paulit-ulit na lang

sobrang ayaw ko ng nararamdaman ko ngayon pangalawang beses ko na to naramdaman ang una nung august lang. nung isinugod namin ang aking junakis sa hospital. akala ko noon simpleng lagnat lang at hika. dumaan sa nga lab test at lumabas na meron syang pneumonia… kaya pala ubo ng ubo at nilalagnat. sobra nung kinabitan na sya ng swero gusto kong tadyakan yung nurse na naglalagay kasi nasasaktan na ang aking mahal pero wala akong choice kundi pigilin ang sarili ko. sa sobrang awa ng naramdaman ko para sa aking baby eh napaiyak talaga ako. perst time nya lang maospital nun. ang hirap ayoko ng pakiramdam. ang daming naglalaro sa isipan ko.

at naulit na naman ang pangyayaring to kagabi lang. itinakbo ko ang baby ko sa ospital kasi sobra ang ubo nahihirapan na sya sa kakaubo na kulang na lang eh lumabas ang baga nya. naaawa akong tignan. kinabahan akong bigla parang hindi mapakali na ewan hindi ko maipaliwanag. pagdala namin sa ospital eto na naman ang mga lab exam. kala ko makakauwe kami at hindi mako-konpayn ang baby ko pero hindi, mali pala. eto at nakacheck-in na naman kami sa ospital dahil may pneumonia na naman daw sya. whhaaaattt???? ganun ule??? ano ba lahat na lang ng pag-iingat para sa bata ginagawa na at lagi kong ibinibilin sa nag-aalaga sa kanya. kompleto sa vitamins pero sakitin talaga. konting palit ng klima magkakasakit, hihikain.  ano ba ang dapat kong gawin para hindi na sya magkasakit? eto nga at sobra ang ngarag ko ngayon bente-kwatrong oras akong gising wala pa akong tulog na matino. konti na lang gusto ng pumikit ng mga mata ko. at eto report muna sa opisina bago balik ule ng ospital may aayusin akong requirements na kailangan nila. nakakapagod pala talaga. sana ako na lang nagkasakit. dapat sa akin na lang binigay ni papa jesus ang sakit di sa baby ko. ayaw ko ng ganitong pakiramdam. ayaw ko ang mga naglalaro sa isip ko.

4 mga puna sa ngayon

  1. rakatak on

    naku sana maging maayos ang lagay niya…

    oo nga eh salamat sa pagdalaw ha. sama mo na din sa prayer ang baby ko. ;)

  2. randomdemeanor on

    sabi sa Bible (di ko maalala yung book,chapter at verse, pasensya na)..”There is a time for every purposes underneath heaven”…

    May purpose si God kung nangyari yan sayo at sa Baby mo…kung sakali mang mangyari ang naglalaro jan sa isip mo…may purpose yun

    Ask God for more strength and KaTATAGAN to accept everything that He has in store for you..

    wag kang mag-alala..di ka nag-iisa…ganyan din sis ko..mejo di nga lng tau exactly the same kasi mother ka …iba talaga ang pakiramdam ng ina…

    as i read this post…i really appreciate my mom more..di ko ma-imagine kung pano nya nalampasan lahat mula nung bubwit pa kami hanggang ngayong singlaki na kami ng kalabaw….heheh

    bago maging post ang comment na ito..ay tatapusin ko na…sa salitang AJA!!!

    salamat. siguro nga may purpose si god sa lahat ng nangyayari sa buhay natin. salamat din sa KANYA kasi ok na baby ko…

  3. jojie on

    get well soon sa baby mo sis. pray lang tsaka lakasan mo loob mo.

    salamat sis. ok na baby ko nakalabas na din kami ng ospital.

  4. kengkay on

    mahirap talaga maging nanay… kami rin sunod sunod ang sakit, eto nga at ako ang nakaratay ngayon e. pero alam mo, normal lang daw na magkaron ng colds ang cough ang may baby… pero yung pneumonia, ingat nga talaga. itong mga anak ko walang vitamins, hindi uso dito, kasi naman fresh fruits at veggies nginangata nila e… why not try giving those things.. i puree mo muna para di lasang lasa. tapos kapag may sipon at ubo sila one teaspoon of honey per day… nakakatulong talaga.

    ________
    sobrang hirap nga maging nanay ngayon alam ko na ang hirap ng nanay ko sa akin noon. ako naman ngayon ang nakakaranas. ang problem ko ate kengks hindi sya gano kumakain ng fruits at juice titikim lang tapos ayaw na. bata nga naman… salamat sa iyong advice susubukan ko yan.


Mag-iwan ng tugon

Dapat ay nakatala ka para makapagpaskil ng puna.