Imbak para sa Kategoriyang ‘pamilya’
paulit-ulit na lang
sobrang ayaw ko ng nararamdaman ko ngayon pangalawang beses ko na to naramdaman ang una nung august lang. nung isinugod namin ang aking junakis sa hospital. akala ko noon simpleng lagnat lang at hika. dumaan sa nga lab test at lumabas na meron syang pneumonia… kaya pala ubo ng ubo at nilalagnat. sobra nung kinabitan na sya ng swero gusto kong tadyakan yung nurse na naglalagay kasi nasasaktan na ang aking mahal pero wala akong choice kundi pigilin ang sarili ko. sa sobrang awa ng naramdaman ko para sa aking baby eh napaiyak talaga ako. perst time nya lang maospital nun. ang hirap ayoko ng pakiramdam. ang daming naglalaro sa isipan ko.
at naulit na naman ang pangyayaring to kagabi lang. itinakbo ko ang baby ko sa ospital kasi sobra ang ubo nahihirapan na sya sa kakaubo na kulang na lang eh lumabas ang baga nya. naaawa akong tignan. kinabahan akong bigla parang hindi mapakali na ewan hindi ko maipaliwanag. pagdala namin sa ospital eto na naman ang mga lab exam. kala ko makakauwe kami at hindi mako-konpayn ang baby ko pero hindi, mali pala. eto at nakacheck-in na naman kami sa ospital dahil may pneumonia na naman daw sya. whhaaaattt???? ganun ule??? ano ba lahat na lang ng pag-iingat para sa bata ginagawa na at lagi kong ibinibilin sa nag-aalaga sa kanya. kompleto sa vitamins pero sakitin talaga. konting palit ng klima magkakasakit, hihikain. ano ba ang dapat kong gawin para hindi na sya magkasakit? eto nga at sobra ang ngarag ko ngayon bente-kwatrong oras akong gising wala pa akong tulog na matino. konti na lang gusto ng pumikit ng mga mata ko. at eto report muna sa opisina bago balik ule ng ospital may aayusin akong requirements na kailangan nila. nakakapagod pala talaga. sana ako na lang nagkasakit. dapat sa akin na lang binigay ni papa jesus ang sakit di sa baby ko. ayaw ko ng ganitong pakiramdam. ayaw ko ang mga naglalaro sa isip ko.
maagang pamasko
medyo natuwa naman ako ngayong araw na ito aktwali di lang medyo talagang natuwa talaga ako. maaga kasi akong nakatanggap ng regalo mula sa aking honey ngayon lang mga oras na ito. nagulat nga ako. kasi nag-text sya sa akin na dadaan daw sya dito sa opis at magkita kami sa baba kasi may kukunin sya sa akin. at baba naman ako. pagkabigay ko ng bag nya may bigla syang iniabot sa akin na plastic. tinignan ko naman xempre curious ako nakita ko may isang malaking balot ng chicharon. wow, sarap nun at parang madadagdagan na naman ang cholesterol ko sa katawan. hindi kaya gusto na akong ma-stroke ng honey ko kaya ako binigyan ng chicharon at para naman makarami pa sya? lol…
at bukod dun meron pang isang box na nakaplastic pa. uy perfume and watch. gulat naman ako may maaga akong pamasko. hindi man kamahalan pero appreciate ko yun noh galing kaya yun sa honey ko at isa pa hindi naman ako materyosang tao. maliit na bagay lang kahit kendi ok na sa akin. mababaw lang naman ako. inisip ko tuloy ako wala pang regalo sa kanya. hmmm ano kaya ang pwede kong ibigay? mag-iisip pa tuloy ako.
princess sarah noon…princess sarah ngayon…
kagabi pagdating ko sa bahay medyo ok na pakiramdam ko. kasi nakita ko na ang aking junakis tanggal agad ang pagod ko. pagkakita nya sa aking pagdating salubong to da max talaga sya sa akin kahit nakahubad pa. xempre pa kiss agad sabay tanong “mami salubong ko?” ha? yun ang masama dahil nakalimutan ko. kung ano-ano kasi ang pinag-kakaabalahan kong isipin. kung bakit naman kasi hindi ako nakakuha sa pantry namin para ilista na lang in short utang yun at tuwing sweldo ang bayad kasi tuwing sweldo lang naman talaga ang singilan.
