Offer From Ericcson
ngayong araw na to pare-pareho lang ang email na natatanggap ko kabubura ko pa lang ng isa tapos eto na naman. sino ba naman ang hindi mag-po-forward kung sakaling totoo. eto po ang email:
CC: anna.swelung@ericsson.comHi everyone, The Ericsson Company is distributing free computer Lap-tops in an
attempt to
match Nokia that has already done so. Ericsson hopes to increase its
popularity this way. For this reason, they are giving away the new
WAP
laptops. All you need to do to qualify is to send this mail to 8
people you
know. Within 2 weeks, you will receive EricssonT18. But if you can
send it
to 20 people or more, you will receive Ericsson R320.
Make sure to send a copy to: anna.swelung@ericsson.com
Angie T. Tan
Relationship Manager
CBG-LCPSD
Tel Nos. 898-8951, 893-1328
Fax Nos. 817-1410, 889-5846
________________________________________
okay di ba? sino ba namang ang hindi mag-po-forward nito kung ipapasa mo lang tong email na to tapos qualified ka na. san ka pa di ba? kung totoo nga to di dapat pala maghapon na lang akong nakatambay dito sa harap ng computer ko hanggang sa mutain ako para mag-antay ng mga ganitong email. kung ganito pala at madali mong makukuha ang gusto mo sa pamamagitan ng pag forward ng email di sana marami na ding mutain dito sa mundo sa kakatambay sa computer. pangit naman tingnan. may dekorasyon ka sa mata na puti o itim. pero hindi man lang ba sumagi sa ating mga isip na joke lang to, na walang katotohanan ito. pano naman po sila mamimigay ng libre kung sa dami ba naman ng taong magpo-forward nito di dami din nilang bibigyan around the world di luge negosyo nila.
kasi tayong mga pinoy mahilig tayo sa libre (bato-bato sa langit ang tamaan wag magagalit). kaya kahit sa anong paraan ginagawa natin. totoo di ba? aminin!!! wag ka nang mag-deny pa, di ba nga yung mga free taste pinipilahan kahit sa mall, sa lrt, sa mrt at kung saan saan pa. wag na tayong magpakaipokrito pa.


ako aminadong lab ko ang libre. wahahahaha..
ako din eh masarap kasi pag-libre… lol
naku, kaakit akit nga ang ganyang mga klase ng emails. pero mas naaasar ako sa mga chain letters na later on ay nagevolve sa chain emails at chain text…
@ rowjie – ako inis din pag chain letter/mails ang natatanggap ko.