Imbak para sa Kategoriyang ‘personal’
ang layf ko ngayon…
sobrang busy ngayon kaya hindi ako gano makadalaw dito sa aking tambayan medyo napabayaan ko sya ng ilang araw. noong nakaraang linggo busy kami mag-ayos para sa x-mas party namin at talagang nakakatoxic sya samahan pa ng sang katutak na trabaho. sabay-sabay talaga. nakaraos ang x-mas party namin na kahit may palpak eh di naman halata. maganda pa din ang kinalabasan kahit pano. at ang premyo ng mga nag-organize eh kape sa starbucks treat ng country manager namin. para sa mga paghihirap namin kuno. kahapon binigay kasi walang time last wik. ok na kahit late ang kape.
ngayon eto pa din busy pa din sa trabaho. malapit na kasi ang sending namin kaya laging ot. gabing-gabi na ako nakakarating sa bahay hindi ko na din kayang mag-dinner pagdating. ang dinner ko isang basong tubig. maliligo, magbibihis saka matutulog. gising ng maaga para pumasok kinabukasan. hayyy kakapagod talaga. may choice ba ako? wala… kailangan eh. ganun parati ang gawain ko ngayon sa araw-araw. di gaano makapag-net kasi sobrang dapat trabaho muna. maraming dapat tapusin. masakit na din ang likod at mata ko sa kakatutok sa computer. pati mga kamay ko sumasakit na din para na akong maa-arthritis ang lamig pa naman. para akong maiistrok dapat kong gumalaw-galaw. pero ilang minuto lang dapat ang break. sarap mag-inat, sarap magkape dahil nakakaantok. kahit sabado ot pa din kami.
buti na lang nakadalaw ako ng medyo matagal ngayon dito sa tambayan ko. namimiss ko ng mag blog hopping kaya lang ilang blog lang ang nadadaan ko di pwede magtagal. sige sa susunod tayo uli magkita. aalis na muna ako dami pa gagawin.
sori po
gusto ko lang pong humingi ng paumanhin kay miss jovi kasi po sa tagged nya sa akin na christmas tree parade 2007. ang kaso po wala po kaming x-mas tree sa bahay namin sa hindi malamang kadahilanan.
baka ito po na dahilan…
1. walang pambili ng x-mas tree? ( pwede!)
2. tamad magkabit at magtanggal ng x-mas tree (panalo!!! totoo yan)
3. maliit po ang espasyo ng aming munting tahanan. (hindi ka pwedeng gumulong kasi tatama ka sa threadmill sa sobrang wala talagang space).
4. balak ko po next x-mas na lang kami magkakabit ng x-mas tree pag nasa sariling bahay na namin kami nakatira. (mahirap maging hampas-lupa)
pasensya na po talaga. at eto po at magpapaliwanag ako. simula po kasi ng umalis ang aking mahal na magulang at dalawa na lang kaming magkapatid ang naiwan eh hindi na po nauso ang x-mas tree sa aming magkapatid.
meron pong isang maliit na x-mas tree sa table ko sa opisina at x-mas light. yun lang po ang meron ako. hindi ko po na-kodakan kasi po la time di bale sa susunod na lang hindi naman kasi maipagmamalaki yung x-mas tree. mukhang losyang at ginahasa ng sampung kabayo.
pasensya na po talaga…
papansin, papampam, KSP
dito sa aming opisina araw-araw walang bago. nakasawa ang routine sa pang-araw-araw na gawain. minsan tahimik, minsan maingay, at minsan sobrang maingay na nakakabingi at nakakairita na parang palengke.
