Imbakan para sa Oktubre, 2007|Pahina ng buwanang imbak

puff the magic dragon…. for adults only PG is recommended

ngayong araw na to busy ang lahat ng tao dito sa opisina. bisi-bisihan at isa na ako dun bising mag net at mag-blog. kanina pa ako  mula 6:30am dito sa wordpress pagdating ng opis. aga noh? sa sobra yatang excited ng mga tao para sa long wikend eh halos hindi makapag-trabaho ng maayos maraming extra activities sa pinag-kakaabalahan.

sa katunayan wala talaga akong balak mag-post ngayon dito sa word press kasi wala akong maisip na sasabihin. halos duguin ang utak ko sa kakaisip ng isusulat ko ngayon. at talaga naman wala ako sa mood matapos akong mapuyat kagabi. kaya parang baong walang laman ang ulo ko ngayon.

gusto ko lang ibahagi itong natanggap kong email mula sa aking opismeyt na wala na rin yatang magawa kasi naman talaga naman pong nakakantok noh. wag po kayong kumurap tignan mong maige kung dragon ba talaga to o ahas na mukhang nalugi at matamlay..nyahahahaha

 dragondragon

nakita mo na? eto ang kakaibang dragon na nakita ko sa buong buhay ko dahil sa totoo lang di pa naman talaga nakakakita ng totoong dragon. sa mga piktyur lang. at kung chinese new year. lol… eto lang ang talagang kakaiba. at take note ha hindi po apoy ang inilalabas nito pagkagalit sya. isang puting bagay na may amoy. mukha ngang pagod na sya kasi mukhang nanghihina na yata. nyahahaha…

sa totoo lang nung makita ko to kanina inisip ko lang na hindi kaya nasaktan ang taong ito nung itinatatoo sa kanyang balat. ang lakas naman ng trip nitong taong to noh. siguro pag ako mismo ang nakakita ng ganito baka magtatakbo ako sa takot isipin mo naman. sa lahat ba naman ng parte ng katawan dun pa ang pinatatuan. hanep talaga sa trip kakaloka. pano kung ikaw naman ang makakita ng ganito sa totoong buhay? anong gagawin mo? sasabihin mo bang hello? welcome? ahhhh ewan bahala ka na lang.

My abcd’s

Binigyan ako ng assignment ni jojie sumakit ang ulo ko mag-isip ha first time ko kasing ma-tag. At ang problema ko ngayon kung sino ang ita-tag ko.. waaaaahhhh… eto na po

.Instructions: Each player starts with 7 random habits/facts about themselves. People who are tagged need to write on their own blog about their seven things, as well as these rules. At the end of your blog, you need to choose 7 people to get tagged and list their names. Don’t forget to leave them a comment telling them that they have been tagged and to read your blog!

Seven facts about me:

â tactless

â mahilig kumanta

â reading pocketbooks pag walang pasok

â mahilig matulog

â makipaglandian o bonding sa baby ko

â mahilig mag-utos

â mapanlait (hahaha) 

A – Age: 27
B – Band Listening : snow patrol
C – Career: PT (patanga-tanga)
D – Drink or Smoke: drink occasionally, smoke yes
E – Easiest Friends To Talk To:
G – Gummy Bears or Gummy Worms: sorry di ko like ang taste nun
H – Have a Boyfriend: yes
I – In love: not sure maybe
J- Junk Food You Like: clover, Chippy, nova
K – Kids: yup 1 lang
L – Longest Ride Ever: land trip zambales
N – Names For Your Future Kids: meron na kasi ayaw ko na ng future sybielle selynn
O – One Wish You Have Now:  more money
P – Phobias: snakes, daga
Q – Favorite Quote: “life is what you make it
R – Reasons To Smile: sybielle “sweet
S – Sleeping Time: 9-10pm
T – Time You Woke Up: 5am
U – Unknown Fact About You: I am conservative minsan
V – Vegetable You Hate: saluyot ewww
W – Worst Habit: smoking
X – X-rays You’ve Had: chest and abdomen
Y – Yummy Foods: sinigang na baboy/baka, kare-kare, chopsuey, pinakbet, bopis, dinuguan, pansit, spaghetti, caldereta, inihaw na bangus at tilapia (nnagugutom na uli ako. Dami pa di lang yan_
Z – Zodiac Sign: libra 

I’m tagging cdy173, mhicar03 wala na akong maisip na iba pa kaya may utang ako ngayon.

