Imbakan para sa Nobyembre, 2007|Pahina ng buwanang imbak

paulit-ulit na lang

sobrang ayaw ko ng nararamdaman ko ngayon pangalawang beses ko na to naramdaman ang una nung august lang. nung isinugod namin ang aking junakis sa hospital. akala ko noon simpleng lagnat lang at hika. dumaan sa nga lab test at lumabas na meron syang pneumonia… kaya pala ubo ng ubo at nilalagnat. sobra nung kinabitan na sya ng swero gusto kong tadyakan yung nurse na naglalagay kasi nasasaktan na ang aking mahal pero wala akong choice kundi pigilin ang sarili ko. sa sobrang awa ng naramdaman ko para sa aking baby eh napaiyak talaga ako. perst time nya lang maospital nun. ang hirap ayoko ng pakiramdam. ang daming naglalaro sa isipan ko.

at naulit na naman ang pangyayaring to kagabi lang. itinakbo ko ang baby ko sa ospital kasi sobra ang ubo nahihirapan na sya sa kakaubo na kulang na lang eh lumabas ang baga nya. naaawa akong tignan. kinabahan akong bigla parang hindi mapakali na ewan hindi ko maipaliwanag. pagdala namin sa ospital eto na naman ang mga lab exam. kala ko makakauwe kami at hindi mako-konpayn ang baby ko pero hindi, mali pala. eto at nakacheck-in na naman kami sa ospital dahil may pneumonia na naman daw sya. whhaaaattt???? ganun ule??? ano ba lahat na lang ng pag-iingat para sa bata ginagawa na at lagi kong ibinibilin sa nag-aalaga sa kanya. kompleto sa vitamins pero sakitin talaga. konting palit ng klima magkakasakit, hihikain.  ano ba ang dapat kong gawin para hindi na sya magkasakit? eto nga at sobra ang ngarag ko ngayon bente-kwatrong oras akong gising wala pa akong tulog na matino. konti na lang gusto ng pumikit ng mga mata ko. at eto report muna sa opisina bago balik ule ng ospital may aayusin akong requirements na kailangan nila. nakakapagod pala talaga. sana ako na lang nagkasakit. dapat sa akin na lang binigay ni papa jesus ang sakit di sa baby ko. ayaw ko ng ganitong pakiramdam. ayaw ko ang mga naglalaro sa isip ko.

ang aking mga kinahuhumalingan

eto na naman po ang tag buti na lang hindi mahirap na mula kay cdy173. gusto yatang makita ang aking sulat kamay at ang aking mga kinahuhumalingan sa mga panahon ngayon.

 1. blog - xempre pa ito ang una. pagdating ko pa lang sa opisina ito na ang pinagkakaabalahan ko magbasa ng blog ng may blog bago magtrabaho. kung di ba naman kaadikan ang pinaggagawa ko. maghapon nakatambay sa WP san ka pa diba? para tuloy akong binabayaran ng kompanya para mag-blog. ok lang yun wag lang makikita ng mga nakatataas. hahaha…. ultimate pasaway eh. nung una ko pa lang dito medyo nahihiya akong magsulat kasi naman po hindi naman talaga ako magaling sumulat ng kung ano-ano wala ngang latoy kung baga. pero xempre dinaaan sa kakapalan ng mukha ito at nakakapagsulat na ako ng kahit pano. kahit trying hard. hahaha. bakit ba kanya-kanya noh. at ito nga naging adik na dito pano na lang pag wala na nito san na ako dadalhin at pupulutin meron bang rehab para sa mga adik sa WP? asa ka pa.

2. badminton - aktwali bago ko  pa lang tong kinahuhumalingan sa kagustuhan kong mabawasan ang mga kolestirol ko eh bimili ako ng set nyan para makapaglaro lang at mapawisan. kahit mainit ang panahon at tanghaling tapat go pa din lagi ko kinakaladkad ang aming kasambahay para lang meron akong kalaro o kaya naman yaya sa kapitbahay. tuwing gabi pag maaga akong nakakauwi ng bahay laro pa din.

