Archive for Nobyembre 20th, 2007|Daily archive page

my best friend, my boyfriend, my partner

eto na po ang tag saken ni jojie. alam kong mahihirapan ako pero sige try ko pa din. at makakaladkad pa yata ang lab lyp ko dito. hindi ko tuloy alam kung anong isusulat ko eto na naman po at parang sasakit uli ang ulo ko dito. hindi ko tuloy alam kung puro papuri lang ang ilalagay ko dito o hindi.

 

Instruction:A blog post about your significant other (boyfriend/girlfriend, husband/wife, fiance). Just include the following in your blog post:

1. First name: if he doesn’t like his name plastered all over the internet, a pet name will do.
2. How and where did you meet?
3. Characteristics
4. Your plans 20 to 30 years from now

 

 

1. honey ang una naming tawagan. noong mga panahong nagsisimula pa lang at masipag pa kaming bangitin ang buong word na yun. noong medyo tumagal na kami naging hon na lang siguro tamad na ding banggitin ang buong salitang honey. pero pag galit na ako pangalan na nya ang tawag ko sa kanya. at alam na nya ang ibig sabihin nun.

 

2. six years ago ng magkakilala kami ng hon ko. mga estudyante pa kami noon. medyo nakakahiya tuloy ikwento kasi ng dahil sa katangahan ko yun dahil ako ay isang geographical idiot noong mga pahanon na yun. papunta ako sa QC para umattend sa birthday ng pinsan ko. sumakay ako ng fx papunta dun. sinabi ko kung saan ako bababa sa driver dahil hindi ko alam at kabisado ang lugar. hindi ko alam na kaibigan pala nya ang katabi ko. nang pababa na sila saka nila sinabi sa akin na lumagpas na pala ako sa bababaan ko. xempre nataranta ang beauty ko hindi ko alam pabalik.sinabi ng driver saken na pupunta muna daw ng fairvier saka nya ako ihahatid xempre natakot naman ako sa hitsura pa lang para hindi na ako pakakawalan ng buhay. parang goons ang dating. mas natakot naman ako at tumayo lahat ng bahahibo ko sa takot dahil ako na lang ang matitirang pasahero pag nagkataon.  at bago sial  bumaba nakita ko na kinuha ng kaibigan nya ang backpack ko  sabay sabi sa driver na “kami na lang maghahatid sa kanya” akala ko nga ay itatakbo na nila ang bag ko. hinablot ko uli pero malakas ang pagkakahawak. inisip ko na lang na medyo lumayo sa kanila para kung sakali makakatakbo pa ako kahit sa kanila na ang bag ko puro panty, bra, blouse at pants lang naman ang nakalagay dun buti kung maisuot nila. ang panghihinayangan ko lang naman dun kung sakali ay ang bag ko. sumakay kami ng jeep pabalik. habang nasa jeep hiningi nila ang cp # ko xempre nahiya naman ako binigay ko. inisip ko na lang na # lang naman walang mawawala hindi naman na kami magkikita. hinatid nila ako sa tagpuan ko at ng aking pinsang mali-mali magbigay ng instruction. na kung hindi dahil sa kanya hindi ako maliligaw. pero malayo pa rin ako sa kanila at takot talaga ako kahit nasa loob na kami ng mall. (aba malay ko ba kung holdaper pala ang mga yun at nagpapanggap lang na isang pilantropo. o kaya masamang elemento sa langsangan na nagkatawang tao) hanggang sa dumating ang pinsan ko. at take note alam ko pa po ang date kung kelan nangyari yun aug 31, 2001, friday

 