noong unang pasok ko at naging kapamilya/kapuso ako dito medyo mabait pa ako nun. wala pang tumutubong sungay sa akin, mala angel kung baga. parang hindi makabasag pinggan. ilang weeks pa lang ako dito noon na nagku-kwentuhan kami ng naging kaibigan ko sa may pwesto namin na pabulong ang usapan para di makaistorbo sa ibang tao sukat ba naman itong isang kaopisina namin eh biglang tumayo at sinabing ang ingay-ingay ko daw. mega tanong naman ako sa katabi namin kung maingay ba kami eh nagbubulungan lang kami. doon ko lang nalaman na maingay na pala ang bulungan. siguro di nya marinig kaya nag-react sya o kaya feeling nya sya ang pinag-uusapan namin. hindi ako kumibo noon. kinausap ako ng bisor ko na hayaan ko na lang. dahil talagang ganun ang ugali nya. nagpapakilala sa mga bago. ok fine hayaan! masunurin akong bata kaya hinayaan ko. paglipat namin ng opisina x-mas party namin noon at xempre kailangan ng mga costume ek-ek na yan. eh wala akong costume aktwali di lang naman ako marami kami. may pinagawa sa aking ang isang ka departamento namin di ko na maalala kong ano yun basta yun na yun. busy ako noon magsulat ng pinagagawa nya ng bigla nyang tinanong kung may extra costume pa daw yung bruha kasi wala akong costume ang sagot ba naman eh “hindi ko pahihiramin yan eh ang taray nyan” hello… hindi po ako nagtaray sa kanya. sya nga yung nagtaray sa akin noon eh pero di ko pinatulan. nagalit talaga ako pero pigil pa din kasi hindi pa ako regular noon. nagbait-baitan pa din ako. ilang buwan ang lumipas bigla akong pinansin. xempre nagulat ako. ok mabait naman ako di nakikipag-usap na ako kinalimutan ko yung mga pinag-gagawa nya noon sa akin.
noon may elektrikpan dito sa silong ng lamesa ko at palaging nakabukas yun regular na ako dito nun. at medyo may tumutubong sungay at kumukulot na nga. at marunong na akong mangatwiran at mambara lalo na at alam kong tama ako. nataon naman na nakabukas ang elektrikpan ko eh may sakit daw sya. sinabi nya sa katabi nya na sabihin sa akin. kasi nilalamig daw sya. sabi ko sa nagsabi sa akin sa akin nya sabihin. di sinabi nya na nilalamig daw sya ang kaso mo yung elektrikpan di naman nakatapat sa kanya dahil sa frend ko nakatapat yun. oo nasa likod ko sya pero yung ulo ng pan eh naka slant at walang nag ba-bounce ni katiting na hangin sa kanya. ang sabi ko ate hindi naman po nakatapat sa inyo yung pan. di wala syang kibo na badtrip siguro. nilagyan nya ng sang katerbang kahon sa likod ko. so!!! deadma akech nun kasi totoo naman eh. tanong ko sa opismeyt ko panong di sya lalamigin eh centralized kaya ang aircon. at nakatapat sa kanya yung labasan ng lamig. mula noon at magpahanggang ngayon di pa din kami in-good-terms.
aktwati, di ko talaga sya feel kasi masyadong maingay at pag dating ng opis eh buhay na nya ang ibinibida nya. ayaw ko sa ugali nya pag meron ka ok ka pero pag wala ka tae ka. magaling pag may kailangan. at kung pamilyar ka sa ugaling sobrang kulang sa pansin eh ganun na ganun sya. gusto palaging bida.
naipost ko tuloy to sa sobrang pag nakikita ko sya eh naaasar ako. yung feeling mabigat, kumukulo ang dugo ko. naiirita ako sa boses nya. ewan kung maaari ayaw ko syang tignan at ayaw makita. di ako masamang tao. sa katunayan mabait naman ako hindi ako mahirap pakisamahan close ko lahat ang tao dito maliban sa kanya. oo taklesa ako pero totoo ang sinasabi ko di ba nga turo sa atin ng matatanda masama magsinungaling at isa pa inilulugar ko ang pagsasalita ko. nagpapakatotoo lang ako. oo may pagkabruha din ako kaya nga yun ang inilagay kong pangalan ko dito eh pero inilulugar ko naman po.