3. pocketbook - ito ang aking libangan lalo na pag ayaw kong lumabas ng bahay at bago matulog ugali ko na talagang magbasa. pinagkakagastusan ko yan tagalog man o inglis wala akong pakialam basta pocketbook sya. sabihin mang jologs care ko eh ano naman lahat naman tayo may tinatagong kachipan sa katawan. pagnasimulan kong basahin ang isang pocketbook kailangan kong tapusin mapuyat man ako at ngarag pagpasok kinabukasan. minsan nga may baon pa ako nyan at magbabasa habang nasa sasakyan papasok o pauwe man.

wala na akong itatag pa kasi naman lahat yata ng nabasa ko meron na nito at ako na lang yata ang wala. hehehe

too bad…

 minsan pag pinag-aadya ni batman na matapat ka sa mapanlamang na tao hay naku ewan na lang kung  di ka mapipikon. ewan ko ba kung bakit may mga ganung tao. kung bakit pati ganung tao eh nilikha ni papa jesus (peace po tayo papa jesus) sana lahat puro na lang mabait. as if naman mabait ako xempre pag tulog para wala na tayong problema at puproblemahin pa.

pagsakay ko kahapon sa traysikel mag-isa lang ako madilim na ang kalangitan nun dahil gabi na nga. xempre pa babayaran ko ang buong traysikelkung magkano dapat ang laman pag puno. ok fine wala naman akong reklamo dun eh. kasi nga ako lang nakasakay natural na magbayad ako ng tama. at eto na pinaandar ni mamang drayber ang kanyang traysikel. biyahe na kami habang daan may naglalakad na isang mama at biglang hinintuan. xempre kinabahan naman ako kasi madilim ang lugar na yun malay ko ba kung holdaper yun di ba. takot naman ako at para akong pusang di matae sa loob. ang iniisip ko buti kung may makuha sa akin eh ang kaso wala buti kung cholesterol pa kunin nya sa akin bibigay ko pa ng boluntaryo walang isang salita.  nakiramdam ako sa loob. dedma silang pareho yun pala pasahero. akalain mo yun matapos kung maramdaman ang piling natatae eh mali pala ako.  buti na lang.  nagpababa ako sa kanto na dapat hanggang sa gate ng bahay namin. iniabot ko yung bayad ko na 10 pesosesoses… sabay baba. at tinawag ako na manong kulang pa daw ng 10 pesosesoses aba nagulat ako. dalawa kaming pasahero eh ako ang pagbabayarin lahat. sinuswerte na masyado tong si manong drayber. sinagot ko nga sa sobrang pikon ko. ang sabi ko “di ba nagsakay kayo bat nyo ako sinisingil ng 10 pa.” ang sagot ba naman sa aking eh ” isinabay ko lang” xempre di patatalo ang beauty ko sagot ako agad “di sya singilin nyo pareho din yun” tarush… aba abusado talaga si mamang traysikel drayber.  walk out talaga ako at sobrang bilis ng lakad ko. tama ba naman yun sa akin singilin lahat gusto pa akong gulangan. sori na lang sya dahil isa din akong magulang…. anong tingin nya sa akin mayaman sori isa lang akong hampas-lupas. as in hinampas sa lupa. kung di sana sya nagsakay ng iba at kung sinabi nya sa akin na magsasakay sya ng iba eh malamang di ko ipagdadamot sa kanya si andres mabini (andres bonifacio at apolinario mabini…)

sana lang di ako resbakan pag nakita nya ako uli… sana lang sa susunod di na ako makasakay ng ganung drayber. kala ko pa naman basta drayber swet laber…

problemahin ba?!

sobrang gabi na ako nakarating ng bahay kagabi. nag-OT lang naman po kasi ako ng tatlong oras. payaman kuno kasi malapit na pasko. malamang mabubutas na naman ang bulsa ko nito. nagmamadali pa naman akong umuwi kagabi hoping na madadatnan ko pa yung teleserye na palagi kong inaabangan. oo teleserye may pagka jologs talaga ako at aminado ako dun. alangan naman pakaplastik pa ako di ba? mas pangit yun eh talaga naman nanonood ako. kasi ako’y isang dukha at hampas-lupa lang kasi wala kaming cable kaya hindi ako nakakapanood ng mga foreyn na palabas  na yan. echus…..

