Imbak para sa Kategoriyang ‘opisina’

ang layf ko ngayon…

sobrang busy ngayon kaya hindi ako gano makadalaw dito sa aking tambayan medyo napabayaan ko sya ng ilang araw. noong nakaraang linggo busy kami mag-ayos para sa x-mas party namin  at talagang nakakatoxic sya samahan pa ng sang katutak na trabaho. sabay-sabay talaga. nakaraos ang x-mas party namin na kahit may palpak eh di naman halata. maganda pa din ang kinalabasan kahit pano. at ang premyo ng mga nag-organize eh kape sa starbucks treat ng country manager namin. para sa mga paghihirap namin kuno. kahapon binigay kasi walang time last wik. ok na kahit late ang kape.

ngayon eto pa din  busy pa din sa trabaho. malapit na kasi ang sending namin kaya laging ot. gabing-gabi na ako nakakarating sa bahay hindi ko na din kayang mag-dinner pagdating. ang dinner ko isang basong tubig. maliligo, magbibihis saka matutulog. gising ng maaga para pumasok kinabukasan. hayyy kakapagod talaga. may choice ba ako? wala… kailangan eh. ganun parati ang gawain ko ngayon sa araw-araw. di gaano makapag-net kasi sobrang dapat trabaho muna. maraming dapat tapusin. masakit na din ang likod at mata ko sa kakatutok sa computer. pati mga kamay ko sumasakit na din para na akong maa-arthritis ang lamig pa naman.  para akong maiistrok dapat kong gumalaw-galaw. pero ilang minuto lang dapat ang break. sarap mag-inat, sarap magkape dahil nakakaantok. kahit sabado ot pa din kami.

buti na lang nakadalaw ako ng medyo matagal ngayon dito sa tambayan ko.  namimiss ko ng mag blog hopping kaya lang ilang blog lang ang nadadaan ko di pwede magtagal. sige sa susunod tayo uli magkita. aalis na muna ako dami pa gagawin.

ngarag ako ngayon

wala lang gusto ko lang mag-blog. sa katunayan wala naman talaga akong sasabihin kasi nangagarag ang beauty ko ngayon. isa kasi ako sa komite dito sa aming opisina. at lahat kami ay nangangarap para sa nalalapit naming x-mas party kasi naman po sa thursday na yun at bukod pa dun dami preparasyon na dapat ngawin sakto sa peak namin sa aming department. di ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko.

at eto pa ang nakakatawa meron kaming carolling naglilikom kaming mga komite ng pera para sa mga mentally retarded na bata para sa darating na pasko. magkakaroon kami ng outrich program para sa kanila. hirap talaga kumita ng pera. dito lang naman kami sa opisina nagka-carolling bawat department pinupuntahan namin at kinakantahan ng mga wait pamasko. isang kanta isang department pagtapos ng isang kanta lalabas ng opis para magpraktis ng isa uli saka papasok na naman. kahit kami natatawa sa pinaggagawa namin.  nakatapos kami ng tatlong department ngayong araw. buti naman noh. magkano? yun ang hindi ko alam…

hirap talagang maging ngarag lalo na sa mga susunod na araw malamang baka di ko mabisita ang aking munting tambayan. hirap magpakadakila. dami gagawin iniisip ko pa lang parang ayaw ko na tinatamad na ako. bukas maaga akong aalis para bumile ng wine para sa kapartihan na yan. hay naku ewan ko ba. tapos carolling uli sa hapon at para sa groceries dito para sa empleyado. gudlak sa kabisihan,

papansin, papampam, KSP

dito sa aming opisina araw-araw walang bago. nakasawa ang routine sa pang-araw-araw na gawain. minsan tahimik, minsan maingay, at minsan sobrang maingay na nakakabingi at nakakairita na parang palengke.

