Alay Lakad..
kahapon maaga akong nakauwe infernes 1 oras lang akong nag-ot.. xempre naman tuwang-tuwa ang lola kasi nga maagang makakauwe. kasama ko ang mga prends ko kahapon sa paglalakad mula opisina hanggang sa sakayan. hindi naman sa sobrang nagitipid kami pero exercise na din mga 20mins walking din kasi yun.
pagdating namin ng sakayan aba nangulat ang lola bat ang daming tao tapos walang masakyan.. sa may edsa.. mega tayo pa din ako kahit feeling ko eh mahihirapan akong sumakay.. nagtxt ako sa prend ko kung nakasakay na xa. kaso lang pang lima na xa sa pila. yayain ko sana xang kain muna bago umuwi.. pero bumalik pa din ako sa mall tinext ko isang prend namin.. at viola,buti naman nandun pa nga xa so bonggang window shopping muna.. napunta kami sa mga shades ng pambata at pang matanda, sa furniture (bukas dito bukas doon, upo sa bed) at napagod na kami sa kakaikot ng isang oras. so naghiwalay na kami para umuwi..
at pagdating ko sa sakayan linchak ang dami pa ding tao, pumunta pa ako sa terminal ng mga service nagbakasakali ako aba’t namputsa naman dinaig pa ang sawa sa haba ng pila. ending balik na naman ako sa hiway.. pucha parang may rally/ alay lakad sa dami ng tao.. at nakiisa na din ako sa kanila sa paglalakad. di ko namamalayan ang layo na pala ng narating ko.. may nakita akong bus na byahe pasaamin sasakay sana ako kaya lang di na ako kakasya kahit isang step man lang sa hagdan. di na lang ako nagpumilit pa baka mahulog pa ako kaya bonggang lakad na lang ule. at may nakita akong bus na naman byaheng pa south.. so bongga ang takbo ko para akong hinahabl ng sampung kabayo sa bilis para makasakay lang ako.. at buti na lang nakaupo/higa ako.. kasi naman ang naupuan ko kusang humihinga ang sandalan alam yata ng sandalan na pagod na talaga ako. kahiya naman sa taong nasa likod ko.. hahaha… sori na lang kuya pagalitan mo ang sandalan ng upuan ko.. wala akong kasalanan.. sumasandal lang naman ako.. at buti na lang deadma si kuya.. ang napansin ko lang lahat yata ng sumakay ng bus na yun eh humihingal.. ibig sabihin lahat ng sumakay eh tumakbo ever.. at sa kamalas-malasan ko naputol ang linya ng telepono ko.. akalain mo yun nahirapan na nga akong sumakay di pa ako makapag text/tawag sa cp.. anak naman talaga ng teteng oh ang swerte ko talaga.. pag inaabot talaga sumasagad naman eh..
Busy Day..
Ako na nga ang hindi busy ngayon.. sa dami ng tao dito sa ofis ngayon mukhang ako lang yata ang walang ginagawa,, este meron naman,, mag browse sa net ng kung ano ano, magbasa ng blog ng may blog, maghanap ng song para sa mtv ng aking friend, makipagchat, magtingin ng picture, ayusin tong blog ko na hindi ko alam kung pano ko aayusin.. akalain mo yun marami din naman pala akong nagawa sa isang buong araw.
pag ganitong pahanon dito sa opisina ang drama talaga ng trabaho ko eh mag-antay. mag-antay ng file o pag sinuswerte mag antay sa wala na tipong aabutin ka ng gabing gabi kaantay at madaling araw ka na darating sa bahay dahil sa ikapitong bundok pa ang bahay ko.. at pag sinuwerte talaga dito ka matulog sa ofis kasi takot ng umuwi sa kalaliman ng gabi.. ewan ko ba naman sa mga boss kong ewan kung bakit mahilig silang mag-antay at magpaantay. hmp..
at pagganitong pahanon naghahanap talaga ako ng pagkakabisihan ko.. tipong busy-bisihan lang ang drama.. in short nagpapanggap na busy..
ang tanging hiling ko lang naman sa araw na ito ay hwag akong gabihin.. at dumating na ang pinakaaantay namin para matapos na tong kalokohan na to..
Waiting for Nothing
ang pinakamahirap gawin sa lahat ay maghintay. kahit saang aspeto pa yan, sa lablayf, sa trabaho, sa perosonal etc. basta mahirap maghintay nakakabagot lalo na pag wala ka naman ibang pwedeng pagkaabalahan kundi humarap sa pc mo at magpatay oras lang. ang kaso lang ang paghihintay minsan hindi mo alam kung may hinihintay ka ba talaga o wala, kung darating ba o hindi.
ilang beses na din naman nangyari to saken ang maghintay sa wala lalo na sa trabaho. katulad na lang nung biyernes.. aba at ako na nga ang nag-antay hanggang pasado alas 11 ng gabi pero wala din naman nangyari ginabi lang ako ng dating mali inumaga pala. dahil sa malayo ang bahay namin aakyat pa ako ng bundok ng tralala.. hay naku mukhang ngayon araw na to ay ganun na naman ang mangyayari saken ngayon. asa pa ako na makauwe ng maaga..
kahit naiinis na ako wala naman akong magagawa kundi mag-antay pa din.. sana lang darating ang araw na wala ng pag aantay ng matagal..
tanong lang ang SHORTLY ba ay inaabot ng 2-3 oras? ganun na ba ang shortly ngayon.. OMG talaga..
plane ticket issue..
natuwa naman ako ngayong araw na to.. kabibigay lang ticket namin papuntang BORA company outing/kick-off/teambuilding.. daming gagawin sa 3 araw. walang panahon para magsaya yata ang drama namin dun.
kaya naman ako natuwa eh napasama ako sa first batch na magpa-flyt kasama ang friend ko/ofismeyt.. xempre pareho kaming natuwa in-short kaso lang yung isang friend namin eh nasa second batch pero ayus na yun magkikita naman kami dun..
ang hindi nakakatuwa eh may mga taong mahilig mag-side comment na kesyo kesyo… wag naman ganun ang importante eh pare-pareho tayong makakarating ng BORA.. makarating ng safe at mag-enjoy.. di yung magcomment ng special ang mga first batch.. bakit may ano ba sa first batch na wala sa second batch?? pareho lang naman ang airlines.. pinagkaiba lang eh flyt sked.. wag ng maging ampalaya.. kasi di naman na mapapalitan yang ticket mo it’s final.. tanggapin na lang ang katotohanang ganun talaga..
inilagay lang sa first batch ang mga echusera.. joke..hehehe…


mag-iwan ng puna