kaya ngayong araw na to sa sobrang hindi ako mapakali sa kakaisip kung anong nangyari sa teleserye na yun. pinakwento ko tong katabi kong SC at mega kwento naman ang lola. ang kaso mo hindi ko gano maintindihan hindi ko alam kung hindi lang talaga ako makaintindi o hindi talaga sya marunong magkwento. siguro pag sign language pa ang ginawa nya eh magkakaintidihan pa kami. hindi kasi nya kamag-anak si lola basyang  paiba-iba kasi ang bersyon nya. ano ba talaga lola? nawindang talaga ako.

at sa kakatihan ng kamay ko na magpunta kung saan-saan dito sa WP may nakita akong entry na ganun sa hinahanap ko kaya lang ng basahin ko na napanood ko na po pala nung isang gabi pa yung episode. hay anu ba yan… kung saan-saan pa ako pumunta…pindot dito, pindot doon at kung saan-saan pang pwedeng pindutin… at BINGO hindi po yung biskwit ha hindi ako binigo at talagang WOW nakuha sya sa pindot nakita ko din yung site kung saan ako pwedeng pumunta. umaandar na naman kasi ang pagiging computer eliterate ko. hmp madali lang pala namroblema pa ako. at mega nood naman ako na nakahedpon pa. at palingon-lingon na parang may kinakatakutan. natural takot akong mahuli ng boss ko dahil kung nagkataon memo ang katapat ko.  syempre tuwa naman ako dahil sa susunod alam ko na kung saan ako pupunta. hindi na ako magpapakahirap na umintindi ng kwento na iba. kung bakit kasi ngayon ko lang to nalaman eh.

maagang pamasko

medyo natuwa naman ako ngayong araw na ito aktwali di lang medyo talagang natuwa talaga ako. maaga kasi akong nakatanggap ng regalo mula sa aking honey ngayon lang mga oras na ito. nagulat nga ako. kasi nag-text sya sa akin na dadaan daw sya dito sa opis at magkita kami sa baba kasi may kukunin sya sa akin. at baba naman ako. pagkabigay ko ng bag nya may bigla syang iniabot sa akin na plastic. tinignan ko naman xempre curious ako nakita ko may isang malaking balot ng chicharon. wow, sarap nun at parang madadagdagan na naman ang cholesterol ko sa katawan. hindi kaya gusto na akong ma-stroke ng honey ko kaya ako binigyan ng chicharon at para naman makarami pa sya? lol…

 at bukod dun meron pang isang box na nakaplastic pa. uy perfume and watch. gulat naman ako may maaga akong pamasko. hindi man kamahalan pero appreciate ko yun noh galing kaya yun sa honey ko at isa pa hindi naman ako materyosang tao. maliit na bagay lang kahit kendi ok na sa akin. mababaw lang naman ako. inisip ko tuloy ako wala pang regalo sa kanya. hmmm ano kaya ang pwede kong ibigay? mag-iisip pa tuloy ako.

hmpt parusa

kahapon isang oras lang akong ot kasi biglang nagtext ang honey ko na susunduin daw nya ako para ihatid sa sakayan pauwe ng bahay namin. xempre madali naman ako para makauwi ng maaga. ang tagal ng byahe namin sobra kasing trapik sa dinaanan namin. medyo antok ng nga ako nun kahit maaga pa. hindi kami ganong nagkikibuan sa daan ugali na namin yun lalo na pag nagda-drive sya.  tatlumput-tatlong minuto kami sa daan saka kami nakarating sa paghahatiran nya sa akin. bumaba ako ng sasakyan sabay tawid sa kabila para sumakay ng service. nag-bayad ako ng pamasahe kala ko mag-aantay pa ako ng sasakyan pagkabigay ng tiket sa akin pinasakay na ako agad. at tao naman pala ang inaantay ng sasakyan para mapuno. sakay naman ako. pagpasok ko sa loob parang may naamoy akong kakaiba. parang amoy ng matanda na nagpahid ng liniment sa kung saang parte ng katawan. iba talaga pakiramdam ko didikit sa damit ko ang amoy. at napansin ko na may mga matatanda nga na nakaupo so deadma na lang ako sa dulo ako umupo para maisandal ko ang ulo ko para makatulog ako. at ang mga medyo bata-bata eh nakatakip ang kanilang ilong. ako deadma pa din parang walang naaamoy. sumakay ang driver para umalis na at napansin ko na matanda din. naisip ko tuloy na baka sya ang may dala ng ganung amoy at naiwan sa loob ang baho. inihanda ko ang sarili ko para matulog. kinuha ko ang earphone sa bag ko kinabit sa cp sabay pikit. isinandal ko ang ulo ko at ito na naman po bukod sa amoy matandang may liniment eh amoy ipis naman ang sinasandalan ko. grrrrr kakainis talaga. parusa talaga.