Offer From Ericcson

ngayong araw na to pare-pareho lang ang email na natatanggap ko kabubura ko pa lang ng isa tapos eto na naman. sino ba naman ang hindi mag-po-forward kung sakaling totoo. eto po ang email:

CC: anna.swelung@ericsson.comHi everyone, The Ericsson Company is distributing free computer Lap-tops in an

attempt to

match Nokia that has already done so. Ericsson hopes to increase its

popularity this way. For this reason, they are giving away the new

WAP

laptops. All you need to do to qualify is to send this mail to 8

people you

know. Within 2 weeks, you will receive EricssonT18. But if you can

send it

to 20 people or more, you will receive Ericsson R320.

Make sure to send a copy to: anna.swelung@ericsson.com

Angie T. Tan

Relationship Manager

CBG-LCPSD

Tel Nos. 898-8951, 893-1328

Fax Nos. 817-1410, 889-5846

________________________________________

okay di ba? sino ba namang ang hindi mag-po-forward nito kung ipapasa mo lang tong email na to tapos qualified ka na. san ka pa di ba? kung totoo nga to di dapat pala maghapon na lang akong nakatambay dito sa harap ng computer ko hanggang sa mutain ako para mag-antay ng mga ganitong email. kung ganito pala at madali mong makukuha ang gusto mo sa pamamagitan ng pag forward ng email di sana marami na ding mutain dito sa mundo sa kakatambay sa computer. pangit naman tingnan. may dekorasyon ka sa mata na puti o itim.  pero hindi man lang ba sumagi sa ating mga isip na joke lang to, na walang katotohanan ito. pano naman po sila mamimigay ng libre kung sa dami ba naman ng taong magpo-forward nito di dami din nilang bibigyan around the world di luge negosyo nila.

kasi tayong mga pinoy mahilig tayo sa libre (bato-bato sa langit ang tamaan wag magagalit). kaya kahit sa anong paraan ginagawa natin.  totoo di ba? aminin!!! wag ka nang mag-deny pa, di ba nga yung mga free taste pinipilahan kahit sa mall, sa lrt, sa mrt at kung saan saan pa. wag na tayong magpakaipokrito pa.

TOG-MO-RUN

masakit ang ulo ko ngayong araw na to. sa katunayan noong nakaraang buwan sumakit ang ulo ko ng dalawang linggo lang naman. natiis ko yun at tiniis ko talaga ang sakit. parang ang sarap inuntog sa sobrang sakit. nagpatingin ako sa isang ospital dito lang sa makati ang diagnosis sa akin ay tension headache.. ha!!! ano yun?? dahil sa tensyon kaya sumakit ang ulo ko? lols pwede kasi minsan talaga nakakatensyion ang mga katabi ko dito sa opisina. tapos pagkatapos ng isang linggo nagpatingin naman ako sa may amin lang sa isang cardio kasi walang abeylabol na optha kaya sa cardio ako ni-reper dahil card ang gamit ko. isang oras at kalahati ako bago nakapasok tinanong ako ng doktor  kung anong problema ko sabi ko sobrang sakit ng ulo ko at dalawang linggo na(sasabihin ko sana pera kaya lang baka bigla akong palayasin). nagulat ako ng patingalain ako at ilong pala ang titingnan sa akin buti na lang nakapaglinis ako ng ilong bago pumunta sa kanya. kung hindi makikita nya ang mga agiw sa ilong ko. at ng bibigay ang resulta ng eksaminasyon aba akalain mo yun at sisipunin lang ako. meron bang frozen na sipon kaya sumakit ang ulo ng dalawang linggo kasi pinalalambot pa?  sana sinabi na lang nya na lumuwag kasi ng konti ang turniyo mo kaya sumasakit kung gusto mo higpitan natin ng konti mas ok diba? binigyan ako ng reseta para sa sipon pero sa kasamaang palad di ko binili. at dahil nagmamaganda ako hindi ko binili ang gamot hindi dahil sa wala akong pera (at wala naman talaga) kundi hindi ako kumbinsido sa resulta. para ngang mas ok ang gamot ng tog-mo-run (inuntog mo run). hindi na kasi uso ang yakapsul at kispirin ngayon sa pagkakaalam ko face out na sila. at may naimbento ng bago biogesex na. kaya ingat…lol

 kaya ang ginawa ko na lang ibang gamot ang binili ko.at sa awa ni batman ay nawala naman ang sakit. pero pabalik-balik talaga sya at palagi syang nagpaparamdam at lagi akong dinadalaw. ayaw ko na ngang uminom ng gamot kasi sa totoo lang hindi ako sanay uminom ng gamot. katulad ngayon ay napapadalaw na naman sya sana lang magsawa na sya sa kakadalaw sa akin kasi di ko na nga pinapansin. o baka kailangan ko ng ipatanggal ang ulo ko para wala ng sumakit at palitan na lang ng bago o kaya naman  kailangan ng ipa -up-grade. kung pwede lang sanang ganun. wish!!!