ang swerte ng bruha nasama sya sa post ko. mabigat kasi sa pakiramdam kaya isinulat ko…
paulit-ulit na lang
sobrang ayaw ko ng nararamdaman ko ngayon pangalawang beses ko na to naramdaman ang una nung august lang. nung isinugod namin ang aking junakis sa hospital. akala ko noon simpleng lagnat lang at hika. dumaan sa nga lab test at lumabas na meron syang pneumonia… kaya pala ubo ng ubo at nilalagnat. sobra nung kinabitan na sya ng swero gusto kong tadyakan yung nurse na naglalagay kasi nasasaktan na ang aking mahal pero wala akong choice kundi pigilin ang sarili ko. sa sobrang awa ng naramdaman ko para sa aking baby eh napaiyak talaga ako. perst time nya lang maospital nun. ang hirap ayoko ng pakiramdam. ang daming naglalaro sa isipan ko.
at naulit na naman ang pangyayaring to kagabi lang. itinakbo ko ang baby ko sa ospital kasi sobra ang ubo nahihirapan na sya sa kakaubo na kulang na lang eh lumabas ang baga nya. naaawa akong tignan. kinabahan akong bigla parang hindi mapakali na ewan hindi ko maipaliwanag. pagdala namin sa ospital eto na naman ang mga lab exam. kala ko makakauwe kami at hindi mako-konpayn ang baby ko pero hindi, mali pala. eto at nakacheck-in na naman kami sa ospital dahil may pneumonia na naman daw sya. whhaaaattt???? ganun ule??? ano ba lahat na lang ng pag-iingat para sa bata ginagawa na at lagi kong ibinibilin sa nag-aalaga sa kanya. kompleto sa vitamins pero sakitin talaga. konting palit ng klima magkakasakit, hihikain. ano ba ang dapat kong gawin para hindi na sya magkasakit? eto nga at sobra ang ngarag ko ngayon bente-kwatrong oras akong gising wala pa akong tulog na matino. konti na lang gusto ng pumikit ng mga mata ko. at eto report muna sa opisina bago balik ule ng ospital may aayusin akong requirements na kailangan nila. nakakapagod pala talaga. sana ako na lang nagkasakit. dapat sa akin na lang binigay ni papa jesus ang sakit di sa baby ko. ayaw ko ng ganitong pakiramdam. ayaw ko ang mga naglalaro sa isip ko.
maagang pamasko
medyo natuwa naman ako ngayong araw na ito aktwali di lang medyo talagang natuwa talaga ako. maaga kasi akong nakatanggap ng regalo mula sa aking honey ngayon lang mga oras na ito. nagulat nga ako. kasi nag-text sya sa akin na dadaan daw sya dito sa opis at magkita kami sa baba kasi may kukunin sya sa akin. at baba naman ako. pagkabigay ko ng bag nya may bigla syang iniabot sa akin na plastic. tinignan ko naman xempre curious ako nakita ko may isang malaking balot ng chicharon. wow, sarap nun at parang madadagdagan na naman ang cholesterol ko sa katawan. hindi kaya gusto na akong ma-stroke ng honey ko kaya ako binigyan ng chicharon at para naman makarami pa sya? lol…
at bukod dun meron pang isang box na nakaplastic pa. uy perfume and watch. gulat naman ako may maaga akong pamasko. hindi man kamahalan pero appreciate ko yun noh galing kaya yun sa honey ko at isa pa hindi naman ako materyosang tao. maliit na bagay lang kahit kendi ok na sa akin. mababaw lang naman ako. inisip ko tuloy ako wala pang regalo sa kanya. hmmm ano kaya ang pwede kong ibigay? mag-iisip pa tuloy ako.
my best friend, my boyfriend, my partner
eto na po ang tag saken ni jojie. alam kong mahihirapan ako pero sige try ko pa din. at makakaladkad pa yata ang lab lyp ko dito. hindi ko tuloy alam kung anong isusulat ko eto na naman po at parang sasakit uli ang ulo ko dito. hindi ko tuloy alam kung puro papuri lang ang ilalagay ko dito o hindi.
Instruction:A blog post about your significant other (boyfriend/girlfriend, husband/wife, fiance). Just include the following in your blog post:
1. First name: if he doesn’t like his name plastered all over the internet, a pet name will do.
2. How and where did you meet?
3. Characteristics
4. Your plans 20 to 30 years from now
1. honey ang una naming tawagan. noong mga panahong nagsisimula pa lang at masipag pa kaming bangitin ang buong word na yun. noong medyo tumagal na kami naging hon na lang siguro tamad na ding banggitin ang buong salitang honey. pero pag galit na ako pangalan na nya ang tawag ko sa kanya. at alam na nya ang ibig sabihin nun.