di naman sa maarte ako noh kahit sino naman pag amoy ipis na masakit kaya sa ilong. kung yung amoy ng matandang may liniment kaya kong tiisin pero amoy ipis….. naman ano ba yun tinitirhan ng ipis yung sasakyan nya? o hindi nililinisan basta na lang ginagamit? sana naman mamang driver linisan mo yung sasakyan mo kasi po hindi maganda sa pang-amoy. di tuloy ako nakatulog ng maayos.              

my best friend, my boyfriend, my partner

eto na po ang tag saken ni jojie. alam kong mahihirapan ako pero sige try ko pa din. at makakaladkad pa yata ang lab lyp ko dito. hindi ko tuloy alam kung anong isusulat ko eto na naman po at parang sasakit uli ang ulo ko dito. hindi ko tuloy alam kung puro papuri lang ang ilalagay ko dito o hindi.

 

Instruction:A blog post about your significant other (boyfriend/girlfriend, husband/wife, fiance). Just include the following in your blog post:

1. First name: if he doesn’t like his name plastered all over the internet, a pet name will do.
2. How and where did you meet?
3. Characteristics
4. Your plans 20 to 30 years from now

 

 

1. honey ang una naming tawagan. noong mga panahong nagsisimula pa lang at masipag pa kaming bangitin ang buong word na yun. noong medyo tumagal na kami naging hon na lang siguro tamad na ding banggitin ang buong salitang honey. pero pag galit na ako pangalan na nya ang tawag ko sa kanya. at alam na nya ang ibig sabihin nun.

 

2. six years ago ng magkakilala kami ng hon ko. mga estudyante pa kami noon. medyo nakakahiya tuloy ikwento kasi ng dahil sa katangahan ko yun dahil ako ay isang geographical idiot noong mga pahanon na yun. papunta ako sa QC para umattend sa birthday ng pinsan ko. sumakay ako ng fx papunta dun. sinabi ko kung saan ako bababa sa driver dahil hindi ko alam at kabisado ang lugar. hindi ko alam na kaibigan pala nya ang katabi ko. nang pababa na sila saka nila sinabi sa akin na lumagpas na pala ako sa bababaan ko. xempre nataranta ang beauty ko hindi ko alam pabalik.sinabi ng driver saken na pupunta muna daw ng fairvier saka nya ako ihahatid xempre natakot naman ako sa hitsura pa lang para hindi na ako pakakawalan ng buhay. parang goons ang dating. mas natakot naman ako at tumayo lahat ng bahahibo ko sa takot dahil ako na lang ang matitirang pasahero pag nagkataon.  at bago sial  bumaba nakita ko na kinuha ng kaibigan nya ang backpack ko  sabay sabi sa driver na “kami na lang maghahatid sa kanya” akala ko nga ay itatakbo na nila ang bag ko. hinablot ko uli pero malakas ang pagkakahawak. inisip ko na lang na medyo lumayo sa kanila para kung sakali makakatakbo pa ako kahit sa kanila na ang bag ko puro panty, bra, blouse at pants lang naman ang nakalagay dun buti kung maisuot nila. ang panghihinayangan ko lang naman dun kung sakali ay ang bag ko. sumakay kami ng jeep pabalik. habang nasa jeep hiningi nila ang cp # ko xempre nahiya naman ako binigay ko. inisip ko na lang na # lang naman walang mawawala hindi naman na kami magkikita. hinatid nila ako sa tagpuan ko at ng aking pinsang mali-mali magbigay ng instruction. na kung hindi dahil sa kanya hindi ako maliligaw. pero malayo pa rin ako sa kanila at takot talaga ako kahit nasa loob na kami ng mall. (aba malay ko ba kung holdaper pala ang mga yun at nagpapanggap lang na isang pilantropo. o kaya masamang elemento sa langsangan na nagkatawang tao) hanggang sa dumating ang pinsan ko. at take note alam ko pa po ang date kung kelan nangyari yun aug 31, 2001, friday