3. isa syang mabuting tao. madaling hingan ng tulong  parang hindi marunong humindi. minsan nagtatalo kami pag ganun. hindi naman masama ang maging mabuti pero inilulugar naman dahil hindi lahat ng bagay ay may maidudulot na mabuti kahit kabutihan ang ginagawa mo. sa sobrang pareho yata kaming bunso ay maraming bagay kaming pinagtatalunan. marami kaming incompatibilities pero natuto syang mag-adjust sa ugali ko. lalo na noong magkaroon kami ng junakis na napakaganda. estudyante pa sya noong time na yun at tatlong taon pa lang kaming magjowa nun pero nagsumikap sya na makapag bigay kahit pano sa anak nya. responsable syang tatay sa anak nya kahit ano basta para sa anak nya hindi sya magdadalawang salita.  sobrang spoiled sa kanya lahat ng hinihingi binibigay kahit na bawal pa. minsan naman madaling magalit sobra minsan nagkakasalubong kami at talagang giyera talaga. pero sya din ang unang susuko. at pag kasalanan yan marunong pang manuhol. 

 

sabi ng marami pag ang lalaki daw umiiyak bakla. pero ang honey ko marami ko ng beses nakita na umiiyak. kaya hindi ako naniniwala na ang lalaking umiiyak ay bakla. noon nung muntik kaming maghiwalay dahil sa hindi talaga kami magkasundo sa lahat ng bagay nakita ko ng umiyak ang honey ko habang nakayakap sa likod ko at sinasabing “magsimula tayo uli”. hindi sya nahihiya na makita ko na umiiyak sya. naalala ko pa nga sa sobrang away namin noon nakita sya ng parents ko na umiiyak sya na may silong ng kasoy. at take note ako pa ang pinagalitan ng parent ko. sobrang mahal sya ng aking mga magulang. minsan nga gusto ko ng magselos na parang sya ang anak at hindi ako. pero natutuwa ako kasi noon siguro bata pa kami kaya ayaw ng parents ko noon sa kanya. eh wala nga yatang ginusto noon ang parents ko lahat palpak. hindi sya mahirap mahalin lahat ng kamag-anak ko mahal sya at close sa kanya.

 

 naalala ko na maglaba ako noon hindi pa ako nangangalahati sa ginagawa ko puro sugat na ang kamay ko as in parang longganisa na  sa maga. nakita nya na umiiyak ako sa harap ng labahan tinignan ang kamay ko sabay sabing “tayo ka na jan ako na magtatapos nyan.” kahit hindi sya matunong maglaba. how sweet diba? mula noon hindi na nya ako pinalaba sya na ang naglalaba noong mga panahon na wala kaming kasama sa bahay.

 

at kahit na noon palagi kaming nag-aaway meron pa ding time na pinatapatawa nya ako. misan nga imbes na magalit ako natatawa ako kasi sobrang makulet.  masayang kasama. minsan para lang kaming magboyfreind-girlfriend. sya din ang pinaka best friend ko. lahat ng problema nanjan lang sya at handang tumulong at sumuporta sa akin. basta responsible sya, my best friend, my partner. pareho kaming maraming natutunan sa buhay mula noong maging kami.

ngayong weekend nga bonding kaming dalawa naglaro kami ng badminton. at sya pa ang may sabi na tuwing uuwi sya sa bahay ay maglalaro kami para naman daw mabawasan ang excess baggage ko ang sama talaga. bihira kasi kaming magkasama. kaya pag nasa bahay sya hindi na kami nag-aaway siguro natuto na kaming mag-adjust sa isa’t-isa. ang ginagawa namin nanonood kami ng dvd o kaya maglalakad sabay pasyal sa aming little angel na nakasakay sa balikat nya. yun ang bonding namin ngayon.

 

4. siguro naman nung mga time na yun ay kasal na kami di ba?  hindi pa kasi kami kasal because of some reasons. at hopefully sa ibang bansa na kami nakatira nun. ang pangarap na lang namin eh lumaking mabuting bata ang anak namin at magkaroon ng magandang buhay at kinabukasan pagdating ng panahon. masyado kasing matayog ang pangarap ng honey ko katulad ng natapos nya na pag iisipin ko parang hindi ko kayang maaabot.  pero kahit na ganun nagsusumikap pa din kami na maging masaya at maging mas matibay ang relationship namin at ang aming binuong pamilya.   

 

xempre isa din akong tsismosa kaya tag ko si cdy173 at mhicar03. malaman naman ang lab story nyo.