bruhilda

maagang pamasko

Ipinaskil sa mga buhay-buhay, pamilya, personal, relasyon ni bruhilda noong Nobyembre 21, 2007

medyo natuwa naman ako ngayong araw na ito aktwali di lang medyo talagang natuwa talaga ako. maaga kasi akong nakatanggap ng regalo mula sa aking honey ngayon lang mga oras na ito. nagulat nga ako. kasi nag-text sya sa akin na dadaan daw sya dito sa opis at magkita kami sa baba kasi may kukunin sya sa akin. at baba naman ako. pagkabigay ko ng bag nya may bigla syang iniabot sa akin na plastic. tinignan ko naman xempre curious ako nakita ko may isang malaking balot ng chicharon. wow, sarap nun at parang madadagdagan na naman ang cholesterol ko sa katawan. hindi kaya gusto na akong ma-stroke ng honey ko kaya ako binigyan ng chicharon at para naman makarami pa sya? lol…

 at bukod dun meron pang isang box na nakaplastic pa. uy perfume and watch. gulat naman ako may maaga akong pamasko. hindi man kamahalan pero appreciate ko yun noh galing kaya yun sa honey ko at isa pa hindi naman ako materyosang tao. maliit na bagay lang kahit kendi ok na sa akin. mababaw lang naman ako. inisip ko tuloy ako wala pang regalo sa kanya. hmmm ano kaya ang pwede kong ibigay? mag-iisip pa tuloy ako.

8 Tugon

Magpahatid ng mga puna sa pamamagitan ng RSS.

  1. jojie said, on Nobyembre 21, 2007 at 3:10 hapon

    awww.. uuyyy.. swit-switan.. hahahaha! akin na lang yung chocolates. hahahaha!

  2. bruhilda said, on Nobyembre 21, 2007 at 3:29 hapon

    @ jojie – aktwali suhol yun hahaha. ganun talaga pag may kasalanan.. lol…

  3. MARU said, on Nobyembre 21, 2007 at 6:08 hapon

    uyyy! sa mga maliliit na bagay nanggagaling ang kabuluhan ng buhay. naks! hehehe!
    tita, set ka muna ng budget o amount para dun sa ibibigay mo. then umpisahan mo mag isip ng hobbies nya, mga interest sa buhay o kaya mga paborito nya. di naman siguro kelangan mamahalin ang ibigay mo di ba? its da tot dat counts daw.

  4. bruhilda said, on Nobyembre 21, 2007 at 6:42 hapon

    @ maru – tenk you goddest maru sa iyong ideyang ibinigay sa akin. malaki ang maitutulong nito sa aking pag-iisip. ang pinakaimportante ay yung budget. :)

  5. bertongbalibag said, on Nobyembre 21, 2007 at 7:49 hapon

    wow! buti ka pa, kakainggit ka naman, ang sarap niyan, chicharon, clogged arteries, strokis, atake de corazon. potek, ano pa hahanapin mo. hehehehe

  6. bruhilda said, on Nobyembre 22, 2007 at 7:57 umaga

    @ bertongbalibag – pampabata nga eh batang madedo.. gusto mo share tayo sa chicharon? :lol:

  7. Kiko Matsing said, on Nobyembre 22, 2007 at 6:09 hapon

    Uy Sweet naman ng honey mo! Bigyan mo si honey ng wallet na may nakalagay na loveletter mo, siguradong matutuwa yon! Hehe!

    Saka penge ng chicharon! :)

  8. bruhilda said, on Nobyembre 23, 2007 at 7:17 umaga

    @ kiko – mukhang may nakaing maganda kaya sweet. hahaha.. kala ko wallet na may limang pisong papel. sige share ko sayo chicharon para di lang ako ang ma-hi-blood. kaw din.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s