 

3. isa syang mabuting tao. madaling hingan ng tulong  parang hindi marunong humindi. minsan nagtatalo kami pag ganun. hindi naman masama ang maging mabuti pero inilulugar naman dahil hindi lahat ng bagay ay may maidudulot na mabuti kahit kabutihan ang ginagawa mo. sa sobrang pareho yata kaming bunso ay maraming bagay kaming pinagtatalunan. marami kaming incompatibilities pero natuto syang mag-adjust sa ugali ko. lalo na noong magkaroon kami ng junakis na napakaganda. estudyante pa sya noong time na yun at tatlong taon pa lang kaming magjowa nun pero nagsumikap sya na makapag bigay kahit pano sa anak nya. responsable syang tatay sa anak nya kahit ano basta para sa anak nya hindi sya magdadalawang salita.  sobrang spoiled sa kanya lahat ng hinihingi binibigay kahit na bawal pa. minsan naman madaling magalit sobra minsan nagkakasalubong kami at talagang giyera talaga. pero sya din ang unang susuko. at pag kasalanan yan marunong pang manuhol. 

 

sabi ng marami pag ang lalaki daw umiiyak bakla. pero ang honey ko marami ko ng beses nakita na umiiyak. kaya hindi ako naniniwala na ang lalaking umiiyak ay bakla. noon nung muntik kaming maghiwalay dahil sa hindi talaga kami magkasundo sa lahat ng bagay nakita ko ng umiyak ang honey ko habang nakayakap sa likod ko at sinasabing “magsimula tayo uli”. hindi sya nahihiya na makita ko na umiiyak sya. naalala ko pa nga sa sobrang away namin noon nakita sya ng parents ko na umiiyak sya na may silong ng kasoy. at take note ako pa ang pinagalitan ng parent ko. sobrang mahal sya ng aking mga magulang. minsan nga gusto ko ng magselos na parang sya ang anak at hindi ako. pero natutuwa ako kasi noon siguro bata pa kami kaya ayaw ng parents ko noon sa kanya. eh wala nga yatang ginusto noon ang parents ko lahat palpak. hindi sya mahirap mahalin lahat ng kamag-anak ko mahal sya at close sa kanya.

 

 naalala ko na maglaba ako noon hindi pa ako nangangalahati sa ginagawa ko puro sugat na ang kamay ko as in parang longganisa na  sa maga. nakita nya na umiiyak ako sa harap ng labahan tinignan ang kamay ko sabay sabing “tayo ka na jan ako na magtatapos nyan.” kahit hindi sya matunong maglaba. how sweet diba? mula noon hindi na nya ako pinalaba sya na ang naglalaba noong mga panahon na wala kaming kasama sa bahay.

 

at kahit na noon palagi kaming nag-aaway meron pa ding time na pinatapatawa nya ako. misan nga imbes na magalit ako natatawa ako kasi sobrang makulet.  masayang kasama. minsan para lang kaming magboyfreind-girlfriend. sya din ang pinaka best friend ko. lahat ng problema nanjan lang sya at handang tumulong at sumuporta sa akin. basta responsible sya, my best friend, my partner. pareho kaming maraming natutunan sa buhay mula noong maging kami.

ngayong weekend nga bonding kaming dalawa naglaro kami ng badminton. at sya pa ang may sabi na tuwing uuwi sya sa bahay ay maglalaro kami para naman daw mabawasan ang excess baggage ko ang sama talaga. bihira kasi kaming magkasama. kaya pag nasa bahay sya hindi na kami nag-aaway siguro natuto na kaming mag-adjust sa isa’t-isa. ang ginagawa namin nanonood kami ng dvd o kaya maglalakad sabay pasyal sa aming little angel na nakasakay sa balikat nya. yun ang bonding namin ngayon.

