ako to

–nagtapos ng  PT (patanga-tanga, patambay-tambay) jan sa kanto

– simpleng tao

– may toyo din minsan sa ulo (kalalabas ko lang kasi…joke)

–extrovert na introvert depende sa mood ko (ang gulo noh ganyan talaga ako)

–mahilig ako sa musik (hindi ako mabubuhay pag wala nun)

–mahilig kumanta minsan (lalo na pag nasa CR hahaha)

–mahilig kumain (kita sa katawan) basta kahit ano wag lang lason

–masayahin akong tao pag nasa labas pero sa bahay tahimik lang ako (plastik???)  nagkukulong sa kwarto

–friendly din ako (lalo na pag nawawala na ako sa isang lugar at pag feeling ko mapapanis na ang laway ko at kailangan ko ng kausap hahaha…)

–madaling mairita (lalo na sa taong may kartehan at trying hard hmp…)

–one of the boys (hindi ako lalaki ha parang lang kahit saan pwede napatunayan ko na pong succesful ang operasyon ko)

–kaladkaring babae (kahit saan yayain ng mga friendly-friends pwede lalo na pag gusto ko pupuntahan)

–mahilig akong magbasa ng kung ano-ano (pocketbooks, magazine, etc.)

–numero unong pintasera, mapangutya, mahadera, intrimitida (feeling maganda kasi)

–may pagka-bakla din ako (lagi ko kasi kasama ay isang kauri din) saya nga eh.

–prangka akong tao ayaw ko ng orocan, tupperware at kung ano pang kaplastikan (mas ok yun diba?)

–mabait din naman ako (pagtulog) hindi naman ako nangangagat.

Wala pang mga puna

Mag-iwan ng tugon

Dapat ay nakatala ka para makapagpaskil ng puna.