problemahin ba?!
sobrang gabi na ako nakarating ng bahay kagabi. nag-OT lang naman po kasi ako ng tatlong oras. payaman kuno kasi malapit na pasko. malamang mabubutas na naman ang bulsa ko nito. nagmamadali pa naman akong umuwi kagabi hoping na madadatnan ko pa yung teleserye na palagi kong inaabangan. oo teleserye may pagka jologs talaga ako at aminado ako dun. alangan naman pakaplastik pa ako di ba? mas pangit yun eh talaga naman nanonood ako. kasi ako’y isang dukha at hampas-lupa lang kasi wala kaming cable kaya hindi ako nakakapanood ng mga foreyn na palabas na yan. echus…..
kaya ngayong araw na to sa sobrang hindi ako mapakali sa kakaisip kung anong nangyari sa teleserye na yun. pinakwento ko tong katabi kong SC at mega kwento naman ang lola. ang kaso mo hindi ko gano maintindihan hindi ko alam kung hindi lang talaga ako makaintindi o hindi talaga sya marunong magkwento. siguro pag sign language pa ang ginawa nya eh magkakaintidihan pa kami. hindi kasi nya kamag-anak si lola basyang paiba-iba kasi ang bersyon nya. ano ba talaga lola? nawindang talaga ako.
at sa kakatihan ng kamay ko na magpunta kung saan-saan dito sa WP may nakita akong entry na ganun sa hinahanap ko kaya lang ng basahin ko na napanood ko na po pala nung isang gabi pa yung episode. hay anu ba yan… kung saan-saan pa ako pumunta…pindot dito, pindot doon at kung saan-saan pang pwedeng pindutin… at BINGO hindi po yung biskwit ha hindi ako binigo at talagang WOW nakuha sya sa pindot nakita ko din yung site kung saan ako pwedeng pumunta. umaandar na naman kasi ang pagiging computer eliterate ko. hmp madali lang pala namroblema pa ako. at mega nood naman ako na nakahedpon pa. at palingon-lingon na parang may kinakatakutan. natural takot akong mahuli ng boss ko dahil kung nagkataon memo ang katapat ko. syempre tuwa naman ako dahil sa susunod alam ko na kung saan ako pupunta. hindi na ako magpapakahirap na umintindi ng kwento na iba. kung bakit kasi ngayon ko lang to nalaman eh.


congrats at nakita mo na sagot sa problema mo. ako di na nanonood ng tv. palaging kompyuter na ang kaharap ko. kaya wala na din akong alam sa nangyayari sa pilipinas wahaha.
salamat nga pala sa pagdaan mo sa blag ko, add din kita. ^^
@ angelbert – ng dahil yun sa matiyaga kong pagpipindot at pagpapakasira ng ulo sa computer kaya sa wakas na kita ko din..
tenkyu din sa pagdaaan …
ang galing ung kumalkal sa net…. ka-nguso ka ba?? oh kapa-piña??? hehehehe joke, joke, joke….
@ epam07 – salamat sa pagdaan. minsan kanguso minsan kapa-piÑa depende sa ganda ng palabas.impernes na slow ako sa sinabi mo.
pareho tayong dukha, ala din kaming cable.
@ jojie – hirap maging dukha noh… ok lang basta maganda pa din tayo keri na yun.
add din kita sa blogroll ko pra pantay… wwww.epam70.wordpress.com
@ epam – tnx po