noong unang pasok ko at naging kapamilya/kapuso ako dito medyo mabait pa ako nun. wala pang tumutubong sungay sa akin, mala angel kung baga. parang hindi makabasag pinggan. ilang weeks pa lang ako dito noon na nagku-kwentuhan kami ng naging kaibigan ko sa may pwesto namin na pabulong ang usapan para di makaistorbo sa ibang tao sukat ba naman itong isang kaopisina namin eh biglang tumayo at sinabing ang ingay-ingay ko daw. mega tanong naman ako sa katabi namin kung maingay ba kami eh nagbubulungan lang kami. doon ko lang nalaman na maingay na pala ang bulungan. siguro di nya marinig kaya nag-react sya o kaya feeling nya sya ang pinag-uusapan namin. hindi ako kumibo noon. kinausap ako ng bisor ko na hayaan ko na lang. dahil talagang ganun ang ugali nya. nagpapakilala sa mga bago. ok fine hayaan! masunurin akong bata kaya hinayaan ko. paglipat namin ng opisina x-mas party namin noon at xempre kailangan ng mga costume ek-ek na yan. eh wala akong costume aktwali di lang naman ako marami kami. may pinagawa sa aking ang isang ka departamento namin di ko na maalala kong ano yun basta yun na yun. busy ako noon magsulat ng pinagagawa nya ng bigla nyang tinanong kung may extra costume pa daw yung bruha kasi wala akong costume ang sagot ba naman eh “hindi ko pahihiramin yan eh ang taray nyan” hello… hindi po ako nagtaray sa kanya. sya nga yung nagtaray sa akin noon eh pero di ko pinatulan. nagalit talaga ako pero pigil pa din kasi hindi pa ako regular noon. nagbait-baitan pa din ako. ilang buwan ang lumipas bigla akong pinansin. xempre nagulat ako. ok mabait naman ako di nakikipag-usap na ako kinalimutan ko yung mga pinag-gagawa nya noon sa akin.

noon may elektrikpan dito sa silong ng lamesa ko at palaging nakabukas yun regular na ako dito nun. at medyo may tumutubong sungay at kumukulot na nga. at marunong na akong mangatwiran at mambara lalo na at alam kong tama ako. nataon naman na nakabukas ang elektrikpan ko eh may sakit daw sya. sinabi nya sa katabi nya na sabihin sa akin. kasi nilalamig daw sya. sabi ko sa nagsabi sa akin sa akin nya sabihin. di sinabi nya na nilalamig daw sya ang kaso mo yung elektrikpan di naman nakatapat sa kanya dahil sa frend ko nakatapat yun. oo nasa likod ko sya pero yung ulo ng pan eh naka slant at walang nag ba-bounce ni katiting na hangin sa kanya. ang sabi ko ate hindi naman po nakatapat sa inyo yung pan. di wala syang kibo na badtrip siguro. nilagyan nya ng sang katerbang kahon sa likod ko. so!!! deadma akech nun kasi totoo naman eh. tanong ko sa opismeyt ko panong di sya lalamigin eh centralized kaya ang aircon. at nakatapat sa kanya yung labasan ng lamig. mula noon at magpahanggang ngayon di pa din kami in-good-terms.

aktwati, di ko talaga sya feel kasi masyadong maingay at pag dating ng opis eh buhay na nya ang ibinibida nya. ayaw ko sa ugali nya pag meron ka ok ka pero pag wala ka tae ka. magaling pag may kailangan. at kung pamilyar ka sa ugaling  sobrang kulang sa pansin eh ganun na ganun sya. gusto palaging bida.

naipost ko tuloy to sa sobrang pag nakikita ko sya eh naaasar ako. yung feeling mabigat, kumukulo ang dugo ko. naiirita ako sa boses nya. ewan kung maaari ayaw ko syang tignan at ayaw makita. di ako masamang tao. sa katunayan mabait naman ako  hindi ako mahirap pakisamahan close ko lahat ang tao dito maliban sa kanya. oo taklesa ako pero totoo ang sinasabi ko di ba nga turo sa atin ng matatanda masama magsinungaling at isa pa inilulugar ko ang pagsasalita ko. nagpapakatotoo lang ako. oo may pagkabruha din ako kaya nga yun ang inilagay kong pangalan ko dito eh pero inilulugar ko naman po.

ang swerte ng bruha nasama sya sa post ko. mabigat kasi sa pakiramdam kaya isinulat ko…

bloopers at the elevator

marami na sa ating may bad experience sa elevator. may natatrap, may nahulog (malamang tsugi yun pag nagkataon) may namatayan ng ilaw at kung ano-ano pa. ako nasubukan ko ng matrap sa elevator pero sandali lang nga 1 min lang naman at marami kami sa loob nun. pero iba pala talaga ang pakiramdam hindi ko malaman kung sisigaw o iiyak ako isipin mo nga naman naka-hang ka sa ere na nakakulong. at wala kang ibang pwedeng gawin kundi tawagin ang lahat ng santo na kakilala mo na iligtas ka sa anupamang kapahamakan na aabutin mo.  ako noon umupo ako sa gilid na nakahawak sa kamay ng kaibigan ko at naiiyak na. para pag bumaksak eh nakaupo na akong dati at di na ako maa-out balance. xempre pa perst tym lang po nangyari sa akin yun noh. inisip ko marami pa akong pangarap na gustong matupad. at maliit pa ang aking junukis aba gusto ko naman sya makita paglaki nya.

