princess sarah noon…princess sarah ngayon…

kagabi pagdating ko sa bahay medyo ok na pakiramdam ko. kasi nakita ko na ang aking junakis tanggal agad ang pagod ko. pagkakita nya sa aking pagdating  salubong to da max talaga sya sa akin kahit nakahubad pa. xempre pa kiss agad sabay tanong “mami salubong ko?” ha? yun ang masama dahil nakalimutan ko. kung ano-ano kasi ang pinag-kakaabalahan kong isipin.  kung bakit naman kasi hindi ako nakakuha sa pantry namin para ilista na lang in short utang yun at tuwing sweldo ang bayad kasi tuwing sweldo lang naman talaga ang singilan.

eto na nga at inabangan ko din ang princess sarah.  medyo excited akong panoorin matagal na din kasi. habang nanonood kami para sa aming bonding siyesta naalala ko noon nag-oober da bakod kami ng mga kaklase ko para pumunta sa bahay ng isa kong kaibigan para manood ng princess sarah. babalik na lang kami ng skul pagkatapos. para magdilig ng halaman at linisin ang classroom. isang dekada na din mahigit ang lumipas noong huli kong mapanood ang princess sarah.  xempre pa cartoons yun medyo naloloko talaga ako sa cartoons noon actually hanggang ngayon nanood pa din ako ng mga ganung palabas. naalala ko lang, ang alam ko sa minahan namatay ang tatay ni sarah hindi sa dagat. ahhh malamang iniba na ang story kasi pilipino version na… slow naman pala ako at di ko nakuha agad. pero ang mga damit nila parang ganun pa din. noon nga nung gawing pelikula ang princess sarah pinanood ko pa din na pinagbidahan ni camille pratts. at pareho ang istorya ngayon lang ang naiba. ang tanong ko nga ano pa kaya ang mga pagkakaiba ng princess sarah ngayon sa princess sarah noon. malamang marami pa at yun pa ang aabangan ko at ng aking junakis.

2 mga puna sa ngayon

  1. cdy173 on

    an sarap mag recall ng mga kalukuhan nung nag-aaral pa tau noh?

    ako lola ko naaalala ko sa princes sarah paborito kasi nya panoorin ung cartoon version nun..pati ung dog of flanders…

  2. bruhilda on

    @ cdy173 – sobra minsan nga matatawa ka na lang pag naiisip mong mga kapilyahan pinaggagawa noon. kakamiss din pala. ;)


Mag-iwan ng tugon

Dapat ay nakatala ka para makapagpaskil ng puna.