papansin, papampam, KSP
dito sa aming opisina araw-araw walang bago. nakasawa ang routine sa pang-araw-araw na gawain. minsan tahimik, minsan maingay, at minsan sobrang maingay na nakakabingi at nakakairita na parang palengke.
noong unang pasok ko at naging kapamilya/kapuso ako dito medyo mabait pa ako nun. wala pang tumutubong sungay sa akin, mala angel kung baga. parang hindi makabasag pinggan. ilang weeks pa lang ako dito noon na nagku-kwentuhan kami ng naging kaibigan ko sa may pwesto namin na pabulong ang usapan para di makaistorbo sa ibang tao sukat ba naman itong isang kaopisina namin eh biglang tumayo at sinabing ang ingay-ingay ko daw. mega tanong naman ako sa katabi namin kung maingay ba kami eh nagbubulungan lang kami. doon ko lang nalaman na maingay na pala ang bulungan. siguro di nya marinig kaya nag-react sya o kaya feeling nya sya ang pinag-uusapan namin. hindi ako kumibo noon. kinausap ako ng bisor ko na hayaan ko na lang. dahil talagang ganun ang ugali nya. nagpapakilala sa mga bago. ok fine hayaan! masunurin akong bata kaya hinayaan ko. paglipat namin ng opisina x-mas party namin noon at xempre kailangan ng mga costume ek-ek na yan. eh wala akong costume aktwali di lang naman ako marami kami. may pinagawa sa aking ang isang ka departamento namin di ko na maalala kong ano yun basta yun na yun. busy ako noon magsulat ng pinagagawa nya ng bigla nyang tinanong kung may extra costume pa daw yung bruha kasi wala akong costume ang sagot ba naman eh “hindi ko pahihiramin yan eh ang taray nyan” hello… hindi po ako nagtaray sa kanya. sya nga yung nagtaray sa akin noon eh pero di ko pinatulan. nagalit talaga ako pero pigil pa din kasi hindi pa ako regular noon. nagbait-baitan pa din ako. ilang buwan ang lumipas bigla akong pinansin. xempre nagulat ako. ok mabait naman ako di nakikipag-usap na ako kinalimutan ko yung mga pinag-gagawa nya noon sa akin.
noon may elektrikpan dito sa silong ng lamesa ko at palaging nakabukas yun regular na ako dito nun. at medyo may tumutubong sungay at kumukulot na nga. at marunong na akong mangatwiran at mambara lalo na at alam kong tama ako. nataon naman na nakabukas ang elektrikpan ko eh may sakit daw sya. sinabi nya sa katabi nya na sabihin sa akin. kasi nilalamig daw sya. sabi ko sa nagsabi sa akin sa akin nya sabihin. di sinabi nya na nilalamig daw sya ang kaso mo yung elektrikpan di naman nakatapat sa kanya dahil sa frend ko nakatapat yun. oo nasa likod ko sya pero yung ulo ng pan eh naka slant at walang nag ba-bounce ni katiting na hangin sa kanya. ang sabi ko ate hindi naman po nakatapat sa inyo yung pan. di wala syang kibo na badtrip siguro. nilagyan nya ng sang katerbang kahon sa likod ko. so!!! deadma akech nun kasi totoo naman eh. tanong ko sa opismeyt ko panong di sya lalamigin eh centralized kaya ang aircon. at nakatapat sa kanya yung labasan ng lamig. mula noon at magpahanggang ngayon di pa din kami in-good-terms.
aktwati, di ko talaga sya feel kasi masyadong maingay at pag dating ng opis eh buhay na nya ang ibinibida nya. ayaw ko sa ugali nya pag meron ka ok ka pero pag wala ka tae ka. magaling pag may kailangan. at kung pamilyar ka sa ugaling sobrang kulang sa pansin eh ganun na ganun sya. gusto palaging bida.
naipost ko tuloy to sa sobrang pag nakikita ko sya eh naaasar ako. yung feeling mabigat, kumukulo ang dugo ko. naiirita ako sa boses nya. ewan kung maaari ayaw ko syang tignan at ayaw makita. di ako masamang tao. sa katunayan mabait naman ako hindi ako mahirap pakisamahan close ko lahat ang tao dito maliban sa kanya. oo taklesa ako pero totoo ang sinasabi ko di ba nga turo sa atin ng matatanda masama magsinungaling at isa pa inilulugar ko ang pagsasalita ko. nagpapakatotoo lang ako. oo may pagkabruha din ako kaya nga yun ang inilagay kong pangalan ko dito eh pero inilulugar ko naman po.
ang swerte ng bruha nasama sya sa post ko. mabigat kasi sa pakiramdam kaya isinulat ko…


eto kagandahan ng blog. pwede ka maglabas ng sama ng loob na hindi kailangan maging bayolente. tama yan, buhos mo lang dito at sana makagaan ng pakiramdam mo. habaan mo na lang ang pasensya. wag mo kalimutan ang pinag aralan at hindi mo naman kelangan makipag away o maging palengkera. above all, wag mangunsumi kung ayaw mo na magkaroon ng kutis betlog.
________
salamat talaga sa WP dito pwede kahit anong sabihin ko. pero waaaahhhh…. ayaw ko ng kutis betlog.
May mga tao talagang KSP, siguro malapit na magmenopouse si ate kaya ganyan hehe.. Hayaan mo na lang sige ka baka mangyari nga sinabi ni Maru.
__________
may tama ka malapit na nga. hehehe….
Hehe! Buti na lang at may blog, at least dito mo na lang inilalabas ang inis mo. Kundi malamang nasapok mo na siguro yun! Hehe! Joke lang, pagpasensiyahan mo na lang si bruha, oops! si ate pala.
____________
salamat sa blog talaga. yun na nga ang ginagawa ko pasensya na lang palagi.