2. six years ago ng magkakilala kami ng hon ko. mga estudyante pa kami noon. medyo nakakahiya tuloy ikwento kasi ng dahil sa katangahan ko yun dahil ako ay isang geographical idiot noong mga pahanon na yun. papunta ako sa QC para umattend sa birthday ng pinsan ko. sumakay ako ng fx papunta dun. sinabi ko kung saan ako bababa sa driver dahil hindi ko alam at kabisado ang lugar. hindi ko alam na kaibigan pala nya ang katabi ko. nang pababa na sila saka nila sinabi sa akin na lumagpas na pala ako sa bababaan ko. xempre nataranta ang beauty ko hindi ko alam pabalik.sinabi ng driver saken na pupunta muna daw ng fairvier saka nya ako ihahatid xempre natakot naman ako sa hitsura pa lang para hindi na ako pakakawalan ng buhay. parang goons ang dating. mas natakot naman ako at tumayo lahat ng bahahibo ko sa takot dahil ako na lang ang matitirang pasahero pag nagkataon. at bago sial bumaba nakita ko na kinuha ng kaibigan nya ang backpack ko sabay sabi sa driver na “kami na lang maghahatid sa kanya” akala ko nga ay itatakbo na nila ang bag ko. hinablot ko uli pero malakas ang pagkakahawak. inisip ko na lang na medyo lumayo sa kanila para kung sakali makakatakbo pa ako kahit sa kanila na ang bag ko puro panty, bra, blouse at pants lang naman ang nakalagay dun buti kung maisuot nila. ang panghihinayangan ko lang naman dun kung sakali ay ang bag ko. sumakay kami ng jeep pabalik. habang nasa jeep hiningi nila ang cp # ko xempre nahiya naman ako binigay ko. inisip ko na lang na # lang naman walang mawawala hindi naman na kami magkikita. hinatid nila ako sa tagpuan ko at ng aking pinsang mali-mali magbigay ng instruction. na kung hindi dahil sa kanya hindi ako maliligaw. pero malayo pa rin ako sa kanila at takot talaga ako kahit nasa loob na kami ng mall. (aba malay ko ba kung holdaper pala ang mga yun at nagpapanggap lang na isang pilantropo. o kaya masamang elemento sa langsangan na nagkatawang tao) hanggang sa dumating ang pinsan ko. at take note alam ko pa po ang date kung kelan nangyari yun aug 31, 2001, friday
3. isa syang mabuting tao. madaling hingan ng tulong parang hindi marunong humindi. minsan nagtatalo kami pag ganun. hindi naman masama ang maging mabuti pero inilulugar naman dahil hindi lahat ng bagay ay may maidudulot na mabuti kahit kabutihan ang ginagawa mo. sa sobrang pareho yata kaming bunso ay maraming bagay kaming pinagtatalunan. marami kaming incompatibilities pero natuto syang mag-adjust sa ugali ko. lalo na noong magkaroon kami ng junakis na napakaganda. estudyante pa sya noong time na yun at tatlong taon pa lang kaming magjowa nun pero nagsumikap sya na makapag bigay kahit pano sa anak nya. responsable syang tatay sa anak nya kahit ano basta para sa anak nya hindi sya magdadalawang salita. sobrang spoiled sa kanya lahat ng hinihingi binibigay kahit na bawal pa. minsan naman madaling magalit sobra minsan nagkakasalubong kami at talagang giyera talaga. pero sya din ang unang susuko. at pag kasalanan yan marunong pang manuhol.