 

4. siguro naman nung mga time na yun ay kasal na kami di ba?  hindi pa kasi kami kasal because of some reasons. at hopefully sa ibang bansa na kami nakatira nun. ang pangarap na lang namin eh lumaking mabuting bata ang anak namin at magkaroon ng magandang buhay at kinabukasan pagdating ng panahon. masyado kasing matayog ang pangarap ng honey ko katulad ng natapos nya na pag iisipin ko parang hindi ko kayang maaabot.  pero kahit na ganun nagsusumikap pa din kami na maging masaya at maging mas matibay ang relationship namin at ang aming binuong pamilya.   

 

xempre isa din akong tsismosa kaya tag ko si cdy173 at mhicar03. malaman naman ang lab story nyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

  

bloopers at the elevator

marami na sa ating may bad experience sa elevator. may natatrap, may nahulog (malamang tsugi yun pag nagkataon) may namatayan ng ilaw at kung ano-ano pa. ako nasubukan ko ng matrap sa elevator pero sandali lang nga 1 min lang naman at marami kami sa loob nun. pero iba pala talaga ang pakiramdam hindi ko malaman kung sisigaw o iiyak ako isipin mo nga naman naka-hang ka sa ere na nakakulong. at wala kang ibang pwedeng gawin kundi tawagin ang lahat ng santo na kakilala mo na iligtas ka sa anupamang kapahamakan na aabutin mo.  ako noon umupo ako sa gilid na nakahawak sa kamay ng kaibigan ko at naiiyak na. para pag bumaksak eh nakaupo na akong dati at di na ako maa-out balance. xempre pa perst tym lang po nangyari sa akin yun noh. inisip ko marami pa akong pangarap na gustong matupad. at maliit pa ang aking junukis aba gusto ko naman sya makita paglaki nya.

at eto ngang araw na to hindi naman kami na trap at napatayan ng ilaw napahiya lang naman po kami.  pagkatapos mananghalian. pababa kami ng kaibigan ko sa 5th floor nitong building para mag yosi. ang tagal dumating ng elevator ako sobrang busy magtext at ang kaibigan ko naman po ay sobrang kwento kinikilig sa sobrang pinansin daw sya ng crush nya nung bumaba sya para bumili ng pagkain. at mega kwento pa na parang bulateng inasinan sa sobrang kilig. usap-usap… eto na may tumunog. ting…bumukas ang pinto ng elevator pumasok ang kaibigan ko sunod naman akong nakatingin pa din sa celfon ko.  nakipagsiksikan kami sa loob ng elevator… tesx pa din ako habang nakikinig sa kwento ng kaibigan ko. umayos kami paharap sa pinto. pasara na ang pinto ng may biglang nagsabing UP?

bruhilda: ha ano ba to UP?

eric: ay oo nga. wait.

pinagpipintdot ng kaibigan ko ang open botton hanggang sa bumukas. dedma kami sa paglabas ng pinto. pagsara ng pinto.

bruhilda: ano ba bat di mo tinignan up pala yun nakakahiya nakilala nila tayo.

eric: sorry ha busy akong magkwento. aba malay ko ba na up pala yun.

bruhilda: sana tiningnan di ba bago pumasok.

eric: eh bat sumunod ka?

bruhilda: xempre busy akong magtext malay ko ba na di mo din pala tinignan yung sign.

