. pero ang honey ko marami ko ng beses nakita na umiiyak. kaya hindi ako naniniwala na ang lalaking umiiyak ay bakla. noon nung muntik kaming maghiwalay dahil sa hindi talaga kami magkasundo sa lahat ng bagay nakita ko ng umiyak ang honey ko habang nakayakap sa likod ko at sinasabing “magsimula tayo uli”. hindi sya nahihiya na makita ko na umiiyak sya. naalala ko pa nga sa sobrang away namin noon nakita sya ng parents ko na umiiyak sya na may silong ng kasoy. at take note ako pa ang pinagalitan ng parent ko. sobrang mahal sya ng aking mga magulang. minsan nga gusto ko ng magselos na parang sya ang anak at hindi ako. pero natutuwa ako kasi noon siguro bata pa kami kaya ayaw ng parents ko noon sa kanya. eh wala nga yatang ginusto noon ang parents ko lahat palpak. hindi sya mahirap mahalin lahat ng kamag-anak ko mahal sya at close sa kanya.

 

 naalala ko na maglaba ako noon hindi pa ako nangangalahati sa ginagawa ko puro sugat na ang kamay ko as in parang longganisa na  sa maga. nakita nya na umiiyak ako sa harap ng labahan tinignan ang kamay ko sabay sabing “tayo ka na jan ako na magtatapos nyan.” kahit hindi sya matunong maglaba. how sweet diba? mula noon hindi na nya ako pinalaba sya na ang naglalaba noong mga panahon na wala kaming kasama sa bahay.

 

at kahit na noon palagi kaming nag-aaway meron pa ding time na pinatapatawa nya ako. misan nga imbes na magalit ako natatawa ako kasi sobrang makulet.  masayang kasama. minsan para lang kaming magboyfreind-girlfriend. sya din ang pinaka best friend ko. lahat ng problema nanjan lang sya at handang tumulong at sumuporta sa akin. basta responsible sya, my best friend, my partner. pareho kaming maraming natutunan sa buhay mula noong maging kami.

ngayong weekend nga bonding kaming dalawa naglaro kami ng badminton. at sya pa ang may sabi na tuwing uuwi sya sa bahay ay maglalaro kami para naman daw mabawasan ang excess baggage ko ang sama talaga. bihira kasi kaming magkasama. kaya pag nasa bahay sya hindi na kami nag-aaway siguro natuto na kaming mag-adjust sa isa’t-isa. ang ginagawa namin nanonood kami ng dvd o kaya maglalakad sabay pasyal sa aming little angel na nakasakay sa balikat nya. yun ang bonding namin ngayon.

 

4. siguro naman nung mga time na yun ay kasal na kami di ba?  hindi pa kasi kami kasal because of some reasons. at hopefully sa ibang bansa na kami nakatira nun. ang pangarap na lang namin eh lumaking mabuting bata ang anak namin at magkaroon ng magandang buhay at kinabukasan pagdating ng panahon. masyado kasing matayog ang pangarap ng honey ko katulad ng natapos nya na pag iisipin ko parang hindi ko kayang maaabot.  pero kahit na ganun nagsusumikap pa din kami na maging masaya at maging mas matibay ang relationship namin at ang aming binuong pamilya.   

 

xempre isa din akong tsismosa kaya tag ko si cdy173 at mhicar03. malaman naman ang lab story nyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

  

before and after

Eto na naman po ang bago kong assignment. Na-tag na naman po ang beauty ko. Sa totoo lang nung una akong na-tag ni kumareng jojie hirap talaga akong mag-isip. At mukhang mangyayari na naman po ito ngayon. Eto na to ang sagot ko sa before and after sa tag ng aking butihing frend sa si cdy173 mukhang gumanti sa akin… hehehe.