at eto ngang araw na to hindi naman kami na trap at napatayan ng ilaw napahiya lang naman po kami.  pagkatapos mananghalian. pababa kami ng kaibigan ko sa 5th floor nitong building para mag yosi. ang tagal dumating ng elevator ako sobrang busy magtext at ang kaibigan ko naman po ay sobrang kwento kinikilig sa sobrang pinansin daw sya ng crush nya nung bumaba sya para bumili ng pagkain. at mega kwento pa na parang bulateng inasinan sa sobrang kilig. usap-usap… eto na may tumunog. ting…bumukas ang pinto ng elevator pumasok ang kaibigan ko sunod naman akong nakatingin pa din sa celfon ko.  nakipagsiksikan kami sa loob ng elevator… tesx pa din ako habang nakikinig sa kwento ng kaibigan ko. umayos kami paharap sa pinto. pasara na ang pinto ng may biglang nagsabing UP?

bruhilda: ha ano ba to UP?

eric: ay oo nga. wait.

pinagpipintdot ng kaibigan ko ang open botton hanggang sa bumukas. dedma kami sa paglabas ng pinto. pagsara ng pinto.

bruhilda: ano ba bat di mo tinignan up pala yun nakakahiya nakilala nila tayo.

eric: sorry ha busy akong magkwento. aba malay ko ba na up pala yun.

bruhilda: sana tiningnan di ba bago pumasok.

eric: eh bat sumunod ka?

bruhilda: xempre busy akong magtext malay ko ba na di mo din pala tinignan yung sign.

ang katangahan nga naman talaga mapapahamak ka kung minsan. sa sobrang hiya namin sa kabilang side kami nag-antay. at ang parusa ay lahat ng floor na nadadaanan ay hihintuhan. at bago pa kami makarating sa aming pupuntahan ay hilo na kami. sana lang ay hindi kami nakilala ng mga yun. (asa ka pa sila nga pamilyar ang mukha sayo eh kaw pa) iisipin ko na lang na hindi ako yung nakita nila na nagkakamali sila at nililinlang sila ng kanilang paningin. lol

geriatric ward part 2

kahapon masama talaga ang pakiramdam ko kaya hindi ko naisip to. kasi iba ang pinagkakaabalahan kong isipin. sa ngayon medyo nasa mood na naman akong magsulat at gumawa ng blog.

kahapon ng hapon habang nananahimik kaming magtrabaho biglang nagkaroon ng ingay. at nagulat kami kala namin kung ano na yung nagkakagulo. at habang  lumalapit sa aming direksyon eh talagang lumalakas. timing talaga sa sobrang gusto ko ng tahimik na mundo kahapon. gusto ko tuloy sumigaw ng  TAHIMIK!!! pagtingin namin eh nagulat talaga kami. at nagkatinginan kami at iisa lang ang reaksyon ng aming mga mukha. at iisa lang pala ang laman ng aming maduduming utak. kasi bihirang mabuo ang kanilang pwersa sa kaingayan. at talagang nakakadistract. nakakakuha ng atensyon. pano ba naman kasi full force talaga sila buo na naman ang samahan ng kakaibang nilalang sa aming opisina. xempre pa hindi mo naman pwedeng pagsabihan at baka kaming mga bagets pa ang mapagalitan at baka daanin sa edad mahirap yun talo kami dun. wala pa nga sa kalahati ang edad namin sa kanila. hirap talaga pag nag volt in na sila marami kang maririnig sentimyento sa buhay nila problema sa bahay, problema sa trabaho at kung ano-ano pang problema buti na lang hindi sa sex life. walang masama kung active pa pala sila…lol… sakit talaga sa tenga buti na lang di nabasag ang mga eardrum namin salamat sa earphone. buti na lang paminsan-minsan mangyari yun pero talagang super duper mega over sa kaingayan. mahirap pa lang pag umaabot na sa ganong edad. lahat ng bagay may issue sa kanila kahit walang kwenta ay napapansin.

