Archive for Disyembre 4th, 2007|Daily archive page
wish list ko
hay naku aasikasuhin ko muna tong aking tambayan na medyo inaagiw na yata kasi ilang araw ko din itong inabandona. sa sobrang wala ako sa mood para magsulat ng kung anong walang kwenta. ngayon wala naman talagang kwenta tong post ko na to. dapat kahapon nga to di lang kinaya ng powers ko sa sobrang hindi maganda ang pakiramdam ko eto nga at tumutulo pa ang uhog ko at masakit ang ulo ko. sa katunayan napatunayan ko na malakas pala talaga ako kay papa jesus lab na lab nya pala talaga ako kasi nung nagkasakit ang baby ko at tinakbo sa hospital sabi ko sa kanya ako na lang magkasakit wag lang ang aking junakis. at yun nga pinakinggan nya ako kaya paglabas ng ospital eto ang pabaon para sa akin kaya naman hanggang ngayon eto pa din pero ok naman kaya pa at nasa trabaho pa nga eto at nagpapakaplastic dito, nagsisipag-sipagan at nagpapakadakila kuno.
at isa sa mga nagpapasakit ng ulo ko eh pag-iisip ng wish para sa aming xchange gip na yan. wala akong wish…kasi wala akong maisip…
sige ito na lang wish ko sa halagang 200 pesosesoses…
1. ipasipsip tong ilong kong may bara dahil sobrang hirap huminga?
2. kaya naman ipaputol tong ulo ko kasi masakit? ikabit na lang pag ok na? hmp pwede..
3. maglahong parang bula ang mga SC na nandito sa tabi ko kasi isa sila sa nagpapasakit ng ulo ko sa sobrang kaingayan para silang naka megaphone(buti na lang di nila alam tong blog dahil kong hindi naku baka di lang sabon ang aabutin ko baka shampuhin at hiluran saka banlawan pa ako).
4. matulog sa opisina sa oras ng trabaho ng hindi na me-memohan.
5. gawing internet cafe ang opisina, mag-net hanggang magsawa.
kaya gudlak sa aking mommy sa aming monita-monito.
Mga Puna (5)