sabi ng marami pag ang lalaki daw umiiyak bakla. pero ang honey ko marami ko ng beses nakita na umiiyak. kaya hindi ako naniniwala na ang lalaking umiiyak ay bakla. noon nung muntik kaming maghiwalay dahil sa hindi talaga kami magkasundo sa lahat ng bagay nakita ko ng umiyak ang honey ko habang nakayakap sa likod ko at sinasabing “magsimula tayo uli”. hindi sya nahihiya na makita ko na umiiyak sya. naalala ko pa nga sa sobrang away namin noon nakita sya ng parents ko na umiiyak sya na may silong ng kasoy. at take note ako pa ang pinagalitan ng parent ko. sobrang mahal sya ng aking mga magulang. minsan nga gusto ko ng magselos na parang sya ang anak at hindi ako. pero natutuwa ako kasi noon siguro bata pa kami kaya ayaw ng parents ko noon sa kanya. eh wala nga yatang ginusto noon ang parents ko lahat palpak. hindi sya mahirap mahalin lahat ng kamag-anak ko mahal sya at close sa kanya.
naalala ko na maglaba ako noon hindi pa ako nangangalahati sa ginagawa ko puro sugat na ang kamay ko as in parang longganisa na sa maga. nakita nya na umiiyak ako sa harap ng labahan tinignan ang kamay ko sabay sabing “tayo ka na jan ako na magtatapos nyan.” kahit hindi sya matunong maglaba. how sweet diba? mula noon hindi na nya ako pinalaba sya na ang naglalaba noong mga panahon na wala kaming kasama sa bahay.
at kahit na noon palagi kaming nag-aaway meron pa ding time na pinatapatawa nya ako. misan nga imbes na magalit ako natatawa ako kasi sobrang makulet. masayang kasama. minsan para lang kaming magboyfreind-girlfriend. sya din ang pinaka best friend ko. lahat ng problema nanjan lang sya at handang tumulong at sumuporta sa akin. basta responsible sya, my best friend, my partner. pareho kaming maraming natutunan sa buhay mula noong maging kami.
ngayong weekend nga bonding kaming dalawa naglaro kami ng badminton. at sya pa ang may sabi na tuwing uuwi sya sa bahay ay maglalaro kami para naman daw mabawasan ang excess baggage ko ang sama talaga. bihira kasi kaming magkasama. kaya pag nasa bahay sya hindi na kami nag-aaway siguro natuto na kaming mag-adjust sa isa’t-isa. ang ginagawa namin nanonood kami ng dvd o kaya maglalakad sabay pasyal sa aming little angel na nakasakay sa balikat nya. yun ang bonding namin ngayon.
4. siguro naman nung mga time na yun ay kasal na kami di ba? hindi pa kasi kami kasal because of some reasons. at hopefully sa ibang bansa na kami nakatira nun. ang pangarap na lang namin eh lumaking mabuting bata ang anak namin at magkaroon ng magandang buhay at kinabukasan pagdating ng panahon. masyado kasing matayog ang pangarap ng honey ko katulad ng natapos nya na pag iisipin ko parang hindi ko kayang maaabot. pero kahit na ganun nagsusumikap pa din kami na maging masaya at maging mas matibay ang relationship namin at ang aming binuong pamilya.
xempre isa din akong tsismosa kaya tag ko si cdy173 at mhicar03. malaman naman ang lab story nyo.
bloopers at the elevator
marami na sa ating may bad experience sa elevator. may natatrap, may nahulog (malamang tsugi yun pag nagkataon) may namatayan ng ilaw at kung ano-ano pa. ako nasubukan ko ng matrap sa elevator pero sandali lang nga 1 min lang naman at marami kami sa loob nun. pero iba pala talaga ang pakiramdam hindi ko malaman kung sisigaw o iiyak ako isipin mo nga naman naka-hang ka sa ere na nakakulong. at wala kang ibang pwedeng gawin kundi tawagin ang lahat ng santo na kakilala mo na iligtas ka sa anupamang kapahamakan na aabutin mo. ako noon umupo ako sa gilid na nakahawak sa kamay ng kaibigan ko at naiiyak na. para pag bumaksak eh nakaupo na akong dati at di na ako maa-out balance. xempre pa perst tym lang po nangyari sa akin yun noh. inisip ko marami pa akong pangarap na gustong matupad. at maliit pa ang aking junukis aba gusto ko naman sya makita paglaki nya.