buti na lang medyo natahimik ang aming mundo ng pinatawag sila ng bossing namin…

parinig ako

hindi maganda ang umaga ko ngayon. masakit ang ulo ko at nangangalumata ako sa kadahilanang   3 oras lang ang tulog ko. kasi po sinundio ako ng pinsan ko dito sa ofis kahapon kasi wala syang tutuluyan so in short nakituloy muna sa aming munting bahay. anong oras na kami natulog mga 1 am na po. sobrang kwentuhan super duper mega late na at madaling araw na. kasalanan ko din naman kasi alam kong may pasok ako kinabukasan pero nagpuyat pa rin ako. may reason naman ako kasi po matagal na kaming di nagkikita at nagkakausap. masisisi mo ba ako? xempre hindi choice ko yun eh.

ngayon ko nararamdaman ang antok ko tapos eto pang ginagawa ko ay hindi ko maintindihan. hindi gumagana ang aking imagination sa mga sulat na nababasa ko sa pad kung bakit naman kasi panget ang sulat nito ewan ko ba mas masahol pa sa kinahig ng manok. gusto ko na tong punitin na lang at itapon pero xempre di pwede kasi masisisante ako pagnagkataon. apat na nga na mata ang gamit ko pero nahihirapan pa rin ako. isa din yata ito sa nagpapasakit ng ulo ko. hay buhay…. eto pa la pa ako makausap kasi absent ang katabi ko na frend ko. haaaayyyyy talaga.  at ot pa pala ako ngayon kaya gudlak talaga saken.

hanggang sa makatikatihan kong magbasa ng blog ng may blog. lagi naman ganun ang routine ko mula ng matutunan ko tong blog. at sa pagbabasa ko nakita ko yung isang entry na may backtrack mp3. xempre download naman ako. at eto nga pinakikinggan ko ngayon. natutuwa naman ako kasi napapaindak ako dito sa upuan ko  feeling ko nasa disco haus ako kakamiss tuloy. at sinasarili ko lang ang pakikinig dahil naka headphone pa talaga ko. at eto nga nag-eenjoy akong pakinggangan. nawawala ang antok ko. sa katunaya perst tym ko pa lang napakinggan gawa nya at ok talaga. salamat naman sa kanya kasi di sya madamot i-share ang kanyang mga gawa. hindi ko na mention name nya kilala naman siguro nya kung sino sya. salamat po naki-download na ako ha. music lover din kasi ako. hindi ako mabubuhay pag walang music lalo na dito sa ofis.

puff the magic dragon…. for adults only PG is recommended

ngayong araw na to busy ang lahat ng tao dito sa opisina. bisi-bisihan at isa na ako dun bising mag net at mag-blog. kanina pa ako  mula 6:30am dito sa wordpress pagdating ng opis. aga noh? sa sobra yatang excited ng mga tao para sa long wikend eh halos hindi makapag-trabaho ng maayos maraming extra activities sa pinag-kakaabalahan.

sa katunayan wala talaga akong balak mag-post ngayon dito sa word press kasi wala akong maisip na sasabihin. halos duguin ang utak ko sa kakaisip ng isusulat ko ngayon. at talaga naman wala ako sa mood matapos akong mapuyat kagabi. kaya parang baong walang laman ang ulo ko ngayon.

gusto ko lang ibahagi itong natanggap kong email mula sa aking opismeyt na wala na rin yatang magawa kasi naman talaga naman pong nakakantok noh. wag po kayong kumurap tignan mong maige kung dragon ba talaga to o ahas na mukhang nalugi at matamlay..nyahahahaha

 dragondragon

nakita mo na? eto ang kakaibang dragon na nakita ko sa buong buhay ko dahil sa totoo lang di pa naman talaga nakakakita ng totoong dragon. sa mga piktyur lang. at kung chinese new year. lol… eto lang ang talagang kakaiba. at take note ha hindi po apoy ang inilalabas nito pagkagalit sya. isang puting bagay na may amoy. mukha ngang pagod na sya kasi mukhang nanghihina na yata. nyahahaha…

sa totoo lang nung makita ko to kanina inisip ko lang na hindi kaya nasaktan ang taong ito nung itinatatoo sa kanyang balat. ang lakas naman ng trip nitong taong to noh. siguro pag ako mismo ang nakakita ng ganito baka magtatakbo ako sa takot isipin mo naman. sa lahat ba naman ng parte ng katawan dun pa ang pinatatuan. hanep talaga sa trip kakaloka. pano kung ikaw naman ang makakita ng ganito sa totoong buhay? anong gagawin mo? sasabihin mo bang hello? welcome? ahhhh ewan bahala ka na lang.

