Archive for Nobyembre 21st, 2007|Daily archive page
maagang pamasko
medyo natuwa naman ako ngayong araw na ito aktwali di lang medyo talagang natuwa talaga ako. maaga kasi akong nakatanggap ng regalo mula sa aking honey ngayon lang mga oras na ito. nagulat nga ako. kasi nag-text sya sa akin na dadaan daw sya dito sa opis at magkita kami sa baba kasi may kukunin sya sa akin. at baba naman ako. pagkabigay ko ng bag nya may bigla syang iniabot sa akin na plastic. tinignan ko naman xempre curious ako nakita ko may isang malaking balot ng chicharon. wow, sarap nun at parang madadagdagan na naman ang cholesterol ko sa katawan. hindi kaya gusto na akong ma-stroke ng honey ko kaya ako binigyan ng chicharon at para naman makarami pa sya? lol…
at bukod dun meron pang isang box na nakaplastic pa. uy perfume and watch. gulat naman ako may maaga akong pamasko. hindi man kamahalan pero appreciate ko yun noh galing kaya yun sa honey ko at isa pa hindi naman ako materyosang tao. maliit na bagay lang kahit kendi ok na sa akin. mababaw lang naman ako. inisip ko tuloy ako wala pang regalo sa kanya. hmmm ano kaya ang pwede kong ibigay? mag-iisip pa tuloy ako.
hmpt parusa
kahapon isang oras lang akong ot kasi biglang nagtext ang honey ko na susunduin daw nya ako para ihatid sa sakayan pauwe ng bahay namin. xempre madali naman ako para makauwi ng maaga. ang tagal ng byahe namin sobra kasing trapik sa dinaanan namin. medyo antok ng nga ako nun kahit maaga pa. hindi kami ganong nagkikibuan sa daan ugali na namin yun lalo na pag nagda-drive sya. tatlumput-tatlong minuto kami sa daan saka kami nakarating sa paghahatiran nya sa akin. bumaba ako ng sasakyan sabay tawid sa kabila para sumakay ng service. nag-bayad ako ng pamasahe kala ko mag-aantay pa ako ng sasakyan pagkabigay ng tiket sa akin pinasakay na ako agad. at tao naman pala ang inaantay ng sasakyan para mapuno. sakay naman ako. pagpasok ko sa loob parang may naamoy akong kakaiba. parang amoy ng matanda na nagpahid ng liniment sa kung saang parte ng katawan. iba talaga pakiramdam ko didikit sa damit ko ang amoy. at napansin ko na may mga matatanda nga na nakaupo so deadma na lang ako sa dulo ako umupo para maisandal ko ang ulo ko para makatulog ako. at ang mga medyo bata-bata eh nakatakip ang kanilang ilong. ako deadma pa din parang walang naaamoy. sumakay ang driver para umalis na at napansin ko na matanda din. naisip ko tuloy na baka sya ang may dala ng ganung amoy at naiwan sa loob ang baho. inihanda ko ang sarili ko para matulog. kinuha ko ang earphone sa bag ko kinabit sa cp sabay pikit. isinandal ko ang ulo ko at ito na naman po bukod sa amoy matandang may liniment eh amoy ipis naman ang sinasandalan ko. grrrrr kakainis talaga. parusa talaga.
di naman sa maarte ako noh kahit sino naman pag amoy ipis na masakit kaya sa ilong. kung yung amoy ng matandang may liniment kaya kong tiisin pero amoy ipis….. naman ano ba yun tinitirhan ng ipis yung sasakyan nya? o hindi nililinisan basta na lang ginagamit? sana naman mamang driver linisan mo yung sasakyan mo kasi po hindi maganda sa pang-amoy. di tuloy ako nakatulog ng maayos.
Mga Puna (8)
Mag-iwan ng Puna