“geriatric ward” at the office…

sa katunayan di ko alam kung papano sisimulan tong blog ko na to. alam ko sa bawat opisina may iba’t ibang mukha na makikita pero dito sa amin kakaiba talaga ang makikita. meron kaming bagong tawag sa grupo nila at yun ay ang “geriatric ward”. siguro naman pamilyar yung salitang yun. kalimitan sa ospital lang natin to naririnig. at yun ang kwarto para sa matatanda o SC. ewan ko kung merong ganito sa ibang opisina.

sa katunayan kahapon lang nabuo ang kanilang pwersa. at nagulat talaga kami. karamihan kasi sa department namin ay puro bata pa at 3 lang silang SC at isang junior SC. pero kahapon dumami ang kanilang kampon at ang saya-saya talaga nila. parang reunion ang nangyari at parang na out of place kaming bigla na mga bata samantalang dati sila palagi ang out of place samen dahil konting kibot side comment ang maririnig mo. pero kahapon pinagkatuwaan naming 3 bata na opismeyt ko nag-uusap kami sa chikka txt messenger at yun ang topic namen sila. eto na nga, kasi naman para kaming naligaw dito sa aming pwesto kasi puro SC ang kasama namin at nag-alala kami na magpagkamalan ding nasa geriatric ward…Waaaaahhhhh… wag naman di ko keri yun. matagal pa bago kami umabot sa ganun. di pa handa ang aming puso’t isipan.

at sa twing magkakatinginan kami ng aking opismeyt ay iisa lang pala ang nasa isip namin at bigla na lang kaming matatawa kahit pigil sa sobrang baka makahalata sila. kaninang umaga pagkabuo ng kanilang pwersa at talagang ang iingay nila. para kaming wala sa opisina at walang nagtatrabaho sa kanilang tabi. parang may sarili silang mundo. sabagay meron talaga.

pagkatapos ng lunch breyk namin bumaba kami sa 5th floor nitong building kasama ang iba kong opismeyt sa ibang departamento para mag-yosi. at ang tanong ba naman eh. “bakit ganun sa departament nyo puro yata SC na?”, “anong meron dun?”, “kailangan ba talaga na ang qualification ay SC?”. kasi field work yung gagawin nila tama bang tanungin na “kakayanin pa ba ng powers nila mag-field?” ang sagot ko naman ”siguro” kasi naman kung bakit pa natanong yung mga ganung tanong. at eto pa nung nasa 5th floor na kami tama bang sabihin ang “buoin ang 6 na tala ni david!!!” wid matching taas ng kamay sa sobrang tawa ko bigla akong napaubo dahil sa usok ng yosi na nasa baga ko. eto pa “maghawak-hawak ng kamay at magsanib ang pwersa”, meron pang nag koment lang “reyna ng SC”, “inamagenta”

pagbalik namin ng opisina eto na naman buo na naman ang kanilang pwersa. habang nagbabasa ako ng blog ng may blog dito sa word press tinawag ng isang SC yung isa para i-BP. at sa kanyang pagtawag sa pangalan napatingin ako kasi naman magkatunog ang pangalan namin. nagkatinginan kami ng akong frend at ang sabi magkapangalan kayo sabi hindi noh may pinagkaiba naman sa kanya V sa akin D. gggrrrr…. sa sobrang ayaw kong marinig ang mga boses nila nag hedfon ako. mahirap pala pag napasama ka sa “geriatric ward” kailangan tiisin mo ang ingay na naririnig mo. mga tsismis na walang kwenta, tawanang parang nasa bahay at kung mag-usap parang mga bingi  na parang nasa palengke at kung ano-ano pa. mahirap pala pag nagsama-sama ang kanilang pwersa.

walang akong galit sa kanila slayt lang… kasi naman minsan talaga sigurong di magkasakayan ng gusto xempre iba ang gusto nila sa amin. at eto pa napakalakas magparinig pag sasabihan mo naman hi-blood ang aabutin nila as in altrapresyon. mahilig pang magmonitor ng ginagawa namin samantalang pareho lang ang level namin dito. mahirap talaga mapasama sa ward nila para kaming 3 kuting na naligaw sa parang…

harapin ang hinaharap..

kani-kanina lang napagkwentuhan namin tungkol sa college life namin. tungkol sa practical exams namin. para tuloy bigla kong na miss yung nag-aaral pa ako. parang narealize ko na mas masarap mag-aral kesa magtrabaho. kasi pag nag-aaral pa lang kahit wala kang trabaho may pera ka. gimik dito gimik doon. barkada dito barkada doon. ang sarap ng buhay may bakasyon pa. pero ngayon wala ng mahabang bakasyon. noon kahit saan pwede kang pumunta gumala pwede kang mag cut ng klase. sa trabaho pero din naman kaya lang SD yun yung under time ka. no work no pay. pero noon pumasok ka o hindi meron kang pera. noon ang problema lang mag-aaral ka lang ng maigi para makapasa.