eto na nga at inabangan ko din ang princess sarah. medyo excited akong panoorin matagal na din kasi. habang nanonood kami para sa aming bonding siyesta naalala ko noon nag-oober da bakod kami ng mga kaklase ko para pumunta sa bahay ng isa kong kaibigan para manood ng princess sarah. babalik na lang kami ng skul pagkatapos. para magdilig ng halaman at linisin ang classroom. isang dekada na din mahigit ang lumipas noong huli kong mapanood ang princess sarah. xempre pa cartoons yun medyo naloloko talaga ako sa cartoons noon actually hanggang ngayon nanood pa din ako ng mga ganung palabas. naalala ko lang, ang alam ko sa minahan namatay ang tatay ni sarah hindi sa dagat. ahhh malamang iniba na ang story kasi pilipino version na… slow naman pala ako at di ko nakuha agad. pero ang mga damit nila parang ganun pa din. noon nga nung gawing pelikula ang princess sarah pinanood ko pa din na pinagbidahan ni camille pratts. at pareho ang istorya ngayon lang ang naiba. ang tanong ko nga ano pa kaya ang mga pagkakaiba ng princess sarah ngayon sa princess sarah noon. malamang marami pa at yun pa ang aabangan ko at ng aking junakis.
my little angel…
noong nakaraang linggo bago mag long wikend inisip ko talaga kung anong gagawin ko sa bahay sa haba ng araw na walang pasok. ang problema hindi talaga ako pala labas para magliwaliw home buddy kasi ako. at talagang kadalasan nagkukulong lang ako sa bahay pag walang pasok nagbabasa ng kung ano-ano. at bago dumating ang araw ng huwebes nanghiram ako ng sangkatutak na dvd tapes sa opismeyt ko para may paglibangan lang. ang hirap pala pag walang ginagawa. akala ko maiinip ako sa bahay pero nagkamali ako. etong aking munting angel ang aking kasama palagi at walang oras na hindi kami magkasama sa haba ng bakasyon. sa panonood ng mga tapes na hiniram ko at sa dami nun isa lang ang gustong panoorin at harry potter lang. para tuloy gusto kong magreklamo sa paulit-ulit at muntik ko ng masaulo. fan yata eto ni harry potter eh. as if naman naiintindihan na nya ang mga pinagsasabi nung mga character dun. sa gabi naman kami ay lumalabas ng bahay xempre hanggang gate lang at kami ay nagtataguan na dalawa. masaya talaga. sobra nakakatuwa yung hahanapin ka tapos sasabihin nya na “mommy di kita makita daya-daya mo eh”. sa totoo lang ngayon lang ako nakipaglaro ng ganun sa kanya. iba pala ang feeling nakakatuwa. para akong bumalik sa saking pagkabata.
eto ang aking munting angel sya ay si sybielle selynn “sweet”. sya ang aking lab of my lyf… eto ang pinakamagandang regalo na natanggap ko. at least napatunayan ko na successful pala ang aking transplant. hahaha…
naalala ko nun bago magpasukan, araw-araw pagkagising para sa paghatid nya sa akin sa sakayan para pumasok palagi nyang sinasabi na “mommy aral na ako” ako naman at masunuring ina abay ininroll sya. at isang araw lang eh ayaw nang pumasok. gusto kong magalit pero natawa talaga ako. hay bata talaga. mamimis ko na nga agad ang aking baby may hang-over pa ako ng pagba-bonding sa kanya. sobrang kulit, sobrang daldal at higit sa lahat sobrang lambing. sarap ng feeling parang nasa heaven…
Mga Puna (4)
Mga Puna (8)
Mga Puna (2)