Before:

  1. dati nakatira kami sa bulubundukin ng montalban rizal. At talagang sobrang layo at take note palagi akong late pagdating sa opisina kahit na anong aga pa akong umalis sa bahay. Lab na lab ako ng traffic doon. Sa pag-uwi naman ay gabi na rin ako nakakarating ng bahay knock-down talaga ako pag-uwe dahil sa sobrang pagod.
  2. dati sa maliit na kwarto lang kami nangungupahan at isang ikot mo lang kuha mo na ang kailangan mo sa liit ng space. Maiinit parang bartolina. (pero hindi ko pa naranasan mabartolina) at eto ang matindi poso lang po tubig hindi nawasa o maynilad di ba sobrang parusa yun ha. At pag nagluto ka kailangan sa labas kundi mangangamoy lahat ng damit mo magiging amoy ulam.
  3. dati hindi ko kasama ang aking little angel na si sweet kasi po ayaw ipadala sa akin ng aking mga parents baka daw mapabayaan. Ganda sa reason diba. Eh ok nga lang sa kanila na hindi ako umuwi basta nasa kanila ang aking angel. Kahit nakaalis na sila noon punta sa US of A eh talagang hindi ipinadala sa akin. Ayaw pa kasi nilang aminin na bunso nila ang aking angel.
  4. dati friendster at YM lang ang meron ako. Lagi akong nakababad sa pag se-search ng friend sa friendster. At lagi akong may ka-chat sa YM. Palagi ko ginagawa yun lalo na pag inaantok ako sa ginagawa ko.
  5. dati MRT at cubao ang alam ko kasi yun lang nadadaanan ko sa katunayan hindi ako mawawala sa sobrang alam ko na ang lugar na yan. Dati diretso bahay ako agad at kailangan nakapag-out ako agad sa aming bundy pagpatak ng 4:45pm kasi mahirap makipagsiksikan at balyahan sa mrt sa dami ng tao at hindi po ako nahihiyang sabihin noon na wala po talaga akong alam sa makati. Ang alam ko lang ay ang opis namin. Sabihin nang tanga, bobo, o kung ano pa man eh alangan naman magmaganda ako at magmarunong noh di nawala pa ko.
  6. dati luma ang cp ko Motorola lang naman po. Yun lang kasi ang kaya ng budget ko. Purita po kasi ako. Hindi ko keri ang mga  series na yan. kasi po hindi din po ako mahilig sa kanilang tatak.

After:

  1. ngayon sa  banding south na po kami nakatira. Hindi na ako nale-late at sobra naman aga ako dumadating sa opis. at maaga na din akong nakakarating sa bahay nakakaponood pa akong ng mga teleserye na yan. at sobra nakakapahinga na talaga ako ngayon. Sarap talaga.
  2. sa paglipat namin sa south, sa apartment na po kami makatira ngayon (yabang eh napromote lang ng konti ang haybol) at after 6 months hopefully ay makalipat naman kami sa aming permanenteng tirahan  xempre sa south pa din po yun.
  3. pagdating ng aking mga magulang galing US of A eh naawa yata sa akin at biglang pinadala sa aking ang aking munting angel bago sila bumalik. At sila pa ang naghatid sa aking munting angel. Kaya ngayon marami na kaming time para magbonding. Di na ako namumulubi para sa pamasahe pauwe ng probinsya para lang makita ang aking junakis.
  4. dahil sa aking frend na mahilig pumunta sa iba’ibang website at eto nga at nakita nya ang WP at xempre nakisawsaw na naman ako di ba. Feeling writer kuno. Sa totoo lang hindi naman talaga ako marunong magsulat ng katulad nito, katulad ng nababasa ko dito sa WP. Pero eto at nawiwili talaga ako. Bago kong tambayan to. Medyo napapabayaan ko na nga yung YM at friendster ko.
  5. uy, I’m proud na sabihin na hindi na ako mawawala sa glorietta noh kasi noon halos ayaw kung pumasok dun kasi filing ko di na ako makakauwe kasi hindi na makakalabas. Ganun talaga pagkagaling sa bundok ng tralalala ignorante.hehehe…hindi lang talaga ako mahilig mag-malling  lalo na kung walang bibilhin.
  6. xempre pa medyo na upgrade ng konti ang aking CP. yun  lang naman ang aking dream noon pa gusto ko na kasing pagretirin ang CP ko noon at last yun napamana ko na po sya.

Salamat naman at sa wakas ay natapos ko na po ito. Now, I’m tagging jojie kaw na lang muna tag ko ha.