ang katangahan nga naman talaga mapapahamak ka kung minsan. sa sobrang hiya namin sa kabilang side kami nag-antay. at ang parusa ay lahat ng floor na nadadaanan ay hihintuhan. at bago pa kami makarating sa aming pupuntahan ay hilo na kami. sana lang ay hindi kami nakilala ng mga yun. (asa ka pa sila nga pamilyar ang mukha sayo eh kaw pa) iisipin ko na lang na hindi ako yung nakita nila na nagkakamali sila at nililinlang sila ng kanilang paningin. lol

princess sarah noon…princess sarah ngayon…

kagabi pagdating ko sa bahay medyo ok na pakiramdam ko. kasi nakita ko na ang aking junakis tanggal agad ang pagod ko. pagkakita nya sa aking pagdating  salubong to da max talaga sya sa akin kahit nakahubad pa. xempre pa kiss agad sabay tanong “mami salubong ko?” ha? yun ang masama dahil nakalimutan ko. kung ano-ano kasi ang pinag-kakaabalahan kong isipin.  kung bakit naman kasi hindi ako nakakuha sa pantry namin para ilista na lang in short utang yun at tuwing sweldo ang bayad kasi tuwing sweldo lang naman talaga ang singilan.

eto na nga at inabangan ko din ang princess sarah.  medyo excited akong panoorin matagal na din kasi. habang nanonood kami para sa aming bonding siyesta naalala ko noon nag-oober da bakod kami ng mga kaklase ko para pumunta sa bahay ng isa kong kaibigan para manood ng princess sarah. babalik na lang kami ng skul pagkatapos. para magdilig ng halaman at linisin ang classroom. isang dekada na din mahigit ang lumipas noong huli kong mapanood ang princess sarah.  xempre pa cartoons yun medyo naloloko talaga ako sa cartoons noon actually hanggang ngayon nanood pa din ako ng mga ganung palabas. naalala ko lang, ang alam ko sa minahan namatay ang tatay ni sarah hindi sa dagat. ahhh malamang iniba na ang story kasi pilipino version na… slow naman pala ako at di ko nakuha agad. pero ang mga damit nila parang ganun pa din. noon nga nung gawing pelikula ang princess sarah pinanood ko pa din na pinagbidahan ni camille pratts. at pareho ang istorya ngayon lang ang naiba. ang tanong ko nga ano pa kaya ang mga pagkakaiba ng princess sarah ngayon sa princess sarah noon. malamang marami pa at yun pa ang aabangan ko at ng aking junakis.

geriatric ward part 2

kahapon masama talaga ang pakiramdam ko kaya hindi ko naisip to. kasi iba ang pinagkakaabalahan kong isipin. sa ngayon medyo nasa mood na naman akong magsulat at gumawa ng blog.

kahapon ng hapon habang nananahimik kaming magtrabaho biglang nagkaroon ng ingay. at nagulat kami kala namin kung ano na yung nagkakagulo. at habang  lumalapit sa aming direksyon eh talagang lumalakas. timing talaga sa sobrang gusto ko ng tahimik na mundo kahapon. gusto ko tuloy sumigaw ng  TAHIMIK!!! pagtingin namin eh nagulat talaga kami. at nagkatinginan kami at iisa lang ang reaksyon ng aming mga mukha. at iisa lang pala ang laman ng aming maduduming utak. kasi bihirang mabuo ang kanilang pwersa sa kaingayan. at talagang nakakadistract. nakakakuha ng atensyon. pano ba naman kasi full force talaga sila buo na naman ang samahan ng kakaibang nilalang sa aming opisina. xempre pa hindi mo naman pwedeng pagsabihan at baka kaming mga bagets pa ang mapagalitan at baka daanin sa edad mahirap yun talo kami dun. wala pa nga sa kalahati ang edad namin sa kanila. hirap talaga pag nag volt in na sila marami kang maririnig sentimyento sa buhay nila problema sa bahay, problema sa trabaho at kung ano-ano pang problema buti na lang hindi sa sex life. walang masama kung active pa pala sila…lol… sakit talaga sa tenga buti na lang di nabasag ang mga eardrum namin salamat sa earphone. buti na lang paminsan-minsan mangyari yun pero talagang super duper mega over sa kaingayan. mahirap pa lang pag umaabot na sa ganong edad. lahat ng bagay may issue sa kanila kahit walang kwenta ay napapansin.

buti na lang medyo natahimik ang aming mundo ng pinatawag sila ng bossing namin…

Bagong Pahina »