at eto ngang araw na to hindi naman kami na trap at napatayan ng ilaw napahiya lang naman po kami. pagkatapos mananghalian. pababa kami ng kaibigan ko sa 5th floor nitong building para mag yosi. ang tagal dumating ng elevator ako sobrang busy magtext at ang kaibigan ko naman po ay sobrang kwento kinikilig sa sobrang pinansin daw sya ng crush nya nung bumaba sya para bumili ng pagkain. at mega kwento pa na parang bulateng inasinan sa sobrang kilig. usap-usap… eto na may tumunog. ting…bumukas ang pinto ng elevator pumasok ang kaibigan ko sunod naman akong nakatingin pa din sa celfon ko. nakipagsiksikan kami sa loob ng elevator… tesx pa din ako habang nakikinig sa kwento ng kaibigan ko. umayos kami paharap sa pinto. pasara na ang pinto ng may biglang nagsabing UP?
bruhilda: ha ano ba to UP?
eric: ay oo nga. wait.
pinagpipintdot ng kaibigan ko ang open botton hanggang sa bumukas. dedma kami sa paglabas ng pinto. pagsara ng pinto.
bruhilda: ano ba bat di mo tinignan up pala yun nakakahiya nakilala nila tayo.
eric: sorry ha busy akong magkwento. aba malay ko ba na up pala yun.
bruhilda: sana tiningnan di ba bago pumasok.
eric: eh bat sumunod ka?
bruhilda: xempre busy akong magtext malay ko ba na di mo din pala tinignan yung sign.
ang katangahan nga naman talaga mapapahamak ka kung minsan. sa sobrang hiya namin sa kabilang side kami nag-antay. at ang parusa ay lahat ng floor na nadadaanan ay hihintuhan. at bago pa kami makarating sa aming pupuntahan ay hilo na kami. sana lang ay hindi kami nakilala ng mga yun. (asa ka pa sila nga pamilyar ang mukha sayo eh kaw pa) iisipin ko na lang na hindi ako yung nakita nila na nagkakamali sila at nililinlang sila ng kanilang paningin. lol…
princess sarah noon…princess sarah ngayon…
kagabi pagdating ko sa bahay medyo ok na pakiramdam ko. kasi nakita ko na ang aking junakis tanggal agad ang pagod ko. pagkakita nya sa aking pagdating salubong to da max talaga sya sa akin kahit nakahubad pa. xempre pa kiss agad sabay tanong “mami salubong ko?” ha? yun ang masama dahil nakalimutan ko. kung ano-ano kasi ang pinag-kakaabalahan kong isipin. kung bakit naman kasi hindi ako nakakuha sa pantry namin para ilista na lang in short utang yun at tuwing sweldo ang bayad kasi tuwing sweldo lang naman talaga ang singilan.
eto na nga at inabangan ko din ang princess sarah. medyo excited akong panoorin matagal na din kasi. habang nanonood kami para sa aming bonding siyesta naalala ko noon nag-oober da bakod kami ng mga kaklase ko para pumunta sa bahay ng isa kong kaibigan para manood ng princess sarah. babalik na lang kami ng skul pagkatapos. para magdilig ng halaman at linisin ang classroom. isang dekada na din mahigit ang lumipas noong huli kong mapanood ang princess sarah. xempre pa cartoons yun medyo naloloko talaga ako sa cartoons noon actually hanggang ngayon nanood pa din ako ng mga ganung palabas. naalala ko lang, ang alam ko sa minahan namatay ang tatay ni sarah hindi sa dagat. ahhh malamang iniba na ang story kasi pilipino version na… slow naman pala ako at di ko nakuha agad. pero ang mga damit nila parang ganun pa din. noon nga nung gawing pelikula ang princess sarah pinanood ko pa din na pinagbidahan ni camille pratts. at pareho ang istorya ngayon lang ang naiba. ang tanong ko nga ano pa kaya ang mga pagkakaiba ng princess sarah ngayon sa princess sarah noon. malamang marami pa at yun pa ang aabangan ko at ng aking junakis.
wwhhhhaaaaaaa…..