nung nagkatrabaho ako mas may halaga sakin ang pera. noon hindi ko iniisip yan. isang hingi lang sa parents ko yan na agad ang allowance ko. ngayon kailangan magtrabaho ng maayos at sipag din xempre. kailangan mong paghirapan mabuti para magkapera ka. galing sa sarili mong pawis at dugo ang ginagastos mo. pero mas masarap ang ganun minsan halos ayaw mong galawin ang perang pinagpaguran mo. mas may value ang pera ngayon sakin. nakakahiya naman pag manghihingi pa sa parents diba.

dapat ngayon ang isipin at ihanda ko na ang sarili ko sa future….

ouch my gosh…sakit..

maaga akong nagising kanina para maaga akong makarating sa opisina. quarter to 5 am pa lang gising na ako para gawin ang mga dapat gawin, mga seremonyas ko para sa pagpasok. maaga akong nakasakay ng bus. pagbaba ko sa bus sumakay ako sa jeep papunta ng opisina. may sumakay na isang guy ang gwapo pa naman paupo na sya sa tabi ko ng biglang tinapakan ang paa ko.. wow ang skit talaga sobra. gusto ko talagang sipain sa sobrang sakit. nawala ang tingin ko sa kanya sa paghanga kundi napalitan ng pag kainis sa sobrang sakit ng paa ko  na tinapakan nya. at take note sa tabi ko pa umupo. gusto ko talagang jobagin. hindi naman pakalat-kalat ang paa ko. alam ko na pangit ang paa ko.

costume party….

  • eto ang natanggap kong email mula sa aking mahal na kuya(forward pix) kahapon lang. naalala ko malapit na nga ang undas  at uso na naman ang halloween party. napag-isip tuloy ako kung binibigyan ako ng aking mahal na kapatid ng idea para sa costume o pinaaalala nya sa akin ang image015.jpg      aso ko na kinatay nilang magkakaibigan noong bata pa ako. alam naman nya na mahilig talaga ako sa aso. at talagang katabi ko sa pagtulog. hindi ko tuloy malaman kong nang-aasar lang o talagang nang-iinggit. iisipin ko na lang na binibigyan nya ako ng idea para sa costume. (ng aso o ako?) lol….. di ako sure kung merong ganito sa pinas costume party para sa mga aso. kung wala pa sana may makaisip ng ganito. para naman di puro tao ang nagko-costume kundi hayop din.  

  • image013.jpg  pang halloween din pala ang ganitong costume… pwede sabagay may point nga naman kulay vlack yun nga lang panty at bra na itim. na slow ako dun ha ang tagal kong inisip kung pano to napasama.image002.jpg    pwede!!!                                    

10 Things to Remember in a Relationship….

1. Never flirt when you know you’re taken.

2. Never fall inlove with another. Stay inlove with you’re partner.

3. Never lie.

4. Never go out without you’re partner’s permission.

5. Never go out on a date.

6. Never do things that will hurt your partner.

7. Dont be quiet, say your feelings when you’re hurting.

8. Never call or text a person when you know your partner would be jealous.

9. Never kiss and hug with an opposite sex

10. Never say promises.

breyktym

kasalukuyang lunch break namen ngayon at eto ng nasa harap ako ng computer at ginagawa ko ang blog na to habang kumakain. hirap talaga kumain pag walang kasalo nakakawalang gana. actwali niyaya ako ng kaibigan ko sa pantry. nung pumunta ako dala ang baon ko nakita ko na kasabay nya ang kanyang lady boss so bumalik na lang ako kasi nahiya ang beauty ko… pero ok lang din naman. ang ginawa ko lang naman iniharap ko sa mukha ko ang salamin na nasa table ko so para na rin akong may kasalo. keri na rin yun kesa naman mag-enarte pa ako noh.

ang masama pa siningang na bangus ang ulam ko ngayon (sarap) hirap pa akong tinikan kasi naman ayaw kong magkamay (sobrang kaartehan).. at eto pa dinala ng kaibigan ko ngayong araw na to yung bagoong na hiningi ko galing prabins nila at talaga naman na te-temp akong kumuha para sawsawan…. waaaaaahhhhh torture ito. kaya lang pinigil ko ang sarili ko kasi baka mangamoy dito sa buong opisina patay ako nun xempre malansa yun at amoy ewan. sa bahay na lang… hirap pala magpigil  …amp… iniisip ko na lang na isinawsaw ko ang aking ulam sa bagoong na yun bago ko susubo…

 salamat naman at sa wakas natapos na din akong kumain hirap talaga… solve na din sa wakas ang mga bulate kong nagwawala sa gutom. at tapos ko na din tong blog ko…

Bagong Pahina »