too bad…
minsan pag pinag-aadya ni batman na matapat ka sa mapanlamang na tao hay naku ewan na lang kung di ka mapipikon. ewan ko ba kung bakit may mga ganung tao. kung bakit pati ganung tao eh nilikha ni papa jesus (peace po tayo papa jesus) sana lahat puro na lang mabait. as if naman mabait ako xempre pag tulog para wala na tayong problema at puproblemahin pa.
pagsakay ko kahapon sa traysikel mag-isa lang ako madilim na ang kalangitan nun dahil gabi na nga. xempre pa babayaran ko ang buong traysikelkung magkano dapat ang laman pag puno. ok fine wala naman akong reklamo dun eh. kasi nga ako lang nakasakay natural na magbayad ako ng tama. at eto na pinaandar ni mamang drayber ang kanyang traysikel. biyahe na kami habang daan may naglalakad na isang mama at biglang hinintuan. xempre kinabahan naman ako kasi madilim ang lugar na yun malay ko ba kung holdaper yun di ba. takot naman ako at para akong pusang di matae sa loob. ang iniisip ko buti kung may makuha sa akin eh ang kaso wala buti kung cholesterol pa kunin nya sa akin bibigay ko pa ng boluntaryo walang isang salita. nakiramdam ako sa loob. dedma silang pareho yun pala pasahero. akalain mo yun matapos kung maramdaman ang piling natatae eh mali pala ako. buti na lang. nagpababa ako sa kanto na dapat hanggang sa gate ng bahay namin. iniabot ko yung bayad ko na 10 pesosesoses… sabay baba. at tinawag ako na manong kulang pa daw ng 10 pesosesoses aba nagulat ako. dalawa kaming pasahero eh ako ang pagbabayarin lahat. sinuswerte na masyado tong si manong drayber. sinagot ko nga sa sobrang pikon ko. ang sabi ko “di ba nagsakay kayo bat nyo ako sinisingil ng 10 pa.” ang sagot ba naman sa aking eh ” isinabay ko lang” xempre di patatalo ang beauty ko sagot ako agad “di sya singilin nyo pareho din yun” tarush… aba abusado talaga si mamang traysikel drayber. walk out talaga ako at sobrang bilis ng lakad ko. tama ba naman yun sa akin singilin lahat gusto pa akong gulangan. sori na lang sya dahil isa din akong magulang…. anong tingin nya sa akin mayaman sori isa lang akong hampas-lupas. as in hinampas sa lupa. kung di sana sya nagsakay ng iba at kung sinabi nya sa akin na magsasakay sya ng iba eh malamang di ko ipagdadamot sa kanya si andres mabini (andres bonifacio at apolinario mabini…)
sana lang di ako resbakan pag nakita nya ako uli… sana lang sa susunod di na ako makasakay ng ganung drayber. kala ko pa naman basta drayber swet laber…


Nagkalat na talaga ang abusado sa mundo at kapag minamalas matatapat pa sa’yo, anyway sana nga di mo na maencounter ang mamang drayber na yan!
lintek na drayber yon ano, magpapapogi lang pala e ikaw pa pagbabayarin, hehe
Di lang pala taxi driver ang magulang diyan eh ‘no? Pati tricyle driver gumagaya na rin. Susmio! Sana nga di mo na masakyan ulit yun.
@ misyel – kahit nga yata saan parte na ngayon eh maraming abusado mabibilang na lang yata ang mababait.
@ kengkay – sobra talaga sarap kalbuhin na manong driver.
@ kiko – wish ko lang na talagang di ko na sya masakyan. marami na ngang naglipana na mga magugulang. walang pinipiling lugar.
ingat ka lang sa mga traysikel drayber na ganyan, baka mamaya pag nakasakay ka ulit sa kanya ay kung ano gawin nun, wag naman sana. basta ingat lang po.
@ angelbert – salamat po sa paalala. alam ko pa naman ang teknik ng sayonatsi (sayo na tsinelas ko).
hi. ngayon lang ako nakabisita sa bahay mo. di mo kse iniwan ang link mo dun sa blog ko when you commented. i took a chance na baka ito rin ang url mo. i added you up na rin sa blogroll ko. nawa’y hindi mo na ma-experience ang mga ganyang trike drivers. ako nararanasan ko rin yan. ang masaklap mo, 35 pesos ang trike na sinasakyan ko papuntang trabaho.
@ antuken – salamat sa pagdalaw. salamat din sa pag-add.
sana nga di na maulit at talaga namang tatambling na ako pagnagkataon.
ang mga pedicab driver samin iba ang style, wala laging pansukli. kahit hapon na wala pa ding pansukli ang ginagawa ko pag wala silang panukli inuutangan ko, tingnan ko kung hindi madala. hahahaha!
ang alam ko barya lang po sa umaga. masyado palang mayayaman ang mga pedicab driver sa inyo puro buo ang pera. hahaha
tsk tsk tsk.. dami ganyan klase na drayber bru! sa inyo ba pag ikaw lang pasahero 25 pesos lang? sa amin pucha 30 pesos. one time nangyari saken yan, nagsakay ng isa pang pasahero. buti sana kung sa likod nya umupo, eh sa tabi ko eh. at nagitgit pa ako at napunta ako sa loob. una bumaba yung mama, tapos nung ako na puta sinisingil ako ng buo! yun. away kami. nauwi sa suntukan. wahahahahaha!
salamat sa pagdalaw sa aking munting lungga. 20 lang naman pamasahe sa amin. kaya lang masyado yatang gustong manlamang nung drayber na nasakyan ko feeling yata mayaman ako kaya sinisingil ako ng buo. mayaman sa utang pwede pa hahahaha…. buti nga di ako sinundan dahil pagnagkataon mega super duper away kaming dalawa…
Ang utak ren eh noh?? Ganyan talaga mga driver (hindi naman lahat mga 90%) as in hangga’t makakapanlamang, lalamangan ka talaga. Lalo pa kung aanga-anga ang pasahero-as in dadaanin pa sa sindak. At sila pa ang matapang ha, tek note!
Congratulations.. nakahanap ng katapat si Manong!!!!
btw, add kita sa rolyo ko… teeway po!!!
salamat sa pagdaan.
actwali medyo takot din tapang-tapangan lang para sa susunod di na nya ulitin yun. wag lang nya ako resbakan. hehehe
add din kita…