medyo hindi maganda ang araw ko ngayon at gusto kong sumigaw ng ganito…wwhhhaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa… hindi pa rin maganda ang pikiramdam ko ewam ko kung bakit. haaaayyyyyy…. gusto ko ng tahimik kaya lang napakalabong mangyari lalo na dito sa opisina. eto nga at nagpapakasenti ako ngayon sa pakikinig ng songs ni jed madela dito sa pc ko. nagkakandapaos na nga yata sya sa paulit-ulit na ginawa ko. ewan ko kung mababawasan ang ganitong nararamdaman ko o baka lalo pang lumala. pag ganitong nananahimik ako ang daming pumapasok sa isip ko ang dami kong tanong na hindi ko rin masagot. ewan ko ba. oo para akong sira dito ngayon. eh ano naman. lahat naman ng tao dumarating sa pagsesenti di ba? kaya eto ang ginagawa ko ngayon malakas ang volume ng sounds ko habang nagsusulat ng hindi ko alam kung ano dapat ang isulat sa blog ko.
palagi kong naiisip na marami pa akong gustong mangyari sa buhay ko. parang may kulang palagi. parang may hinahanap ako na hindi ko alam. ano kaya yun?(hinahanap eh di pag alam ko na di ko na hahanapin.) tignan mo na nga ang kapraningan na pumapasok ngayon sa utak ko. kahit ako naguguluhan isa lang yan sa mga tanong ko. kung bakit pa ako nagtityaga na pwede naman hindi? na napapagod na ako pero ano eto pa din? na gusto kong magalit pero anong pumipigil sa akin? ahhhhhh ewan di ko talaga masagot nahihirapan ako. o nag-iinarte lang ako? sus sobra ha kung mag-iinarte ako hindi ganito at may pa sulat-sulat effect pa. walk out ang beauty pag nag-inarte. sana lang pagkatapos ng araw na to maging ok na. wala na ang senti mood ko.
parinig ako
hindi maganda ang umaga ko ngayon. masakit ang ulo ko at nangangalumata ako sa kadahilanang 3 oras lang ang tulog ko. kasi po sinundio ako ng pinsan ko dito sa ofis kahapon kasi wala syang tutuluyan so in short nakituloy muna sa aming munting bahay. anong oras na kami natulog mga 1 am na po. sobrang kwentuhan super duper mega late na at madaling araw na. kasalanan ko din naman kasi alam kong may pasok ako kinabukasan pero nagpuyat pa rin ako. may reason naman ako kasi po matagal na kaming di nagkikita at nagkakausap. masisisi mo ba ako? xempre hindi choice ko yun eh.
ngayon ko nararamdaman ang antok ko tapos eto pang ginagawa ko ay hindi ko maintindihan. hindi gumagana ang aking imagination sa mga sulat na nababasa ko sa pad kung bakit naman kasi panget ang sulat nito ewan ko ba mas masahol pa sa kinahig ng manok. gusto ko na tong punitin na lang at itapon pero xempre di pwede kasi masisisante ako pagnagkataon. apat na nga na mata ang gamit ko pero nahihirapan pa rin ako. isa din yata ito sa nagpapasakit ng ulo ko. hay buhay…. eto pa la pa ako makausap kasi absent ang katabi ko na frend ko. haaaayyyyy talaga. at ot pa pala ako ngayon kaya gudlak talaga saken.
hanggang sa makatikatihan kong magbasa ng blog ng may blog. lagi naman ganun ang routine ko mula ng matutunan ko tong blog. at sa pagbabasa ko nakita ko yung isang entry na may backtrack mp3. xempre download naman ako. at eto nga pinakikinggan ko ngayon. natutuwa naman ako kasi napapaindak ako dito sa upuan ko feeling ko nasa disco haus ako kakamiss tuloy. at sinasarili ko lang ang pakikinig dahil naka headphone pa talaga ko. at eto nga nag-eenjoy akong pakinggangan. nawawala ang antok ko. sa katunaya perst tym ko pa lang napakinggan gawa nya at ok talaga. salamat naman sa kanya kasi di sya madamot i-share ang kanyang mga gawa. hindi ko na mention name nya kilala naman siguro nya kung sino sya. salamat po naki-download na ako ha. music lover din kasi ako. hindi ako mabubuhay pag walang music lalo na dito sa ofis.
Mga Puna (5)
Mga Puna (6)
Mga Puna (3)