“geriatric ward” at the office…

sa katunayan di ko alam kung papano sisimulan tong blog ko na to. alam ko sa bawat opisina may iba’t ibang mukha na makikita pero dito sa amin kakaiba talaga ang makikita. meron kaming bagong tawag sa grupo nila at yun ay ang “geriatric ward”. siguro naman pamilyar yung salitang yun. kalimitan sa ospital lang natin to naririnig. at yun ang kwarto para sa matatanda o SC. ewan ko kung merong ganito sa ibang opisina.

sa katunayan kahapon lang nabuo ang kanilang pwersa. at nagulat talaga kami. karamihan kasi sa department namin ay puro bata pa at 3 lang silang SC at isang junior SC. pero kahapon dumami ang kanilang kampon at ang saya-saya talaga nila. parang reunion ang nangyari at parang na out of place kaming bigla na mga bata samantalang dati sila palagi ang out of place samen dahil konting kibot side comment ang maririnig mo. pero kahapon pinagkatuwaan naming 3 bata na opismeyt ko nag-uusap kami sa chikka txt messenger at yun ang topic namen sila. eto na nga, kasi naman para kaming naligaw dito sa aming pwesto kasi puro SC ang kasama namin at nag-alala kami na magpagkamalan ding nasa geriatric ward…Waaaaahhhhh… wag naman di ko keri yun. matagal pa bago kami umabot sa ganun. di pa handa ang aming puso’t isipan.

at sa twing magkakatinginan kami ng aking opismeyt ay iisa lang pala ang nasa isip namin at bigla na lang kaming matatawa kahit pigil sa sobrang baka makahalata sila. kaninang umaga pagkabuo ng kanilang pwersa at talagang ang iingay nila. para kaming wala sa opisina at walang nagtatrabaho sa kanilang tabi. parang may sarili silang mundo. sabagay meron talaga.

pagkatapos ng lunch breyk namin bumaba kami sa 5th floor nitong building kasama ang iba kong opismeyt sa ibang departamento para mag-yosi. at ang tanong ba naman eh. “bakit ganun sa departament nyo puro yata SC na?”, “anong meron dun?”, “kailangan ba talaga na ang qualification ay SC?”. kasi field work yung gagawin nila tama bang tanungin na “kakayanin pa ba ng powers nila mag-field?” ang sagot ko naman ”siguro” kasi naman kung bakit pa natanong yung mga ganung tanong. at eto pa nung nasa 5th floor na kami tama bang sabihin ang “buoin ang 6 na tala ni david!!!” wid matching taas ng kamay sa sobrang tawa ko bigla akong napaubo dahil sa usok ng yosi na nasa baga ko. eto pa “maghawak-hawak ng kamay at magsanib ang pwersa”, meron pang nag koment lang “reyna ng SC”, “inamagenta”

pagbalik namin ng opisina eto na naman buo na naman ang kanilang pwersa. habang nagbabasa ako ng blog ng may blog dito sa word press tinawag ng isang SC yung isa para i-BP. at sa kanyang pagtawag sa pangalan napatingin ako kasi naman magkatunog ang pangalan namin. nagkatinginan kami ng akong frend at ang sabi magkapangalan kayo sabi hindi noh may pinagkaiba naman sa kanya V sa akin D. gggrrrr…. sa sobrang ayaw kong marinig ang mga boses nila nag hedfon ako. mahirap pala pag napasama ka sa “geriatric ward” kailangan tiisin mo ang ingay na naririnig mo. mga tsismis na walang kwenta, tawanang parang nasa bahay at kung mag-usap parang mga bingi  na parang nasa palengke at kung ano-ano pa. mahirap pala pag nagsama-sama ang kanilang pwersa.

walang akong galit sa kanila slayt lang… kasi naman minsan talaga sigurong di magkasakayan ng gusto xempre iba ang gusto nila sa amin. at eto pa napakalakas magparinig pag sasabihan mo naman hi-blood ang aabutin nila as in altrapresyon. mahilig pang magmonitor ng ginagawa namin samantalang pareho lang ang level namin dito. mahirap talaga mapasama sa ward nila para kaming 3 kuting na naligaw sa parang…