ang aking mga kinahuhumalingan
eto na naman po ang tag buti na lang hindi mahirap na mula kay cdy173. gusto yatang makita ang aking sulat kamay at ang aking mga kinahuhumalingan sa mga panahon ngayon.
![]()
1. blog - xempre pa ito ang una. pagdating ko pa lang sa opisina ito na ang pinagkakaabalahan ko magbasa ng blog ng may blog bago magtrabaho. kung di ba naman kaadikan ang pinaggagawa ko. maghapon nakatambay sa WP san ka pa diba? para tuloy akong binabayaran ng kompanya para mag-blog. ok lang yun wag lang makikita ng mga nakatataas. hahaha…. ultimate pasaway eh. nung una ko pa lang dito medyo nahihiya akong magsulat kasi naman po hindi naman talaga ako magaling sumulat ng kung ano-ano wala ngang latoy kung baga. pero xempre dinaaan sa kakapalan ng mukha ito at nakakapagsulat na ako ng kahit pano. kahit trying hard. hahaha. bakit ba kanya-kanya noh. at ito nga naging adik na dito pano na lang pag wala na nito san na ako dadalhin at pupulutin meron bang rehab para sa mga adik sa WP? asa ka pa.
2. badminton - aktwali bago ko pa lang tong kinahuhumalingan sa kagustuhan kong mabawasan ang mga kolestirol ko eh bimili ako ng set nyan para makapaglaro lang at mapawisan. kahit mainit ang panahon at tanghaling tapat go pa din lagi ko kinakaladkad ang aming kasambahay para lang meron akong kalaro o kaya naman yaya sa kapitbahay. tuwing gabi pag maaga akong nakakauwi ng bahay laro pa din.
3. pocketbook - ito ang aking libangan lalo na pag ayaw kong lumabas ng bahay at bago matulog ugali ko na talagang magbasa. pinagkakagastusan ko yan tagalog man o inglis wala akong pakialam basta pocketbook sya. sabihin mang jologs care ko eh ano naman lahat naman tayo may tinatagong kachipan sa katawan. pagnasimulan kong basahin ang isang pocketbook kailangan kong tapusin mapuyat man ako at ngarag pagpasok kinabukasan. minsan nga may baon pa ako nyan at magbabasa habang nasa sasakyan papasok o pauwe man.
wala na akong itatag pa kasi naman lahat yata ng nabasa ko meron na nito at ako na lang yata ang wala. hehehe


wehehe, nahanap din kita
ako din pareho tayo sa wan at tri — dami ko ring pocketbooks, hung hang na hung hang ako dyan…
pasencya na kasi di ko pala napil-apan yung sa website di ko kasi alam. may mahihiraman na pala ako ng pocketbook ngayon. hehehehe….
Try mo rin magtennis, maganda rin exercise at pambawas ng kolesterol! Hehe! Tapos laro tayo.
lahat na nga yata ng pwede kong gawin mabawasan lang tong kolesterol na nakaimbak sa akin. hahaha… yaan mo mag-aaral ako ng tennis tapos hahantingin kita para laro tayo…
oist minsan laro tayo ng badminton..namiss ko na rin maglaro dati kasi nung sa hospital pa ko work adik kami dyan..badminton after clinic hours tapos inuman..sarap!
wow sarap nun pagod ka na lasing ka pa. hahaha… sige minsan pag may time laro tayo ng
jackstonebadminton… nyahahahahuy ako din.. mahilig sa pocketbooks, namimiss ko na nga magbasa uli. hayss..
naku sis wag mo nang mamiss magbasa ka na tapos swap tayo. hehehe..
ako dapat pahiramin mo pagdating ko dyan, hehe…
oo bah yun lang pala eh sabihin mo lang sa akin.