sori po

gusto ko lang pong humingi ng paumanhin kay miss jovi kasi po sa tagged nya sa akin na christmas tree parade 2007. ang kaso po wala po kaming x-mas tree sa bahay namin sa hindi malamang kadahilanan.

baka ito po na dahilan…

1. walang pambili ng x-mas tree? ( pwede!)

2. tamad magkabit at magtanggal ng x-mas tree (panalo!!!  totoo yan)

3. maliit po ang espasyo ng aming munting tahanan. (hindi ka pwedeng gumulong kasi tatama ka sa threadmill sa sobrang wala talagang space).

4. balak ko po next x-mas na lang kami magkakabit ng x-mas tree pag nasa sariling bahay na  namin kami nakatira. (mahirap maging hampas-lupa)

pasensya na po talaga. at eto po at magpapaliwanag ako. simula po kasi ng umalis ang aking mahal na magulang at dalawa na lang kaming magkapatid ang naiwan eh hindi na po nauso ang x-mas tree sa aming magkapatid.

meron pong isang maliit na x-mas tree sa table ko sa opisina at x-mas light. yun lang po ang meron ako. hindi ko po na-kodakan kasi po la time di bale sa susunod na lang hindi naman kasi maipagmamalaki yung x-mas tree. mukhang losyang at ginahasa ng sampung kabayo.

pasensya na po talaga…

6 mga puna sa ngayon

  1. Jovi on

    “…hindi naman kasi maipagmamalaki yung x-mas tree. mukhang losyang at ginahasa ng sampung kabayo”

    Anong hindi maipagmamalaki? Sa buong mundo ilan lang ba kayong may Xmas tree na ganyan? Unique kaya! :-P

    _____________
    yaan mo pag may time na ako kokodakan ko. at para naman maishare ko ang x-mas tree ko na losyang at mukhang ginahasa. :lol:

  2. jeckyll27 on

    simula po kasi ng umalis ang aking mahal na magulang at dalawa na lang kaming magkapatid ang naiwan eh hindi na po nauso ang x-mas tree sa aming magkapatid

    number 1 rule pag maglalagay ng xmas tree: dapat more than three kayo sa bahay para masabing xmas three talaga..hahaha! kurne…

    _________
    kaya nga siguro wala na kaming x-mas tree di na feel ang pasko… salamat sa pagdalaw

  3. Kiko Matsing on

    Ako dahilan ko yung no.2 kaya walang krismas tri sa amin ngayon. Busy kasi sa baby namin! Hehehe! :)

    ______
    mas masarap kasi makipag bonding sa baby nakakatanggal na pagod. hayyyyyy…..

  4. YouAreYou on

    yung krismas tri namin ngayon ako lang ang nagtayo, actually ako lang talaga ang in charge sa pag ayus at pagkabit ng mga anik anik nun. maliit lang din naman kase wala na ding space para sa giant krisma tri dito sa bahay namin. :)

    add na din kita ah.. :)

    __________________
    buti ka pa atleast may pinagkaabalahan…

  5. kengkay on

    kaya kami may krismas tri ay dahil nagbibigay sya ng ligaya sa mga bata… sigurado ko, magkakaron din ng time na magtatayo kayo ng puno at magpapalamuti kasama ng iyong mga mahal sa buhay. ang importante, masaya kayong pamilya.

    _____________________
    ate kengks nakita ko nga sa pix yung xmas tri nyo ang cute. totoong puno talaga sya. at may gawa pa ang mga little kengkay dun nakasabit ang cute nakakatuwa ang mga baby mo.

  6. jojie on

    i feel for you kafatid… hindi ko din nasagot ang tag na ito dahil wala din kaming xmas tree! waaaaahhhhhh!!!!!

    ____________________
    aktwali ilang araw ko tong pinag-isipan kaya ito ang naipost ko. gusot ko sansng kkodakan yung xmas tri dito sa table ko kaya lang ang sagwa talaga…
    hehehehe


Mag-iwan ng tugon

Dapat ay nakatala ka para makapagpaskil ng puna.